ANO NGAYON? (one shot) *Edited
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Oy! Si nerd oh..."
"Ang Baduy naman ng damit ugh!"
"She looked ancient!"
"HAHAHAHA!!!"
How I wished I was invisible but duh!
They may be fashionable, pretty, trend-setter, popular, and a lot of words to describe them BUT...
Ako nga pala si Marionette Abragan . Marion for short. Ang pinaka matalino sa buong 4th year. At ang masaklap....
Ako ang pinaka nerd, manang, at Pangit (ACCORDING TO THEM, Tch) . Hindi lang sa buong 4th year pati na rin sa buong school... Let's just say, they made a poll and it turns out na I'm so popular with this btch. HA!
Wag kayo, hindi naman talaga ako pangit... :3 maganda ako! MAGANDA AKO!
Habang naglalakad ako patungo sa classroom namin. Nahagip ng mga mata ko si Drake. Ang campus heartthrob. In short, ultimate crush ko . Oo, I'm the most bullied pero my friendddd tingnan mo nga crush ko.
"hoy! Marionette Pangit. Bakit mo ako tinititigan?"
Nakilimutan ko, Bully din 'tong gago...
Yumuko na lang ako at lumakad ng mabilis. Kahit pala sanay ka na sa panglalait ng ibang tao, masakit pa rin 'te, ARAY.
Nakarating na ako sa classroom namin. Tahimik lang ako pumasok sa dito. Sino ba naman ako para tingnan nila? 'If you grow pair of confidence, siguro Oo ikaw.' Kainis din no kapag tama rin yung Annoying thoughts mo no?
Pagkapasok ni Drake at ang tropa niya. Kilig na kilig na ang mga fans niya este classmates namin. At ako naman... sekretong nakakatitig sa kanya. Syempre, dapat secret lang baka laitin ako ng bully na yan. Kahit crush ko yan, baka masapak ko yan sa di oras.
Pagkatapos ng modeling nila ay... este paglakad patungo sa upuan nila na nasa likuran ay dumating na rin si Ma'am Reyes.
"good afternoon class..."
"good afternoon Ma'am Reyes!" Sabay-sabay naming bati.
"hindi na ako mag-kaklase sa inyo. Busy na busy talaga ako ngayon dahil sa JS Prom niyo. Next week na iyon. Kaya 'yong walang partner, maghanap na kayo."
Lahat sila may partner na. ako at si Drake na lang ang wala (Si Drake, choosy. Ako... well, nevermind). Yayain ko kaya 'to? Nakakakaba naman, maaya na lang baka ipahiya ako nito.
*
Umalis na agad si ma'am. Kami naman, nagsiuwian na. Bigla ko na lang na remember na wala pa pala ako partner para sa JS Prom. Naku, naku naman oh. Pumunta agad ako sa garden na nasa likod ng building namin na naging tambayan niya.
"Drake..." sabi ko ng nasa tapat na ako sa kina uupuan niya na. Nakapikit lang siya.
" Drake pwede ka ba maging partner ko???"
Hindi siya sumagot sa tanong ko. Napansin ko na lang na may earphones sa mag-kabilang tenga niya.
BINABASA MO ANG
Ano ngayon? (one shot)
Short StoryLife is cruel and same case to love. Love, which doesn't exist to this story. Ibang usapan 'to-- Crush. Ang buhay ni Marion ay maihahalintulad sa isang Nerd. But no, She's not. Isa lang ang sigurado, she's been bullied by everyone, including her cr...