Chapter 2: Bender Academy

45 4 1
                                    

Airina's POV

I opened my eyes.

"Airina, nandito na tayo." Sabi ni Storm.

Tumayo ako saka lumabas sa flying bus.

"Bender Academy." Basa ko dun sa pangalan na nasa gate.

Pumasok kami sa loob. Malaki sya at maganda! Pede na sya para sakin.

Naglakad ako at tiningnan yung cp ko.

*boogsh*

Napatingin ako dun sa lalaking bumangga sakin.

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" Sabi ko habang tumatayo.

"FYI Miss, ikaw tong nagcecellphone habang naglalakad. It's your fault." Sabi nya.

Napakunot ang noo ko. Hindi nya ba ako kilala? Well magpapakilala ako sa kanya.

"Invisible Air Spikes." Mahinang sabi ko.

"Fire Barrier." Sabi nya kaya nalusaw ang air spikes ko!

"Magkikita muli tayo at sa susunod na makita kita. Matakot ka na." Sabi nung mayabang na yun!

"Huhu, I'm scared." Nang aasar kong sabi.

Umalis na sya.

Wait?! Asan na ba si Storm?

Sumunod ako dun sa lalaki.

"Uhhhm? Pede magtanong?" Sabi ko dun sa lalaking kaaway ko kanina.

Kumunot ang noo nya.

"Saan yung Office dito?" Tanong ko.

"Hindi ko din alam. Kakadating ko lang dito." Sabi nya habang nakangisi! I hate smirks!

"Ash Fire. Fire Bender." Sabi nya sabay abot nang kamay sakin. So? Sya yung Fire Bender na sinasabi ni Hail na hot daw. Mukhang hindi naman.

"Airina Flair. Air Bender." Sabi ko sabay lakad.

Hindi ako nakikipagkamay! Baka mamaya. Madumi yung kamay nya!

Umakyat kami sa 5th floor and luckily dun ang office.

Pumasok kami sa loob at umupo! Nakita ko naman yung water bender na naglalaro nang tubig.

"Welcome Four Bender sa BENDER ACADEMY!" Sabi nung Head Master. Should I say Sigaw!

"Kayong apat ang tinakda para labanan ang Dark Benders na nasa Dark Academy. We will train your skills para mas lalo kayong lumakas. May level bawat lakas dito. Level A ang pinakamataas at level E ang pinakamahina. Well, sa ibang academy ang level E ang pinakamalakas. Pero dito ay Level A. Eto ang I.D nyo. Lalabas dyan kung anong level na kayo."

Ibinagay na samin yung I.D namin.

Wow! Ang ganda nung sakin! White na may design na dragon! Cute!

May lumabas na level dun.

Level C yung sakin.

Level C din yung  kay Ash.

Level C dun sa Water Bender.

At Level C din sa Earth Bender.

Kailangan kong maging Level A.

Aquamarine's POV

Lumabas kami nang office saka dumiretso sa assign dorm samin.

"Hi." Sabi ko dun sa Air Bender.

She just stare at me blankly. Taray!!

"Hi! Ako si Aquamarine Haidra!" Sabi ko pero di pa rin nya ako pinansin.

Ikinumpas ko ang kamay ko saka may lumabas na tubig.

Ikinumpas ko papunta sa kanya saka binitawan.

"ARRRGGGH!" Sigaw nya.

"Hihihi!" I giggled.

"Why did you do that?" Galit na sabi nya sakin.

Naglabas sya nang air eagle at pinatama sakin. Hindi na ako naka iwas. Naramdaman ko na lang na may likidong tumutulo. Dugo!

"Eh gusto ko lang naman na maging kaibigan ka eh." Sabi ko.

"Pwes, A-YO-KO." Sabi nya sabay labas nang dorm.

Gusto ko lang naman makipag kaibigan. Masama ba yun?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Four ElementsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon