Crush

60 3 2
                                    

2 weeks nalang. Magsesembreak na.

Pero nagpapasalamat pa rin ako kay God dahil napansin ko siya sa class namin. At dahil ako ang nag-aayos ng mga papers, nalaman ko ang pangalan nya. At dahil nalaman ko ang pangalan nya, na-search ko siya sa facebook.

Grabe.

Ang cute nya talaga. Kapag mag-smile siya, yung eyes nya. Ang ganda. Ang cute nya.

1 month siguro, bago nya ako i-accept sa facebook.

Nakita ko na e.

Alam ko na agad.

In a relationship.

Siguro nga ganun kapag gwapo. Taken agad. Haha. Mukhang masaya sila at going strong.

Crush lang naman eh, isip ko.

Crush lang talaga. Ang cute cute nya kasi e. Makita ko nga lang siya kahit 3 segundo lang, buo na araw ko.

Relate ba?

Yung tipong magka-klase na. Tapos hindi ka maka-hinga sa kilig na nararamdaman mo kapag nakita mo siyang papasok sa room o di kaya uupo sa upuan nya.

Hindi kami nag-uusap. Naging mag-kaibigan lang kami dahil magaling ako. Siyempre, dahil inaccept nya na ako, stalking na ang sunod nyan.

Nalaman ko ang birthday nya. Anniversary/monthsary nila ng girlfriend nya. Itsura ng kapatid nya na mas gwapo sakanya (I swear!).

Number nya.

Ayyy grabe, kinikilig ako.

Hindi ko talaga mapigilan na hindi ngumiti kapag nakikita ko siya. Baka kapag kinausap pa ako nun, mahimatay nako. OA? Ganun talaga. Crush eh.

Nagkaka-text kami, about sa subject namin. At kahit yun lang ang usapan, masaya pa rin ako at kinikilig.

Kulang nalang ibato ko ang cellphone ko sa kilig. Pero na uh, hindi ko na siya makakatext kung ganon.

Sayang naman diba?

Kapag talaga araw na makikita ko siya hindi ko mapigilan na hindi maging hyper. Alam ng mga kaibigan ko na crush ko siya. Ipinagsisigawan ko.

Baka nga alam na rin nya, by now.

But I really don't care. Eh ano naman kung malaman nya? Siguro naman kapag natapos ang sem na 'to, ay hindi na siya ang magiging crush ko.

Siguro.

Hindi pa rin sigurado.

Pero wala pa rin naman akong care kung malaman nya, dahil crush lang naman.

Kinausap nya nako.

Masaya ako.

Kinilig.

Wala eh, crush ko talaga siya.

CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon