GraMarc

12 0 0
                                    


Hello :) Dinidedicate ko to sa kaibigan kong kailanman hindi sinuwerte sa pag-ibig mweheheheh. Darating din yan tiwala lang. Hope you like it! Mwahh!

---

Nandito kami ngayon sa garden. Break time pa naman kaya pwede pang tumambay.

"Hoy! Sheena tigilan mo na yang kaka-snapchat mo." Ay hindi ako pinakinggan ng gaga. Hala sige siya pinagpatuloy niya pa din.

"ARAY!" binatukan ko siya.

"Paki mo ba!? Gusto mo mag snapchat ka din eh. Inggit ka lang! Oh ito!" Abot niya sakin ng iphone niya. Walanjo porket naka Iphone ang bruha anong feeling niya di ko kayang maglagay ng snapchat dito sa cellphone ko.

"Dibale na noh." Pataray kong sabi. Kanina pa ko nagkukwento sa kanya hindi pala nakikinig dahil busy sa kaka-snapchat.

"Okay tapos na ko. Grace tignan mo nga. Okay na ba to?" Hinarap niya sakin yung cellphone niyang may kagat ng mansanas sa likod.

"My gad! Yan na naman? Nakakasawa na yang snap mong may flower crown filter. Stop mo na yan nagmumukha ka lang ugat." hahaha peyborit? Di na ba siya nagsasawa sa flower crown filter. Palagi na lang siya nagpopost ng ganyan sa Facebook niya.

"Tss.. Sama mo sakin grace ah. Ugat talaga? May nagcomment nga sa post ko na mukhang daw akong dyosa pag may flower crown. Kupal ka talaga eh noh." ay wow! Hahaha ako pa kupal ah.

"Pag may bulaklak ka ba sa ulo, dyosa na? Hahaha tangeks mukha kang paso! Real talk." Nag cross arm siya. Nagtatampo na sakin to sure na, eh nagsasabi lang naman ako ng totoo.

Ayy wait di pa pala ako nagpapakilala, bastos na magandang nilalang.

Hi ako nga pala si Grace Brillantes. 16 years old. Uhmm paano ko ba idedescribe sarili ko? Wait.... Wag ko na ngang pahirapan sarili ko pwede ko namang idescribe ang sarili ko in 3 words.

Maganda,
Magandang-maganda,
Pinakamaganda.

Hahahaha tapos yung kaninang kausap kong mahilig sa snapchat. Si Sheena Burgos yun. Siya yung SUMUNOD na maganda sakin.

Si Sheena Bestfriend ko siya since grade 7 kaya kilalang kilala na niya ugali ko at ganon din ako sa kanya.

Pero bukod kay sheena may bestfriend pa ko. Si Jaymarc Gonzales, bestfriend ko na siya grade 5 pa lang kami. Hindi ko lang siya basta bestfriend Crush na Crush ko pa siya. Feeling ko nga na-Fall na ko sa kanya kaso ayokong sabihin baka kasi lumayo siya sakin. At alam ni sheena na may gusto ako kay jaymarc. Close naman sila ni sheena pero mas close kami.

Napaka gwapo kasi talaga ni Jaymarc. Matalino pa at gentleman pa. San ka pa?

"GRACEEEEEEEEEE....." May tumawag sakin mula sa malayo. Lumingon ako si Jaymarc pala kumakaway. Papalapit siya sakin hayyyy ang gwapo naman talaga ng nilalang na to. Bakit ka ba ganyan? Lalo kong nahuhulog eh. Wag mo naman ako ngitian ng ganyan azar naman eh.

"Huyy grace. Huy!"

"ARAY NAMAN!" Gumanti ng batok sakin si sheena.

"Tulala teh?" Sabay sabi ni sheena.

"Ay huh? Ano yun? Ano yun jaymarc may sinasabi ka ba?" Sabi ko. Juskooo ano ba yan! Natutulala ang lola niyo nagulat nga ko yung panty ko nalaglag. Ayy dejokeee!

"Ano ba nangyayari sayo bat tulala ka?" Tanong sakin ni jaymarc na may malaking ngiti sa mukha.

"Eh bat ikaw parang ang saya saya mo ata ngayon? Ano bang meron?" Pag iiba ko ng usapan. Jusko tumulo ang laway ko kanina hahaha.

"Ah wala lang. Masaya lang ako. Hindi ko alam kung bakit eh."

"Ay baliw ka na. Yun ang totoo."

Ginulo naman ni Jaymarc yung buhok ko. Haysss nagpapakahirap akong suklayin to tapos guguluhin lang niya. Walang respeto sa nakakaganda.

I'm Falling For You(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon