Kabanata 11: Phone calls

172 5 1
                                    

BEEEEEEEEEP!

From: My Prince <3
I miss you.

Napatigil si Nika sa ginagawa nya. Nagpaalam kasi ang boyfriend na maagbabasketball ng saglit. Pero, sampung minuto palang ang nakakalipas, nagtext na naman ito. Hindi nya maiwasang kiligin. Kakapagkita lang nila kanina sa school, pero agad na nilang namimiss ang isa't isa.

To: My Prince <3
I miss you too. Akala ko ba maglalaro ka na?

Hindi nya akalain na magseseryoso na ulit sya. Siguro ngayon lagay na ang loob nya na nasa maayos na ang lahat. Magkaibigan ang mga magulang nila. Naging magkaibigan muna sila, sabi nya "the best relationships started off as friends." Kaya naman, kilalang kilala na nila ang isa't isa.

BEEEEEEEP!!

From: My Prince <3
Namiss kasi agad kita. Kaya nagpahinga muna ako. I love you.

Napangiti na naman sya. Kahit kailan, hindi pumalpak si Alexis sa pagpapakilig sa kanya.

Calling....... My Prince <3

"Hello?"
"I love you, Nika."

Abot tenga na ang ngiti nya. Hindi nya akalain na pwede syang ngumiti ng ganun kalapad, "I love you more. Maglaro ka na nga!"

Napangiti sya sa kilig, "Kinikilig ba prinsesa ko?"

"L-loko! Maglaro ka na sige na,"
"Kinikilig sya," tumawa si Alexis at saka gumawa ng tunog ng halik, "Mwa mwa mwa mwa mwa!"

"A-alexis ano ba!" Naiilang pa rin sya ng kaunti kasi ang tagal nyang hindi pumasok sa seryosong relasyon.

Alexis chuckled, "Okay hindi na, I miss you."

Namula na lalo si Nika, "I miss you too."

"Yan, may lakas na ako para lumaro. Nakausap na kasi kita eh,"
"Bolero. Sige naaaa, baka hanapin ka ng team mates mo eh."
"Nagpaalam naman ako, sabi ko kakausapin ko ang energy ko."

Tumawa si Nika at naisip nya na mahal na mahal sya ng binata. Mahal na mahal din nya ito, at handa syang gawin lahat para sa relasyon nila.

"Nika?"
"Hmm?"
"Mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din kita, sobra."

Napabuntong hininga sya, naisip nya na sa dami ng pinagdaanan nila ni Alexis, magiging sila rin pala.

"Sige na, maglalaro na ako. Tinatawag na ako nina James. I love you."
"Opo, ingat ka okay? Wag papatuyo ng pawis, okay? I love you."

Binaba na nya ang tawag, "Haaaaay.."

Napahiga sya sa kama nya at napangiti. Sana hindi sya nananaginip, ayaw na nyang magising. Mahal na mahal nya si Alexis, at ngayon sigurado na sya sa relasyon nila. 

----

"Ha-hala! Anong oras na!"

56 missed calls & 103 texts.

Takte ang dami naman ng text ni Alexis sa kanya. 8:30pm, napatingin sya sa orasan. Nakatulog pala sya sa sobrang pagod nya.

Agad nyang tinawagan si Alexis, "H-hello?"

"Nika! Nika, alam mo ba nag alala ako sayo ha? Tumawag pa ako sa inyo kasi di ka nagrereply! Akala ko umalis ka ng bahay,"

"Hindi po, nakatulog ako. Sorry. Kamusta game ng prinsipe ko?"
"Hays. Akala ko kung napaano ka na eh, eto panalo kami. Nagpapahinga na ako. Kumain ka na ba?"
"Hindi pa, maya maya siguro. Ikaw?"
"Kumain na ako. Kumain ka na, sige na Nika ko.."

Namula na naman sya, dalawang salita lang agad na syang namula. Nika ko.. Nika ko..

"O-opo, kakain na. Bababa na muna ako, para kumain. Text kita after ko kumain, I love you Alexis ko."

"I love you too, Nika ko."

Bumaba sya at nakita sya ng mommy nya, "Sakto anak! Tamang tama, kakain na kami ng dad at kuya mo."

"Hi mom, nakatulog pala ako."

"Halata nga anak, your hair looks messy oh."

Napangiti nalang sya, "Hi dad, what do we have for dinner?"

"See for yourself princess,"
"Wooooow!!! Baked salmon!!!!!"

"Psh, Nika naman. Para kang bata," sabi ng kuya nya. Nagsusungit na naman ito, "Hi kuya! I missed youuuu!"

"Argh, Nika please! Don't be a brat,"

"I am not!"
"Yes you are, brat na ngayon may boyfriend."

Inaasar na naman sya ng kuya nya kaya tinakpan nya ang bibig nito, "Oh guys, stop it. Nasa harap ng hapag kainan, just eat."

Natapos ang hapunan at tinext nya si Alexis, namiss nya ito ng sobra.

To: My Prince <3
Hi. I'm done na kumain. Anong ginagawa mo?

Calling..... My prince <3

"Hello? I missed you, dito na tayo magusap."
"Bakit? Ayaw mo ba sa text, Alexis?"
"Nakakatamad magtype, dito na lang para marinig ko boses mo."
"Okay sabi mo eh," kinikilig si Nika. Pailang beses na ba ang kilig nya?

"Uhmm, scientist ka ba?"
"H-ha?"
"Scientist ka ba?"
"A-ako? Ba-bakit?"
"Pwede ikaw na lang ang lab ko?"

"Alexis ah! Bumabanat ha!"

Nagtawanan sila sa phone, mga pick up lines ni Alexis na sobrang corny. At mga tawa ni Nika kahit waley ito. Tatawanan nya kasi mahal nya. At naccute-an sya sa boyfriend nya.

"Alexis, Nazareno ka ba?"
"Hmm, babanat ang mahal ko! Okay sige, bakit?"
"Pwede pahalik?"

Silence.. Silence..

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAAHAHAHA!"

"Ehh, ano ba! Don't laugh! Aish! Alexis naman!"

"You're being cute, my princess. Oo naman, pwede kang humalik."

"I hate you, tinawanan mo banat ko ah!"

"I love you," Alexis chuckled.

Marami silang napagusapan, ang mga plano, mga gawain sa school, at mga pupuntahan nila.

"Hala, 11 pm na! May pasok pa tayo bukas."
"Oo nga, napasarap na usapan natin prinsesa ko."
"Oo nga po eh, tara na matulog? See you tomorrow, prinsipe ko."

Call ended.

Nagulat si Nika, pinatay ni Alexis ang tawag.

Calling...... My prince <3

"Hello? Nika? Ah, Nika, sorry kinilig ako eh. Kasi tinawag mokong prinsipe mo. Hala, ano ba yan.."

"Ang cute mo, Alexis ko. Sige na, goodnight na?"

Nakapikit si Nika at hinayaang umimik si Alexis sa kabilang linya.

"Goodnight Nika ko. See you tomorrow. Wag ka masyadong magpapagod ha? Ingat ka, papakasalan pa kita. I miss you. I love you so much. Behave, okay?"

Pinatay ni Nika ang tawag, di nya maiwasang maiyak habang tinatype ang...

"Napakaswerte ko sa'yo. Hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita, Alexis. Goodnight."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My NEXT.. soon to be my EX? (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon