Takbo, Lakad at Gapang.

558 1 8
                                    

Takbo mo'ng mabilis

angat sa iba'y di maitatanggi

sa sikat ng araw kasabay ng

mga pangarap

hirap at tiyaga

prudukto ng pawis

O, Ang bilis mo

maraming di makahabol

pati ugali mo'y 

di maabot


lakad mo'ng tama

isa ka rin sa nadadapa

bumabangon at lumalaban

Inuusisa; kinikilatis; inaabangan

umangat man o lumubog


hingal ng pagdurusa

di maubos

parang along bangga ng bangga sa buhay mo

Iniisip mo rin ba'ng maiba?


sabay ka lang sa galaw at daloy

tuloy.

ikaw itong di naiba.


kapaligiran mo'y.. puno ng takot

takot mapahiya?

takot magkamali?

takot san?

Gapang Ka, sa takot madapa

na sa pagdapa ika'y matututo

matututong tumayo

maglakad at tumakbo

magulang mo yang nagtuturo sayo

gapang ang sinimulan

Hoy, hoy.

Bata ka pa diyan

bat ka nandyan?

Sige, gapang kung yan ang iyong alam

sana lang marunong ka rin lumaban.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Takbo, Lakad at Gapang.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon