Diligent

23 3 0
                                    

Kir By

***
"I need to wake up"

     Everything seems fine, quite and at peace. You can hear the sound of a chirping bird. A barking dog walking with its owner. Cat fights, to win its food and shelter. Laughters from the children outside playing, chasing each other in the park. And a sound of explosion? Everywhere, I see smoke. All is burning as it went into ashes. I'm suffocating inside.

"You need to wake up, it's your turn"

***

   Napamulat ako at habol ang hininga. Napaubo ako ng ilang ulit. Grabeng panaginip iyon! Mukhang makatotohanan. Napatingin ako sa paligid, okay nasaan ako? White ceiling, white bed sheet, white pillow and white curtains. Hala puro puti lahat kahit suot ko puti. Paniguradong hindi langit, hindi naman ako tanggap doon. May slot na ako kay Satanas, reserved na nga. Napalingon ako sa salamin na nasa harap ko. Tinanggal ko yung nakatapal sa noo na bandage. May bakas ng dugo pero yung noo ko naman wala. Pinag-trip-an pa ako ng nurse dito. Saka bakit naman ako nakaputi? Ang baduy.

"Ms. Tam Mi? Gising ka na pala, nandito yung mga gamit mo" sabi nung nurse. Napagkamalan pa akong si Tam, lagi niya kasing pinabibitbit ang ID niya sa akin. Tumango na lang ako saka umalis doon, kamusta na kaya si pinsan? Teka may nakalimutan ako!

"Miss anong oras na?" tinignan naman niya ang relos niya.

"Quarter to three ng hapon" tumango ako at nagpasalamat, may oras pa.

   Umuwi muna ako sa amin, mukhang wala naman tao. Nagpalit na ako ng damit at kinuha ang ilan sa gamit ko. Male-late pa ako nito sa trabaho ko! Kinuha ko yung bike sa gilid at iyon ang aking ginamit. Nagmadali akong mag-pidal para hindi mahuli sa trabaho. May patulog-tulog pa kasing nalalaman! Hindi ko napansin ang dinadaan ko, may paparating kasing bisikleta.

"Tabi!" sigaw ko, napalingon siya sa akin na gulat ang mata. Pinilit kong ihinto bago ako makasagasa. Ibinaba ko ang dalawang paa ko para matigil ang bisikleta ko. Nagpunas ako ng pawis sa noo, buti hindi tumama kung sino man ito.

"Kirby ikaw pala iyan, tinakot mo ako doon. Tulungan na kita" inayos naman niya yung bisikleta ko, itong katrabaho ko pala ang muntik ng masagasaan ng lintik kong bisikleta.

"Bakit ba madaling-madali ka?" napakamot ako sa ulo saka chineck yung bike, naayos naman niya.

"Akala ko huli na ako sa trabaho" napatawa naman siya, lokong ito nakuha pa akong tawanan.

"Ayaw mo talagang mahuli, advance pa tayo ng isang oras. Hindi pa tayo late, tara na sabay tayo" napanguso naman ako. Kahit na, masamang mahuli sa trabaho. Sa isang cafe kami nagpa-part time job. Kasama ko itong si, teka anong pangalan ng bwisit na ito?

"Niel"

"Niel! Kir! Ang aga niyo naman? Mamaya pa ang out ko gusto niyo na agad akong palitan?" biro ng isa namin ka-trabaho ng makita kami sa labas ng shop. Kinadena namin ang mga bisikleta ng magkatabi. Sa iyon ang gusto niya, pagbigyan muntik ng masagasaan kanina.

"Alam niyo naman maaga talaga si Kir, ewan ko na lang kay Niel hahaha" kantyaw ng mga kasama namin hanggang sa makapasok kami. Namumula naman ang tenga ni Niel, biglang nagkasakit? Masama pala siyang biruin.

"May sakit ka ba? Namumula ka" hahawakan ko sana ang leeg niya para i-check kaso inalayo niya ang kanyang mukha sakin.

"Uy! Namumula si Niel!" bigla nilang inasar ang may sakit, kaloka ang mga katrabaho ko.

5 A.M.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon