Kristine's POV
"Salamat po Lord ay nakapasa ako sa bored exam namin. Maraming maraming salamat po talaga dahil binigyan mo po ako ng talino para masagot po ito. Matutuwa po ng sobra ang aking mga kapamilya. Lalo na po si nanay at ate dahil sila po ang nagaruga sakin mula bata hanggang ngayon. Ayun NBSB (no boyfriend since birth) parin ako, malapit na kami mag BF at GF eh kaso nagka-amnesia siya gawa ko. Meron na rin siyang iba eh kala ko may happy ending ako. Naniwala pa ako sa forever yun pala pag sa huli mawawala rin. So ngayon maghahanap ako ng maasahang lalaki. Sana don na magkakaforever.""Kristine paki kuha nga yung cellphone ko." Ang sigaw ni ate.
"Sige ate, wait lang." Ang sabi ni Kristine.
-- "Ate ito na yung cellphone mo oh." Ang mahinhin na sinabi ni Kristine.
"Salamat ha. Ay Kristine nagyayakag pala si Gerald (BF ni ate) sa Showtime gusto mo sumama?" Ang sabi ni ate.
"Sige ate. Don naman tayo ate sa gitna ayaw ko na sa kalikuran." Ang sabi ni Kristine.
"Oh sige sige. Malaan bukas, Hahaha." Ang patawa na sinabi ni ate.-- Nagayos na sila ng gamit. Ang suot ni Kristine ay naka Coechella at si ate naka Hipster style.
Pagkatapos ng 1 oras
--
Dumating ang BF ni ate.
"Oh Gerald andito ka na pala." Ang sabi ni ate.
"Dito sana ako matutulog para bukas mabilis tayo makapunta." Ang sabi ni Gerald.
"Ay hello po!" Ang sabi ni Kristine.
"Gerald ito pala yung kapatid ko, sasama daw siya bukas." Sabi ni ate.
"Oh sige." Ang pangiti na sinabi ni Gerald.6:30 ng gabi
--
Nagluto si ate ng porkchup at si Kristine ay nagluto ng fried rice.
Pagkatapos nilang magluto kumain na silang tatlo.
"Wow ate, ang sarap ng porkchup mo ah!" Nakangiting sinabi ni Kristine.
"Hahaha, nakita ko kasi yung recipe sa internet." Patawa na sinabi ng ate niya.
Nagtawanan silang tatlo.. Pagkatapos ng 30 minuto nanood muna sila ng TV bago matulog."Ate naayos mo na ba yung susuotin mo para bukas?" Ang sabi ni Kristine.
"Oo Kristine, na ayos ko na. Eh ikaw ayos mo na?" Ang sabi ng ate niya.
"Oo ate naka Coechella nga ako eh! Hehehe" Patawang sinabi ni Kristine.
"Kristine diba meron kang camera? Paki dala naman bukas ah." Ang sabi ni Gerald.
"Opo meron po. Sige po, ichacharge ko lang po." Ang sabi ni Kristine.
"Uy matulog na tayo at maaga pa tayo bukas." Sabi ni ate.
Pumunta na sila sa mga kwarto nila.
Hindi makatulog si Kristine dahil natatandaan niya yung nangyari kay Ronnie.
Pero pagkatapos naman ng 25 minuto nakatulog naman siya.6:00 ng umaga
--
Nagising si Kristine ginising niya sina ate at si Gerald.
"Ate gising na, kuya Gerald gising na po." Pasigaw na sinabi ni Kristine.
"Ay 6 na pala. Oh sige maligo kana Kristine." Ang sabi ni ate.
Naligo na si Kristine. Naligo na rin ang ate niya at si Gerald.6:45 ng umaga
--
"Hala, dalian niyo!" Sabi ni ate.
Nagdali dali nagbihis si Kristine. Mabilis naman siyang nagbihis..
--
"Okay na kayo? Punta na tayo." Ang tanong ni Gerald.
"Okay na kami." Sabi ni ate.Pumunta na sila sa kotse at pumunta na sa Showtime.
Sa Entrance ng Showtime.
--
Nakatulog si Kristine sa upuan. May nakakita sa kanya na Hashtags. Sina #McCoy, #Ronnie, #Jon.
"Uy pumunta ulit yung cute oh!" Ang sabi ni Jon.
"Ha? Cute?" Ang sabi ni Ronnie.
"Ay oo nga pala nagka-amnesia siya kaya di niya maalala" pabulong nasinabi ni Jon kay McCoy.
"Ah kilala ko yan. Kaibigan ko daw yan dati sabi ni nanay." Ang sabi ni Ronnie.
"Mahigit pa sa kaibigan." Ang sabi ni McCoy.
"Ha? Hindi naman kami ah." Ang sabi ni Ronnie.
"Ay nako! Dati naging kayo. Yung wala ka pang amnesia." Ang sinabi ni Jon.
Nagulat si Ronnie dahil dinabi yun ni Jon.
Biglang nagising si Kristine..
"Uy McCoy an diyan ka pala." Ang sabi ni Kristine.
"Ah hello! Kamusta daw sabi ni Ronnie." Sabi ni McCoy.
"Uy hindi ko yon sinabi!" Pabulong na sinabi ni Ronnie kay McCoy.
"Haha, oo kilala ko siya. Kaibigan ko siya." Sabi ni Kristine.
"Diba naging kayo?" Ang sabi ni Jon.
Tumahimik nalang si Kristine at si Ronnie..11:30 ng umaga.
--
Pinapasok na sila sa loob ng studio. Picture ng picture si Kristine. Pinaupo sila sa 3 linya sa unahan.
"Ate malapit tayo sa unahan oh!" Tuwang tuwa na sinabi ni Kristine.
"Hahaha, akala ko ba gusto mo gitna. Wala pa nga tayo sa gitna eh." Sabi ng ate niya.12:30 ng tanghali
--
Nagsimula na ang Showtime..
Lumabas ang mga Kilig Ambassadors na Hashtags. Kumanta sila ng RoadTrip at sinayaw nila ang sayaw na palagi nilang ginagawa.
"Ate ang ggwapo nila.. OMG." Kinikilig na sinabi ni Kristine.
"Hahaha! Wohooooo! McCoy I Love you!" Pasigaw na sinabi ni ate.
-- pagkatapos nilang sumayaw. Si Ronnie may naaalala, nahihilo siya.
"Uy Ronnie, okay ka lang?" Sabi ni Ryle.
"Okay lang ako. May naaalala lang ako." Sabi ni Ronnie.
Naalala ni Ronnie yung pumunta siya sa tabi ni Kristine at nag-hello siya.
"Kaano-ano ko ba si Kristine? Bakit ko siya naaalala?" Sinabi ni Ronnie kay McCoy.
"Naging kayo kasi dati! Ayaw maniwala nito." Sabi ni McCoy.
"Naging kami? Bakit kaibigan ko lang siya?" Tanong ni Ronnie.
"Bumangga ka kasi tapos nagka-amnesia ka. Kaya nawala sa isip at puso mo si Kristine. Ang sweet niyo kaya dati." Sabi ni McCoy.
Tumahimik nalang si Ronnie.Pagkatapos ng Showtime
--
May naaalala nanaman si Ronnie. Sumasakit yung ulo niya.
Naalala niya na pumunta siya sa apartment nina Kristine.
"Pre, ano ba nangyayari? Bakit naaalala ko si Kristine.
"Ngayon na aalala mo na? Naging kayo nga ng 8 months." Sabi ni McCoy.
"Nararamdaman ko na parang mahal ko siya." Sabi ni Ronnie.
"Sa tingin ko naka-move on na yun kasi ang happy niya eh." Sabi ni McCoy.
--
Nakita ni Kristine si McCoy. Nagpapicture siya kay McCoy. Pero hindi siya nagpapicture kay Ronnie.. Hindi rin pinansin ni Kristine si Ronnie.
"Salamat po.. Cute mo po kuya. Hehe" Sabi ni Kristine kay McCoy.
"Ay salamat. Cute mo rin." Sabi ni McCoy.
Nagpapicture si ate kay Ronnie at McCoy.. Pagkatapos ng picturan.....
"Parang nagiba na si Kristine ah, pero hindi nawala ang pagka-cute niya. Parang ayaw niya lumapit sayo." Sabi ni McCoy kay Ronnie.
"Bakit siya ganon?" Sabi ni Ronnie.
"Naka move-on na nga yun.. Kakaiba na eh." Sabi ni McCoy.
"Ah okay.." Sabi ni Ronnie.
"Kung ako ikaw aba mamahalin at mamahalin ko ulit siya." Sabi ni McCoy.
"Nakikita ko na mapagmahal siya, maalaga at hindi nangiiwan." Sabi ni Ronnie.
"Ganon na ganon nga.. Ganon siya yung naging kayo." Sabi ni McCoy.
"Sa tingin mo mamahalin ko pa ba siya ulit?" Tanong ni Ronnie.
"Aba oo. Pag ayaw mo akin nalang.. Haha." Patawang sinabi ni McCoy.
"Wag! Pupuntahan ko siya.." Sabi ni Ronnie.
"Go sige lang!" Sabi ni McCoy.
--
Bumili ng ice cream sina Kristine, ate niya at si Gerald..
"Ay buti nan dito pa si Kristine." Sabi ni Ronnie.
--"Ate bili pa tayo ng isang ice cream nagugutom pa ako eh."
Narining ni Ronnie yung sinabi niya.
"Hahaha, matakaw pala siya."
--"oh sige, anong flavor gusto mo?" Tanong ni ate.
"Yung strawberry ate." Sabi ni Kristine.
Pinuntahan ni Ronnie si Kristine.
"Oh Ronnie, natatandaan mo ba ako?" Tanong ni ate.
"Hindi po eh, pero naaalala ko po si Kristine." Sabi ni Ronnie.
"Ate alis na tayo.. Dali ate." Sabi ni Kristine.
"Teka lang. Pano si Ronnie oh." Sabi ni ate.
"Bakit Ronnie? Ano kailangan mo?" Tanong ni Kristine.
"Gusto ko sanang malaman kung ano nangyari dati." Sabi ni Ronnie.
"Sabay ka nalang samin, sa bahay kayo magkwentuhan." Sabi ni ate.
Pumunta sila sa bahay.."Maiwan ko muna kayo ha." Sabi ni ate.
Nagtanong si Ronnie kay Kristine.
"Kristine naging tayo ba dati?" Tanong ni Ronnie.
Ayaw sagutin ni Kristine.
"Uy Kristine naging tayo ba?" Tanong ulit ni Ronnie.
"Oo naging tayo. Naging tayo dati." Sabi ni Kristine.
"Eh bakit mo ko iniiwasan kanina?" Tanong ni Ronnie.
"Kasi sabi ng nanay mo na kaibigan lang tayo. Nasaktan ako ng kanti non." Sabi ni Kristine.
"Dati nung pumunta ka kasi samin di kita makilala eh.. Kaya pala may feeling ako na parang naging tayo." Sabi ni Ronnie.
"Alam mo Ronnie hanggang ngayon kasi mahal pa kita eh." Sabi ni Kristine.
"Ako din eh.. Mahal pa kita." Sabi ni Ronnie.
"Akala ko meron kang iba. Pano tayo magmamahalan eh meron kang iba." Sabi ni Kristine.
"Matagal na kaming wala. Nung simulang natandaan kita." Sabi ni Ronnie.
"So may chance?" Sabi ni Kristine.
"Oo, kasi nan diyan ka." Sabi ni Ronnie.
"Ughmm.." Sabi ni Kristine.
"Mahal kita ng buong puso!" Sabi ni Ronnie.
Naiyak si Kristine..
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Ronnie.
"Kasi naging tayo ulit. Akala ko kasi walang forever eh." Sabi ni Kristine.
"Sa atin pa. May forever satin.." Sabi ni Ronnie.Naging sila ng 3 years at nagkaforever sila.
--
Kristine's POV
"Salamat po Lord dahil binigyan niyo po kami ng lakas ni Ronnie na magkasama ulit. Kala ko po na walang forever samin.. Kala ko po walang forever ang huli namin. Sorry rin po sa nagawa kong kasalanan kay na Ronnie. Nagpapasalamat rin po ako kay Ronnie na hindi niya po ako nakalimutan. Maraming salamat po sa 3 years na binigay mo po samin. Sana ito na po yung huli kong lalaki sa buhay ko po. Maraming salamat po talaga sa inyo. Salamat din po sa suporta na naibigay mo po samin. Sana po safe din po sina ate at kuya Gerald. Safe rin sana po si nanay sa Cavite. Ito nalang po masasabi ko -Kristine."
ŞİMDİ OKUDUĞUN
May Happy Ending Nga Ba?
RomanceMay isang babae na pangalan ay Kristine. Meron siyang nakilalang gwapong lalaki. Ang pangalan ng lalaki ay Ronnie. MagkaMU silang dalawa dahil may crush si Kristine kay Ronnie. Pero hindi alam ni Kristine na crush rin siya ni Ronnie. Abangan ang nan...