MUNI MUNI

47 1 0
                                    

Find the value of x.

= 1/4

X3 + ¼ x2 + 3/8 x + 25

    X2- 3/2x + 9/16       

3x3 + 4/3 x2 – 6/13 x + 13

Find the value of x. Elementary pa lang ako hinahanap, nawawala na hanggang high school pati ba naman kolehiyo, isyu padin si x. Mula noon naging problema ko na yan, hindi ako tinatantanan ng x na yan eh.

Unang numero palang yan. Sumasakit na ang ulo ko. Aminadong mahina ako sa Math eh. Swertehan kung paano ako nakakapasa.

Bakit ganun  napakadali naman sa example makukuha mo agad agad pero pag exam na halos pigain mo na ang brain cells mo at galugarin ang neurons para lang mahagilap ang sagot. mapapasabi ka na lang ng ‘yung totoo, sang galing to’.

Sa mga ganitong panahon, nakikita ko ang kahalagahan ng kalabasa.

Sana lang makakanta rin ako.

Sa isang sulyap ko,

Nakakopya ako,

Parang himala,

Nakaperfect ako.

Sa isang sulyap kooo…

Ang problema two seats apart. Malabo na.

Sariling sikap.

Napakaraming problema nang bansa at umpisa pa lang ng mabasa ko sa tanong na ito sa tingin ko mas lalong lalala at tiyak madagdagan pa. naisip ko paano na lang ang mga simpleng mamamayan kung ipapaharap mo sa ganitong katanungan.

Marami pang problema sa mundo bakit ito yung tumapat sa akin. Pwede naman ang tanong ay kung anong magagawa ko sa bansang Pilipinas, kung papayag ba akong tanggalin ang pork barrel, ang paguusig kay napoles,  kung kanino talaga nabibilang ang spartlys island, ang lovelife ni PiNoy, ang pagreretiro ni PacMan, ang paghihiwalay ni Claudine at ni Raymart, kung ano ang totoo choco na gatas o gatas na choco, kung bakit hot sauce ang tawag eh hindi naman mainit, , bakit pink ang karaniwang urinal, bakit ang pagiging kalbo ay tinatawag na hair style kung wala namang buhok, kung bakit kailangang sulatan at halikan ang pinto ng cr, kung bakit laging walang papel at ballpen ang katabi at bakit may expiration date ang tubig.

Mas makabuluhan pa yata kung pag uukulan ng pansin sa pag pasok ng mga kolehiyo kahit signal no.3. Ano kaya ang palagay ng mga opisyal sa mga studyante, binabaha din naman, nasasarado ang daan, napuputikan ang uniporme,at nilalamig.Matagal ko na ding pinag iisipan at sinusubokan kung talaga bang waterproof ang mga kolehiyo  pero hindi eh reject HO, not significantsa kahit anong degree of freedom pa, bagkus nilagnat pa ako tapos pinapayuhan akong pumunta sa clinic. Instant hulas na ako, sumigaw pa ako “magaling na ako,” magpupumilit pa akong sumayaw para lang mapatunayan.

Naalala ko na naman ang kaawa awa kong sapatos, kahit ang swelas nito hindi napalampas, nagsusumigaw na ‘hindi ako bota’. Wala naman akong magagawa kundi ang sumuong padin sa tubig ayoko namang lumiban dahil lang sa tuklapan at bukang sapatos. Kulang na lang siguro ang dila upang masabi at magsumamong palitan na ito. Di bale may dala naman akong rugby pandikit hindi pasinghot.

Panay na lang ang buntong hininga ko. Malamig ang paligid, madilim ang langit at tanging patak ng ulan ang maririnig.

Ang sarap matulog.

Napatingin ako sa bintana na halos puti na ang paligid sa lakas ng ulan. Papaano na ako mamaya pag uwi ko tapos…..

“Finish or not finish, pass your papers.” Hala dun naalarma ako sa narinig ko at dun pa lang naalik sa katinuan. Tiningnan ko ulit ang papel ko.

= 1/4

X3 + ¼ x2 + 3/8 x + 25                    

    X2- 3/2x + 9/16                         

3x3 + 4/3 x2 – 6/13 x + 13

“1…2…3….4….5 pass.”

Patay na! pangalan ko pa lang ang nakasulat.

Hala paano ng ba to ulit. Teka

“Mr. Dimaunahan times up. Pass your papers. NOW!” sumigaw na ang prof. ko kaya wala na akong magagawa. Binigay ko na lang ang papel ko habang nagkakamot ng ulo.

Eh ano pa nga ba ‘Di bale na babawi na lang ako sa finals.

MUNI MUNITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon