AM - 1

121 10 3
                                    

AM - 1 The Sandoval Twins

All eyes on her as she walks into the corridor of the school.

Fitted lacy-black dress.. Black stilettos.. Black clutch bag with golden strap.. And a dark-brown wavy flowing hair.

Armie Sandoval.. The campus goddess.

She's so damn hot!

Look at those curves!

Nakakababa talaga sya ng self-esteem!

She definitely is a goddess!

Whatever..Mirea is better than her!

Nag-igting ang panga ni Armie sa narinig.Ikinuyom nito ang kanyang mga kamay.Halos bumaon sa palad nya ang kuko nyang may pulang nail polish.

"Don't you dare compare me again with my sister" mahina ngunit madiin nyang saad. "Yes,magkaiba kaming dalawa.But we're still equally better than you.So shut the fvck up"

"S-sorry Armie -- "

"Miss. It's Miss Armie Sandoval for you" saad nya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Ayaw na ayaw nyang pinagkukumpara sila ng kakambal nya.Not because she hates her sister,ayaw lang kasi talaga nya yung ganun.Alam kasi nya na kahit kambal sila,marami pa din silang pagkakaiba.And for her,kahit magkaiba sila,they're still both the best.

"Hey" Napaangat ng tingin si Armie kay Trina,her friend.Nakipagbeso sya dito. "Where's your sister?"

"Wala pa.Mamaya pa ang klase nya"

Mas nauunang pumasok si Armie kesa kay Mirea dahil 7am ang start ng first class nya while Mirea starts at 8am.

Magkaiba sila ng course na kinukuha.Armie is taking up BusinessAd while Mirea is dreaming of becoming a flight attendant.

Noong una nga ay alanganin na ito ang kuhanin ni Mirea.Hindi kasi sya ganun katangkad.Morena ito at kuhang kuha nya ang pagiging Filipina ng kanilang Ina.Though she's petite at makinis.While Armie has this porcelain-like skin,maputi at matangkad.Matangos din ang ilong nito,nakuha nya ang features ng German na lahi ng lolo nila.

Gayunpaman,they're equally beautiful.

"Where the fvck are you?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"I'm here,okay?Chill" Mirea chuckled then she hang up.

Chineck nanaman ng kapatid nya kung maayos ba syang nakapasok sa school.

With her precious smile and chin up,Mirea walk to the corridor of the school.

Pink flowing dress..white stilettos..pink clutch bag..at tila ba nakikisabay pa ang mahinang hangin na tumatama sa kanyang straight na buhok..Everyone is looking at her.

Ang ganda ni Mirea!

She really looks lovely!

Oo nga,malayo sa masungit na aura ng kapatid nya.

Mirea just smiled at them.Iyong ngiti na nakakapagpahulog sa mga lalaki.No wonder,marami syang manliligaw.

Mirea Sandoval..the campus sweetheart.

"Armie!" sigaw ni Mirea nang makita nya si Armie sa cafeteria.Lumapit sya agad dito.

"Do you really need to shout?" kunot-noong tanong ni Armie matapos magbeso sa kapatid.

"Syempre,para mapansin mo agad ako" Mirea chuckled.

"Yeah right.Paanong hindi kita mapapansin e malayo ka palang amoy ko na iyang matamis na pabango mo.Hindi kaya habulin ka ng langgam nyan?"

"Hahaha! Grabe ka naman. Kesa naman sa pabango mo na napakatapang,parang mananapak!"

"Well,it matches my personality" taas-kilay na sagot ni Armie.

"Same goes with me" Mirea flashes her smile.

"Uhm..excuse me" napalinga ang dalawa sa lalaking nagsalita.

He's tall..chinito..and definitely handsome.May hawak pa itong bouquet ng bulaklak.

"Kevin?Hindi ba't sinabi ko naman na sayo na huwag mo na akong ligawan?!" bulyaw ni Armie.Si Kevin iyong binasted nya na manliligaw nitong nakaraang araw lang.

"Hindi naman para sayo to" sagot ni Kevin na hindi man lang nililingon si Armie. "Kay Mirea...this is for you" sabay abot ng bouquet kay Mirea.

"What the fvck?" bulong ni Armie.

"Oh my gosh!Thank you Kevin!" bulalas ni Mirea saka inamoy ang bulaklak. "See you later!" Mirea winked at Kevin saka umalis ang lalaki.

"Seriously?" sarcastic na tanong ni Armie.

"Bakit? Ayan kasi binasted mo iyong tao!" natatawa lang si Mirea. "Sige ka,tatanda kang dalaga nyan"

"Stop it Mirea! I don't even care.Isa pa,I'm not into serious relationships"

"You don't have to be serious Armie..you can just play with them" Mirea flashed her 'innocent looking' smile again.Tumayo na sya at nagpaalam sa kapatid.

Sinundan lang sya ng tingin ni Armie at napailing ng makita na tinapon ni Mirea ang bouquet sa basurahan.

Badass

Parehong heartbreaker ang dalawa.

Armie broke men's heart sa pamamagitan ng pag-basted sa mga ito.Ni isa,wala syang pinatulan.

Mirea broke men's heart by playing with them..ng hindi man lang nila namamalayan.She mastered the art of making other people fall for her..then she'd drop them.

Nakita pa ni Armie ang pagkaway ni Mirea sa mga nadadaanan nito.She's always smiling.

No wonder matapos manligaw at mabasted kay Armie ng mga lalaki ay kay Mirea naman sunod na nanliligaw ang mga ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Armie and Mirea (JulKath)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon