Ikaw Pala Talaga (One Shot)

123 3 2
                                    

(A/N: Guys ! this is my 1st one shot story ! so kapag di niyo nagustuhan eh pagpasensyahan niyo na muna .. kasi 1st timer sa oneshot eh XD) i dedicate this to isabel mahfriend

Ikaw pala Talaga

Written by : ElnaMUySia

~~~~~~~~~~~~~~

From: Mike Romero<3 

     Pwede ba kitang ihatid pauwi sa inyo? 

~~~~~~~~~~~~~

"WAHHHHHHHHHHHHHH!! " Sigaw ko 

Kinikilig ako !! Hindi ba halata?!! Kinikilig ako kasi tinext ako ng crush ko ! AT hindi lang yun ang ikinakikilig ko ! Dahil maliban sa text na yun .. ay NILILIGAWAN NIYA AKO !! YES!!

Ang swerte ko ! Di ako napabilang sa mga babaeng Hanggang tingin lang sa crush kasi Ako .... Mahal ako ng Crush ko <3 inggit ka? Gaya ka 

Ako nga pala si Isabel Trinidad .. Im highschool student , 3rd year :)  

Kasalukuyan akong sumisigaw sa kilig !! at naglalakad palabas ng School namin 

"OMG !! TRAILLL !! Nagtext siya!! " Sigaw ko kay trail 

Sino si trail ? Well He's my Bestfriend ! Nakilala ko siya dito sa school ! Mabait naman yan .. MABAIT!? Did i just say that? LOL .. Mabait yan .. yun nga lang lagi akong nilalait ! 

Mataba daw ako ?! Hindi noh ! Wala lang siguro siyang magawa XD

Gwapo ? Siguro .. Ewan ? Joke.. May itsura naman siya.. pero di katulad ni Mike na sobrang Gwapo

"Sino ? Sakit na ng eardrums ko kakairit mo ! Sabel ! Konting hinhin naman  ! " Sigaw ni Trail

Pinandilatan ko siya ng mata

"Ano ! ? Bestfriend kita kaya dapat suportahan mo ko !! " Nakapameywang kong Sabi sa kanya

"Eh ano ba yan ? " Siya

Sinilip niya yung Cp kong hawak

"SEE !! OMG ! SEE ! Ihahatid ako ni MIKE ! MIKE Romero!! Yung Mr Hearthrob dito sa atin ! " Sabi ko habang pinagduduldulan ko sa kanya ang Cp ko na naglalaman ng Text ni M-I-K-E

"Sus .. para yan lang kinikilig kana .. sasaktan ka lang naman niyan" Siya

*pak

batukan ko nga!

"Wow ha ! Supportive BESTFRIEND Ever ! Ikaw kaya ihatid at ligawan ng crush mo ? Di ka kikiligin ?! " Ako

"Hindi ! lalaki ako eh ! Ako dapat ang magpapakilig sa crush ko ! At .. Imposible yun kasi may iba siyang kinakikiligan" Siya

Wow nagemote 

"Ha-ha-ha Emotero ! Wag ka nga! " Sabi ko pagkatapos ay binatukan ko siya

"Aray naman ! alam mo bawat hakbang ko ! batok ang naaabot ko sayo eh ! " Siya

"KJ mo kasi ! " 

"Sus ! " Siya

Papalabas na kami ng Gate ng School nang may narinig akong Boses ng Anghel! OO Anghel ! Hindi katulad nitong bestfriend ko XD

"Isabel !! " Sigaw ni Mike habang tumatakbo papalapit sakin .. 

napahawak ako sa laylayan ng polo ni Trail 

Ikaw Pala Talaga (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon