Ayumi's POV
Successful ang event namin last Wednesday, and it's been a week since nangyari yun.
Ngayon ko lang din nalaman na may nag-take pala ng mga pictures nung feeding program, kung hindi ko pa chineck yung Facebook page ng society namin. May mga co-officers at ka-course din ako na nagta-tag sa akin ng mga pictures kaya ko din nalaman.
I was busy checking it when my friends appeared behind me.
"Ay, taray. Instant family picture." Kumento ni Grae sa naka-open na picture.
Nasa student's lounge kasi kami ngayon at nagla-laptop ako. May tinatapos pa kasi akong paper works para sa society at naisip kong magbukas ng Facebook.
"Wow. Ang dami pala, huh." React naman ni John ng sunod sunod kong tinignan yung iba pang mga naka-tag sa akin at kay Kyle.
Puro stolen shots namin habang kasama si Yanna at baby Kyle. And yes, mukha nga kaming isang pamilya.
And speaking of Kyle, he's busy with his other woman. Just kidding. Palagi niyang kasama yung Jane na sabi nga ni Sandra, 'feelingera.' Madalas ginagabi din siya ng uwi. And guess what? Silang dalawa ang magkasama.
It's fine with me dahil ang sabi ni Kyle sa akin, nagpapatulong lang daw ang babaeng yun sa OJT niya. Two years ahead kasi yun sa amin at umuwi ng Pinas para lang mag-OJT.
I don't know why, but instead na sa ibang bansa mag-OJT, dito pa sa Pilipinas.
"Yumi, you're spacing out again." Binato pa ako ni Keila ng fries na kinakain niya.
"Nag-iisip lang ng idudugtong dito." I was referring to my work. But it's just an alibi.
"Uwian na kaya. Tigilan mo na muna yan, mahaba pa ang buwan bago yan ipasa." Singit naman ni Joyce.
Next month pa naman talaga ang pasahan nito, kaya lang ayoko ma-ipon tong works ko. Lalo na magfa-finals na.
"Resto hopping tayo." Dun ako napatigil ng sabihin ni Sandra yun.
"Sama kami!" Sigaw nung mga lalake.
"No boys allowed. Kaya uwi na." Pagtataboy ni Keila sa mga lalake.
Kung nung mga nakaraang linggo medyo nahihiya parin si Keila sa amin, ngayon hindi na. Siya pa nga minsan ang pasimuno ng trippings kasama si John at Grae.
"Edi sige. Magba-bar hopping nalang kami." Parinig ni Joaquin.
"Edi go! Chupi, alis na." Sagot sa kaniya ng girlfriend niya.
"Kapag wala talaga si Joshua masyado tayong naaapi." Yeah, wala ang magaling kong asawa. Ang sabi niya, may business meeting daw siya kasama si daddy. (His father) Kahit medyo alanganin, naniwala na ako.