Simula

104 6 25
                                    

S I M U L A

Umihip ang malamig na hangin na agad naramdaman ng isang babae kaya niya niyakap ang sarili at hinimas ang mga bisig. Lumingon siya sa kanyang likuran nang makarinig ng mga yabag.

Agad siyang nagtago sa likod ng malaking puno at pinakiramdaman ang paligid.

Mas naging malakas ang ingay at ngayon ay naririnig na niya ang pag-uusap ng iilang lalake. Hindi siya gumawa ng kahit ano mang ingay na makakapagbigay ng kanyang lokasyon sa mga ito, kahit ang paghinga niya ay kanya ring kinokontrol.

"Hindi pa siya gaanong nakakalayo, maghiwa-hiwalay muna tayo, kailangan natin siyang mahuli dahil nasa kanya ang pangatlong bato na hinahanap ng ating pinuno." Maawtoridad na utos ng isang lalake sa kanyang mga kasama.

Isa-isa silang nagsialisan sa lugar na ikinahinga ng maluwag ng babae. Nang makasiguradong wala na nga ang mga humahabol sa kanya ay agad niyang kinapa ang isang bagay sa kanyang dibdib at agad itong inilabas. Isa itong bato na ginawa niyang palawit sa kanyang kwentas na lubid. Kakaiba ang hugis nito at kung titignang mabuti ay may kung anong simbolo ang nakaukit dito.

Mahigpit itong hinawakan ng babae habang nanginginig, hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit. Kapag tinititigan niya ang bato, lagi niyang naaalala ang kanyang pamilya na nagkahiwa-hiwalay dahil sa biglaang pag-atake sa kanilang tahanan.

Marahas niyang pinasok sa loob ng kanyang damit ang bato at sinuri ang paligid. Huminga siya ng malalim bago nagsimulang tumakbo.

Walang ibang pumasok sa kanyang isipan kundi ang makatakas at makalayo sa lugar na iyon. Walang hinto sa pagtakbo ang kanyang mga paa kahit na pagod at hinihingal na siya hanggang sa makarating siya sa bunganga ng isang kweba.

May kung anong takot siyang naramdaman nang sinubukan niyang humakbang papasok. Kung malamig sa gubat, doble pa ang lamig na binuga ng kweba na kanyang sinalubong.

Tumalikod na siya at akmang aalis na sana nang makarinig ng mga yabag mula sa gubat. Naghanap agad siya ng mapagtataguan ngunit ang kweba lamang ang kanyang nakikitang paraan para hindi mahuli ng mga lalake kanina.

Papasok na sana siya sa kweba nang biglang lumitaw ang isang lalake sa kanyang harapan at agad siyang sinalubong ng suntok. Agad naman niya itong nailagan. Lumundag siya papalayo at hinanda ang kanyang sarili sa muling pag-atake nito.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa sunod na ginawa nito. Unti-unting umaangat ang lupang kinatatayuan nilang dalawa.

Binabalanse niya ang kanyang katawan para di mahulog sa lumulutang na lupa. Ikinatuwa naman ito ng kanyang kalaban.

"Ito pala ang dahilan kung ba't ang lakas ng loob ninyong salakayin kami." Wika ng babae sa mahinang boses na parang unti-unting iniintindi ang lahat ng mga naging ganap mula noong nagkawatak-watak sila ng pamilya niya.

"Hindi lang ito kundi ang kagwapuhan ko na rin!" Humalakhak pa ang lalake sa kanyang sinabi. Pilit namang winawaksi ng babae ang kanyang pagkainis sa tawa nito.

Masasayang lang ang oras ko sa lalakeng 'to. Kailangan ko pang makapunta sa lugar na napagkasunduan namin. Wika ng babae sa kanyang isipan. Nagpalundag-lundag siya sa mga lumulutang na lupa paibaba. Tinatawag pa siya ng lalake na hindi niya naman pinapansin.

"Wala siyang pakealam sa kapangitan mo!" Lumabas ang dalawang lalake mula sa gubat na umagaw sa atensyon ng dalawa.

"Ano'ng sabi mo?!" Lumipad patungo sa dalawang lalake ang malaking tipak ng lupa na bigla nalang nagkapira-piraso sa ere.

"We're on a mission. Makakapaghintay iyang pagpapatayan niyo. Our target is that girl." May halong panggigil ang pagkasabi ng isa sa mga lalake sa huli niyang mga kataga. "That girl. Ilang beses na niya tayong natakasan!" Napakuyom pa siya sa kanyang kamao.

Isang nanunuksong ngisi lamang ang binato ng babae na ngayon ay nakababa na. Bumagsak na rin ang mga lupa na kanina lang ay nakalutang sa ere.

"At mukhang tatakas na naman siya." Marahang natawa ang dalawang lalake nang makita ang paniningkit ng mga mata ng kanilang kasama. Agad din naman niya itong pinalitan ng makahulugang ngisi.

"Kahit na ipakita ko sa kanya ang mga ito?" Isang supot ang kanyang inilabas. May dinukot siya sa loob at napangisi nang mahawakan at ilabas ito.

Napahinto sa paghakbang ang babae at lumingon sa kanilang gawi. Sa paglingon niya ay sabay na nagbagsakan ang kanyang mga luha.

Hawak ng lalake ay dalawang bato na kahit sa layo ng distansya ng babae sa kanya ay nakikita parin nito ang malapot na pulang likido na bumabalot sa mga bato. Napansin ito ng lalake na nagpalapad sa kanyang ngiti.

"I seem to have caught your attention, Princess of the Fire Kingdom." Naningkit ang mga mata ng babae nang banggitin ng lalake ang mga katagang iyon. "I wonder what color are you since the owners of these stones have black and orange fires. Only the royal family have this kind of ability, so it's easy to find you if you u--WHOA!" Di na niya natapos pa ang sasabihin nang biglang lumitaw sa kanilang harapan ang babae na galit na galit na tinititigan siya.

"I am done playing tag." May bahid ng galit na binigkas niya ang mga salitang ito habang di binibitawan ang kanyang titig sa lalake. "Following and provoking me is the biggest mistake you've ever made in your entire useless life."

Biglang nagliyab ang buong katawan ng babae, nag-iba din ang kulay ng kanyang buhok at mata. Ang malamig na simoy ng hangin kanina ay napalitan ngayon ng napakainit at nakakatuyong temperatura.

Lumundag papaatras ang tatlong lalake at nilalabanan ang mainit na singaw na nagmumula sa kinaroroonan ng babae.

"Ah! T*ng*na mo! Sa lahat ng pwede mong galitin, 'yung prinsesa pa ng mga apoy!" Sumbat ng isa sa kanila doon sa lalakeng may hawak ng mga bato.

"Shut up! Ang galing mong manumbat, wala ka namang naitulong sa misyon na 'to!" Ganti nito na ikinatahimik ng isa.

Biglang nawala ang pwersang pinapakawalan ng babae, napaluhod ang tatlo at naghahabol ng hininga. Bago pa man sila makaangat ng tingin, dumampi na sa kanilang mga pisngi ang sipa ng tatlong babae na ikinalipad nila sa isang puno.

Napapadaing sila sa sakit ng sipa at pagkakatama ng kanilang katawan sa isa't isa. Nawalan ng malay ang dalawang lalake habang gulong-gulo naman ang isip ng tumatayong lider nilang tatlo kung bakit biglang nagkaroon ng mga kasama ang babae gayong hindi naman nila naramdaman na dumating ang mga ito.

"And to think my pursuers are this weak, sana tinapos ko nalang kayo sa simula pa lang." Yumuko ang babae sa harapan ng lalakeng mahigpit paring hinahawakan ang mga bato. "I believe these are my siblings'? Thank you for giving it back." Sabi niya't sabay hablot sa mga bato.

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya nang mapahinto siya dahil sa pagtawa ng lalake. Nanatili parin siyang nakatalikod at hinintay ang kung ano mang sasabihin nito.

"Your family is dead. You're all alone, princess. At kung ninanais mong bawiin ang kaharian, sumuko ka nalang, mahal na prinsesa." Wika nito na ikinakuyom ng kamao ng babae.

Violet! Tawag niya sa kanyang isipan.

Okaaaaaay! Isang tinig ang sumagot sa kanya at biglang lumitaw sa harapan ng lalake ang isang babae na may dalang dalawang espada. Narinig niya nalang ang pagsigaw ng lalake sa sakit dahil sa pag-atake ni Violet sa kanya.

Violet missed his vitals. Isa na namang tinig ang narinig niya sa kanyang isip.

It's fine. We don't need to kill him yet. Violet, bumalik ka na. Utos niya dito na agad din namang sinunod ni Violet.

"A-ano--" Pilit na nagsalita ang lalake ngunit pinutol iyon ng babae.

"They're not dead. I can tell." Seryosong sabi niya at nagsimulang maglakad papalayo.

"And one more thing, tell this to your leader,

ten royals of Vastryl will come for you."

***********

A/n: Okay, so na revise ko na siya. Ang update ko po ay still undecided. Hahahahaha. Pasensya na kung pabago-bago ako. Wala eh. Ganun talaga. Hahahahahahahaha.

Dix Royale: VastrylTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon