Epilogue- 1

46K 858 41
                                    

Epilogue 1


RC's POV




" Mom! Hurry up!.. "



Muli kong rinig na sigaw ni Zayn sa labas ng kwarto naming mag'asawa.. Naparolyo ulit ang mga mata ko.. Kani kanina lang nito sinabi na may pupuntahan kami at kailangan kong suotin ang puting satin dress na nasa box.. Kahit ano pa ngang pilit kong itanong rito kung saan kami pupunta at kung bakit kailangan ko pang suotin ang damit na ito ay sinimangutan lang ako.. Manang mana talaga sa ama..




Dalawang taon na ang nakakaraan muli noong iniwan ko ang serbisyo para sa pamilya ko.. Zayn is 9 years old now and Amara is 5.. Nag'aaral narin ang huli sa pre-school kung saan nag' aaral naman si Zayn as grade four.. I am bless sa pagkakaroon ng mga anak na mababait.. Si Zayn kahit namana nito ang pagiging strikto at seryuso ng ama ay napaka'protective naman nito sa kapatid and Amara is sweet.. Palagi na nga lang siyang nakayakap sa akin lalo na kapag naglalambing..





I must say that Zein is a good father and a husband at the same time.. Sinisiguro niya talaga na sa kabila ng hectic niyang schedule ay nagkakaroon din siya ng time para sa amin.. Tinatry parin namin na magkaroon ng third baby.. Sabi kasi ng OB ko sa tagal ko kasi raw nabuntis at sa klase ng trabaho ko noon ay may posibilidad na mahihirapan kaming makabuo.. I really feel frustrated at first, but luckily Zein never leave by my side.. Palagi niyang sinasabi na we just keep on trying.. Baka raw kasi gusto lang ng Diyos na ma'focus muna ang atensiyon namin kina Zayn at Amara..




Now is our 4th year anniversary, at hindi ko mapigilan talagang mainis sa kanya.. Pagkagising ko kasi kanina sa umaga wala na siya sa tabi ko.. Akala ko nasa kusina lang siya at inaasikaso ang mga bata pero pagdating ko doon ay tanging katulong lang ang nadatnan ko.. Tinanong ko naman ang mga katulong at sinabi nilang maaga raw umalis si Zein at nagmamadali raw.. Akala ko may emergency sa office kaya tumawag ako sa secretary niya na ngayon ay isa nang lalake.. Pero laking dismaya ko nang malamang hindi naman raw ito pumasok.. In fact nag' cancel raw siya nang mga appointments para sa buong araw.. Naghintay pa ako nang ilang oras at hindi muna ako nag'react.. Pero dumating nalang ang hapon hindi parin siya nagparamdam.. Hindi ko nga alam kung mag'aalala ba ako o magagalit sa kanya.. Hanggang sa sinabi nga ni Zayn na may pupuntahan kami.. I really feel disappointed pero hindi ko nalang pinakita sa mga bata..



" Mommy! "


This time si Amara naman ang narinig ko.. Kaya nagmamadali na akong lumabas pagkatapos kong pasadahan ng mabilis ang sarili sa malaki naming salamin sa walk in closet namin ni Zein.. Kahit pa man ang bigat bigat ng pakiramdam ko ngayon ay pilit ko nalang na pinapasaya ang sarili ko.. Maybe mas maganda naring ang mga bata nalang muna ang makakasama ko ngayon.. Pagkabukas ko sa pinto ay agad na bumungad sa akin ang cute na cute na si Amara.. Ang cute niya sa suot niyang small version ng suot ko.. May nakalagay pa siyang bulaklak na ginawang parang korona sa ulo niya.. Pumantay ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi na mas lalong ikinangiti nito..




" Wow baby girl, so look so beautiful.. " sabi ko.. Parang gusto kong maiyak habang nakatingin sa kanya.. I don't know.. I know for a fact na hindi siya galing sa akin pero ang pagmamahal ko sa kanya ay nag'uumapaw..





" You too Mommy.. I look like you po that's why I'm beautiful.. " sabi naman niya.. Muli ko siyang hinagkan bago tumayo.. Naglakad na kami sa hallway habang hawak hawak ang kamay niya..





" Where is your Kuya? " tanong ko habang binabagtas na namin ang daan patungo sa hagdanan..





" He's downstairs na po.. Nakasimangot nalang po panay si Kuya, Mom.. Katulad po noong nasa school kami kapag nakikita niyang kausap ko si Herios, yung classmate ko po, palagi nalang niya akong hinihila.. Tapos sasabihin niya palagi that he is my boyfriend and ayaw niya po raw na nakikita ako na may kasamang ibang lalake.. Mom, what is boyfriend? "



The CEO's Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon