"Giro!!! Anak!!!" Agad naman akong nagising nang may tumawag ng malakas sa pangalan ko
"Po?!" Sabi ko. Ambayan! Sarap pa naman ng tulog ko!
"Halika dito! Bilis! May bisita tayo!" Sigaw ni mama... Antok pa ako ehhh!
"Wait lang! Natutulog pa ako ehhhhh! Sige na ma! Saturday ngayon! Dalawang araw na nga lang yung wala akong pasok tapos gigising pa ako ng maaga?!" Pag rereklamo ko sa mama ko... Kasi naman ehhh! Saturday tsaka sunday nalang freetime ko para matulog tapos gigisingin pa ako ng maaga?! Hustisya naman oh!
"NAK!!! GIRO!!! PAG DI KA BUMANGON DIYAN MANDA KA SAKIN MAMAYA!!!" Huhuhuhu beastmode nanaman si mama! Ambayan nakakabakla naman! Bigla akong nagising sa takot sa mama ko
" Ayyy sige ito na po! Wait lang ayyy este bababa na po ako~!" Sagot ko sa mama ko in a nice tone. Nakakatakot na ehhh! Sino ba kasi yang bisita na yan?! Grabeng importante naman yan!
Pagkababa ko may nakita akong dalawang mag asawa tsaka isang babaeng ka-age ko
Pamilyar yung mukha nung babae.... Bigla naman tumingin yung babae sakin...Ayyyy shettt!!! kilala ko to! ito yung taga-school kong kilala kasi sa niya daming masamang record! Nakabugbog siya ng gang, nakabugbog siya ng isang lalaki na hanggang ngayon comatose parin and binubugbog niya yung mga bodyguards niya na hindi siya pinapayagang gumala....
"Ohhhhh giro! Para ka namang nakakita ng multo! Bakitbigla ka atang namutla? Ok ka lang?" Tanong sakin ni mama.... Oo gagi! Mas nakakatakot pa ata yan sa multo ehhh!
"O-opo! O-ok lang p-po ako ma..." Nauutal kong sabi sa mama ko
"Ok, then meet lorraine! Your beautiful fiancée!" Hindi ata maka-function mabuti yung utak ko... Ano daw? Finacée?! Ehhh diba ibig sabihin ng fiancée is... TANGINA! DI PWEDE MANGYARI TO! AYOKONG MAGING FIANCÉE ANG ISANG BABAENG KATULAD NIYA! BUGBOG SARADO ANG AABUTIN KO SA BABAENG TO PAG SIYA ANG NAPANGASAWA KO!
"Hi!" Agad naman ako nakabalik sa realidad nang batiin niya ako at inaantay ang kamay ko para makipagshake hands sakanya
"H-hi din" nauutal kong sabi at nakipagshake hands na sakanya... AWWW GAGI! ANG HIGPIT NG HAWAK NIYA SAKIN! PINIGA NIYA TALAGA ANG KAMAY KO!
Naka smirk naman siya sakin ngayon habang kitang kita sa mukha ko na nasasaktan ako"ARAY!!!" Dahil sa hindi ko na kaya ang pagkakahawak niya sakin ay bigla akong sumigaw nang malakas... Shet! Nakakahiya! Agad niya namang binitawan ang kamay ko at ginawang maamo ulit ang mukha niya
"Ayyy sorry ah? Ang cute mo kasi ehhh nakakagigil!" Sabay ngiti. Aba tong babaeng to ah?! Pero kung sabagay... Ang pogi ko naman kasi talaga ehhhh! HAHAHAHA jk
"Tita, pwede ko po bang mahiram si giro sandali?" Hinawakan niya bigla ang wrist ko
"Sure! Para din lubusan kayong magkakilala!" Sabi ni mama. Haluh naman! Ba't ba kasi na-bankrupt ang company namin?! Kailangan ko pa tuloy pakasalan ang sira ulong babaeng to tsk!
Agad naman hinila ako palabas ng babaeng to, ayyy parang di nga hinila parang kinaladkad na nga ako palabas ehhh! Buti nalang babae siya kung hindi nasuntok ko na to tsk!
"Putangina naman! Ano ba bakit ba?!" Pilit kong kinakalas ang mahigpit na hawak niya sa kamay ko
"Wag mo kong ma-putangina dyan ahhh! Baka gusto mo kitang bugbugin! Tsk letse!" Agad niyang binitaw ang pagkakahawak niya sa wrist ko. Grabe! Nagkamarka na agad na red yung wrist ko!
"I know you don't want to marry me and of course! I don't wanna marry you! Napipilitan lang talaga ako sa magulang natin dahil pag di daw ako sumunod sa gusto nila ay babawiin nila ang kotse, condo and mga pera ko! So i don't have any choice but to marry you!" Hayyyyy sabagay... Ako din naman napipilitan lang din naman ehhh
"Pero i have a plan! Pag nakasal na tayong dalawa kunwari sweet tayo pero every month ipapahalata natin sakanila na nagaaway na tayo and luckily pag 5-6 months na ay maghiwalay na tayo! Sounds great right? Don't worry i'll pay your family's debt para hindi na kayo mabankrupt" sabi niya habang nakangiti sakin
"Game! Deal! But remember.... Don't fall inlove with me HAHAHHHAHA JOKE" sabi ko habang tumatawa. Natawa siya bigla sabay suntok sa balikat ko, aray! Kahit pabiro niyang suntok ansakit! Bigla naman siyang ngumisi
"Ikaw nga diyan ang dapat kong balaan ehhh! Don't fall inlove with the dyosa" bigla siyang ngumuso at nagpose
"Tsk! Ikaw dyosa? Wow lang teh ah?" Ngumisi ako sakanya at kitang kita sa mukha niya ang pagkaasar niya
"Wow ha?! Gusto mo ng suntok?" Akmang tinapat niya sakin ang kamao niya. Natakot ako bigla nang may hangin na tumama sa mukha ko dahil sa pressure ng pagkaka suntok niya
"Haha. Just kidding! And anyways di kita susuntukin kasi para kang baklang takot na takot sakin hahahahaha you should see your face!" Tawang tawang sabi niya. Ako, bakla? Wow ha! Ang pogi pogi ko tapos magiging bakla ako?! Tsk!
"Sinong tinatawag mong bakla?! Ako, bakla?!" Hinila ko siya at akmang hahalikan ko sana nang sinipa niya ang tyan ko. ABAY GAGO TALAGA TO! ANSAKIT! PUTNGINA NAMAN! FEELING KO NASUSUKA AKONG EWAN!
"Putangina ka naman! ba't mo ako sinipa?!" Pag rereklamo ko sakanya
"Gago ka rin eh no? Sinong di magugulat kung hahalikan ka ng isang
taong di mo type? Yuck! AMPANGIT MO KAYA! YUCKKKK!! Tsk! Bahala ka na nga dyan aalis na kami!" WHY YOU LITTLE BITCH?! ANSAKIT SA TYAN! ANG LAKAS NIYANG SUMIPA! SARAP NIYANG BUGBUGIN KAINIS!Ngayong araw ang simula ng kamalasan ng buhay ko dahil kay lorraine or so called bitch
YOU ARE READING
Marrying the badass bitch
RomanceMeet giro, nabankrupt ang pamilya niya at dahil sa sitwasyon na yun Kailangan niyang magpakasal sa babaeng di niya mahal And worst paano kaya kung yung papakasalan niyang babae ay Kilala sa school niya bilang troublemaker? Would he stand up and say...