WIMT #2.

92 6 0
                                    

WIMT #2.

- Frans -

"Good Morning! Shanelle oh, Almusal na tayo." Bati ko kay shanelle pagkababang pagkababa nya ng hagdan habang nasa mesa pako at nag aayos pa ng pagkain namin.

"Anu yan?" Tanong ni shanelle pagkalapit nya sa mesa.

"Heart shaped na Pancake." Nakangiting sabi ko pa kay shanelle. Tapos ay may syrup sa ibabaw nun at naglagay ako ng parang message.

"Fall for me"

Yan pa ang nakalagay sa ibabaw ng heart shaped na pancake na ginawa ko. Mabuti nalang talaga at natuto akong magluto ng pagkain. Kung hindi, naku! Pano na si shanelle?

Pano na yung baby namin?

"Ayoko nyan. Hindi ako kakain." Sabi nya saken atsaka sya tumalikod at pumunta ng sala para manood ng tv.

Haysss, napabuntong hininga na naman ako ng sobrang lalim. Atsaka umupo na at kinain ko mag isa yung ginawa kong pancake.

Pano nya ko matututunang mahalin kung ganyan sya saken araw araw?

Pero hayaan ko nalang, intindihan ko nalang dahil buntis naman sya e. Siguro ganun lang talaga mga babae pag buntis. Palaging naiinis.

Pero minsan ayoko ng ganun sya! Pano nalang kung maging ganon ang anak namin? Maging kunutin at laging galit sa mundo?

Nako naku! Walang lalapit na chix don pag nagkataon.

Kahit kelan hindi ko pa toh ginagawa sa buong buhay ko. Hindi pako nagmamakaawa sa isang babae.

Hindi pako nag aasikaso ng babae.

Dahil lahat ng naging babae sa buhay ko, ako lagi ang inuuna. Maski si mama eh, laging gagawin lahat ng gusto ko. Pati nadin ang mga naging babae ko.


Nahihirapan nako pakisamahan si shanelle.

Ano pabang kailangan kong gawin?

Ni kahit pangitiin sya hindi ko magawa.

Maya maya lang pagkatapos na pagkatapos ko kumain ay iniligpit ko na ang mga pinagkainan ko at inilagay sa lababo.

Nakita kong umakyat ng kwarto nya si Shanelle. Paakyat palang sya ay agad ko itong tinawag.

"Shanelle!" Tawag ko sakanya at nilingon nya naman ako at nag taas ito ng isang kilay saakin na parang nagtatanong kung bakit ko sya tinawag.

"Uhm, ano.. kung gusto mo sana, labas tayo manaya at gumala gala sa dagat." Sabi ko sakaya pero sana naman at pumayag syang makasama ako maglakad lakad at pumasyal dito sa isang malayong lugar na pinag stayan namin.

Para kasi syang isang village na may Dagat at karamihan ay puro mga puno't halaman ang nakapaligid.

Ewan ko talaga kung anong lugar ito.

"Sige, mag aayos lang ako." Awtomatikong napangiti ako ni shanelle nung sinabi nya iyon atsaka sya pumasok ng tuluyan sa kwarto nya.

Yess! Pumayag sya.

-

Naglalakad lakad na kami ngayon ni shanelle ng nakapaa pareho. Naglalakad kami sa mga buhanginan. Ang lakas pati ng simoy ng hangin.

"Ang ganda dito noh shan?" Tanong ko sakanya habang katabi ko sya at sabay kming naglalakad.

"Ah, Oo. M-maganda. Pero hindi masaya." Malungkot na pagkakasabi ni shanelle at nakayuko lang sya at nakafocus ang tingin nya sa mga buhangin habang naglalakad kami ng sabay.

"Uhm, kung gusto mo shan, bukas Maligo tayo sa dagat para masaya diba? Or kung gusto mo yayayain ko sila yesha, gray, ken, nathalie, si shai! Mindy. Vince, nik---nike?"

"Hindi. Ayoko." Yun nalang ang nasabi nya saken matapos kong banggitin ang pangalan ni nike. Halata namang mahal nya padin si nike.

Ano bang meron kay nike na wala ako? Bat ba nya minahal ang kaibigan ko? Anong meron sakanya? Tss.

"Mahal mo pa din sya noh?" Tanong ko sakanya habang nakatingin padin ito sa buhanginan at ako naman ay natingin sakanya.

"W-wag na nating pag usapan yan nike." Nabigla ako at natigilan sa sinabi nya.

"Nike? Si nike parin talaga nasa isip mo. Hays, haha! Biruin mo? Ako kasama mo pero sya nasa isip mo pati nasa puso mo. Haha!" Nababaliw nako. Sobrang saket! Sobrang saket nung marinig ko mula sakanya na tinawag nya kong "nike". Pero eto padin ako at natatawa tawa padin sa harapan nya.

Ayokong makita nya kong nasasaktan. Kahit na sobrang nasasaktan na talaga ako.

"Ayoko na Frans. Uuwi nako." Sabi nito saken ng hindi tumitingin saken. Atsaka nya ko inunahang maglakad.

Pinanood ko nalang syang naglalakad pauwi.

Naiinis ako! Bat ba di nya ko kayang mahalin?!

Napasipa nalang tuloy ako sa mga buhanginan dahil sa inis ko!

Pagdating ko ng bahay, nakita ko sya na nasa kusina na at kumakain na ng tanghalian mag isa. Agad akong nagtungo sa kinaroroonan nya at naghanda ng pagkain ko.

Pagkalapag ko ng plato ko sa lamesa. Nakita kong hindi pa nangangalahati ang pagkain ni shan pero agad na itong tumayo at akmang ilalagay nya na sa lababo agad ang pagkain nya.

Agad ko syang hinawakan sa braso para pigilan.

"Shan, ano ba talagang problema mo saken? Baket mo ba ko iniiwasan?!" Hindi ko na maiwasang hindi mairita sa pagtanong ko sakanya.

Dahil hindi ko na talaga sya kinakaya. Hindi ko na kinakaya ang ginagawa nya sakeng toh at pagtrato nya saken ng ganto.

Ayoko ng ganto sya saken. Para akong unti unting pinapatay, Alam nya ba yon?!

"W-wala! Bitawan mo nga ko frans!" Sabi nya saken at nagpupumilit na pumiglas sa pagkakahawak ko sakanya, pero hindi ko sya binitawan.

"Hindi mo ko kayang mahalin? Ok lang saken! Pero wag mo naman akong gantuhin Shanelle!"

"Anu ba frans?! Ginagawa ko naman ah?! SINUSUBUKAN NAMAN KITANG MAHALIN AH!" Sigaw nya saken at halatang galit na sya saken.

"Eh pano mo ko matututunang mahalin kung panay ang pag iwas mo saken shan?! Hah?! Pano hah?! Sige nga. Sa tingin mo ba matututunan mo kong mahalin kapag iniwasan mo ko?!"

"HAYAAN MO NALANG KASI AKO FRANS! TANGGAPIN MONG HINDI KITA MAGAGAWANG MAHALIN!"Sigaw nya saken na sobrang nagpatigil at nagpabasag ng puso ko. Parang akong biglang nanlambot sa sinabi nya at nabitawan ko sya.

Agad akong napahawak sa sintido ko dahil gulong gulo nako.

Ang saket ng sinabi nya saken.

Tagos-tagusan!

Muli akong humarap sakanya at nagkatinginan kaming dalawa sa mata.

"Sige, hindi na kita pakekelaman pa sa lahat ng bagay! Mag kanya kanya nalang tayo shanelle. Pagod na pagod na kasi ako sayo."

**** *** ** ****.

When It's My TurnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon