THE INITIATION-OLD BUILDING 3

140 6 1
                                    

THE INITIATION-OLD BUILDING 3

"SURE ka ba, pare? Sasali ka sa grupo'ng iyon?"

Tinawanan ni Mark ang sinabi ng matalik na kaibigan na si Jhin.

"Ano namang masama kung sasali ako sa grupo nila?"

"Alam mo namang maloloko ang mga iyon, eh. Baka mahawa ka pa sa kanila."

Ang grupong pinag-uusapan nila ay ang rockers club. Grupo ito ng mga kabataang mahilig tumugtog ng instruments at kumanta. Madalas sumali ang mga ito sa battle of the bands. Since mahilig siyang tumugtog ng gitara, napagdesisyunan niyang sumali sa mga ito. Ngayong hapon nga ay magkakaroon daw sila ng audition.

"Pare, 'wag kang mag-alala. Hindi ako magbabago sa'yo. Ikaw pa, eh lab na lab kita." Inakbayan niya ito.

"Sabi ko na nga ba, pare. Nababakla ka na sa akin."

Nagkatawanan sila. Alam niyang natanggap na nito sa sarili na sasali siya sa grupong iyon.

"Pero, pare, sasamahan kita mamaya, ha? Baka pagtrip-an ka ng mga iyon, eh."

Hindi na siya tumutol sa sinabi ni Jhin. Noon pa man ay parang nakababatang kapatid na ang turing nito sa kanya. Magkaklase sila pero mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon.

-------------------

"OKAY, may naisip kaming paraan kung paano makakapili sa inyong lima ng bagong myembro ng club," anang isang babaeng nakatayo sa harapan nila.

Nakikinig lang si Mark dito. Lima silang nag-audition. Pulos magagaling silang lahat. Akala niya ay tatanggapin na sila ng mga ito pero hindi pa pala.

"Ano po ba iyon?" anang isang babaeng nag-audition. Prisza ang pangalan nito at napakagaling nitong kumanta.

Ngumiti ito ng makahulugan. Maya-maya'y may lumapit ditong babae.

"Vera, are you sure about this?" nag-aalalang tumingin ang babae sa kanilang lima.

"Oh, yes, Regine. Para naman may thrill. Mas malalaman natin kung sino'ng talagang desididong mapasali sa club. Matira ang matibay."

"Pero alam mo naman siguro ang tsismis?"

Hininaan ni Vera ang boses. "Tsismis lang iyon. Naniwala ka naman."

"What about dun sa babaeng nabaliw?"

"Sigurado ba'ng sa lugar na iyon siya galing? Hay, itigil mo na nga ang pagkontra sa akin! Tawagin mo na lang sina Rhonz!"

Tumingin ulit ito sa kanila matapos umalis ni Regine.

"Desidido ba talaga kayong sumali sa club?"

Umoo silang lahat.

"Pwes, may dapat kayong patunayan sa amin. Let's call it initiation."

---------------------------

"Pare, hindi mo kailangang gawin ang pinagagawa nila," ani Jhin habang naglalakad sila.

Papunta sila ng umagang iyon sa likuran ng school kung saan magkikita-kita sila ng mga kasama sa initiation at mga myembro ng club.

"Pero, Jhin, nakapagdecide na ako na sumali sa club. Gusto kong makasama sa bawat tugtog nila. Alam mong matagal ko nang pangarap makapagperform sa stage."

"Bumuo na lang tayo ng banda. Kung gusto mo, tutulungan pa kitang humanap ng mga myembro."

"Paano ang mga instruments, Jhin? Sa club nila, may mga improvised na... Teka, bakit ba pinipigilan mo akong sumali?"

Syana's Horror Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon