Chapter 2

5 1 0
                                    

Maga ang mata kong lumabas ng kwarto. Ayaw ko mang sumabay ng break fast kila mama ngayon wala akong magagawa dahil hindi ako kumain kagabi. I am starving like a pig. Pumunta ako sa maliit na dining table ng mansyon. Magkahiwalay ang kainan ng mga Olivares sa amin. Para na rin siguro ma segregate ang privacy ng bawat pamilya. Of course, there are matters that could only involve them closely and we should stay out of it. Nakaupo na si papa at nakauniform na sya, ako rin naman ganun din. Si mama kakalagay lang ng ulam at handa nang maupo. Naupo ako sa tapat ni mama. "Oh anak, kain na." Aya ni mama.

"Anong nangyari sa mukha mo?" Tanong pa nya. Nilagyan nya ng kanin ang plato ko. 

"Napuyat lang kagabi Ma, may ginawang assignment." Nagkibit balikat naman sya. Ibinaba na ni Papa yung dyaryong binabasa at inubos ang kape. 

"Dalian mo Sari at ihahatid ko na kayo ni Sir Joseph." Sambit ni Papa. Agad nagtaas ang mga kilay ko. Limingon ako kay papa nang nakakunot ang noo "Ha?"

"Binilin nya sa akin kagabi na isabay na daw kita sa kanya. Lagi ka daw kasing nalelelate sa school nyo dahil sa pagco-commute, totoo ba yun?" What the hell? One time lang akong nalate! Anong pumasok sa ulo ng lalakeng yun at kung ano ano ang pinagsasabi sa tatay ko. At ano tong sinasabi nya na isasabay ako. Kahit kailan, kahit bumagyo pa o lumindol di ako sinasabay ng kumag na yon tapos ngayon bibilinan nya si Papa? 

"Pa hindi naman po totoo yun, isang beses pa lang akong na lelate."
"Ah ganun ba." Nagkibit balikat sya.
"Sumabay ka na lang Sari, mukhang nagmamagandang loob lang si Sir." Suhestyon nan ng aking ina. Nagmamagandang loob? Huh? Uso ba yun sa gagong yun?
"Oo nga, para naman maranasan kong ihatid ka ng may sasakyan anak." Nakangiting tugon ng aking ama. Yumuko ako at kunwaring gagalawin ang pagkain.
"Eh, may bibilhin pa po kasi ako sa daan, pakisabi na lang di ako makakasabay. Pa" Ngumiti ako ng ipit kay Papa at di na nya ako pinilit, ganun din si Mama. Lumabas na si Papa, papunta sa mga Olivares at naiwan ako. Nang nasigurado kong nakaalis na si Sef, lumabas na ako ng mansyon at nagpunta sa pinakamalapit na paradahan ng Jeep.

Pagdating ko sa school agad nahagip ng mata ko si Sef sa hallway. Kasama ang tatlo nyang mga kaibigan. Dirediretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa locker ko. Nagmamadali kong kinuha ang mga gamit ko at umalis papuntang classroom. Hindi ko man kaya tignan ramdam ko ang bigat ng tingin nya sa akin.

Buti na lang at may pagka engot sya at hindi sya sa section A so di kami magka-klase. Since puro nerd ang nandito, wala masyado akong kaaway. Wala masyadong Mara and definitely walang Sef. Lumipas ang maghapon, lagi kong nakikitang dumadaan sila Sef sa room namin. Halatang halatang nagpapapansin ang hudas nagtataka dahil nasa kabilang wing ang classroom ng 3-F, paano sya napapadpad sa 3-A? Sarap kaltusan sa spinal cord nang mabaldado na.

Nung lunch break nagkagulo pa sa classroom dahil tumambay sila sa labas lang mismo ng hallway namin. Yung mga kaklase kong babae, akala mo kung sinong Maria Clara, may tinatago din palang kalandian. Gustong gusto naman ni kumag na pinagtitilian sya. Gusto ko man syang bulyawan, tulad noon. Mahilig kasi talaga syang sumulpot sa classroom ko at guluhin ang klase, madalas pinapalayas ko sya. Pero ngayon di ko magawa dahil iniiwasan ko sya. Buti nga di ko na kinailangang lumabas kanina dahil nagbaon ako ng lunch.

Buong araw na ganun ang eksena. Di ko na rin hinanap yung hinayupak na necklace na yan. Alam ko kasalanan ko yung part na yun at wiling akong salubungin ang galit nya. Since I've already seen the worst. I kinda became tougher. I am gonna proceed to my plan B. Maging sa mansyon iniwasan ko sya, iniwasan kong tumambay sa kwarto dahil ilang beses syang tumatawag sa telecom doon kaya nagpalipas ako ng oras sa library nila. Walang telecom doon at allergic si Sef sa libro kaya di nya naisipang mapadpad doon.

Dinner na, at sa awa ng dyos di ko pa nakikita ang pagmumuka nya. Tahimik kaming kumamakain nila mama at papa at sa sobrang tahimik, nakakabigat sa dib dib. I don't know but I feel a little sad. I've never experience this kind of itch for something. Parang may hinihintay akong mangyari na hindi nangyari. It's like I miss something today. Napalingon ako sa kusina namin at nakita ang kalendaryong nakasabit. Mukha ng mga Olivares ang nakalgay doon. Nagfocus ang mata ko sa mestisong lalake sa gilid ng litrato. Matangos ang ilong, medyo maliit ang mata, blanko ang expression pero makahulugan ang tingin. Kahit hindi sya ngumiti, poging pogi parin. Alam nyo yung pinagaagawan ng isang Korean Actor at Penshoppe model yung mukha nya.

The Moon That Wanted The SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon