MInsan, may isang torpeng nagmahal ng manhid
Sa malayo siya ay nagmamasid
Ngunit di niya batid
Na wala siyang pagasa sa isang manhid
Ang mahirap lang sila’y magkaibigan
Kaya damdami’y sinubukang pigilan
Nagkunwari’t nagmaang-maangan
Kahit na siya ay nasasaktan
Tinago niya ito sa mahabang panahon
Hanggang sa lumipas na ang maraming pagkakataon
Di nagtagal, mahal niya’y umalis at di naglaon
Siya na raw ay yumaong
Halos madurog ang puso niya
Wala pa rin daw siyang kasintahan ang sabi pa
At nalaman pa na siya’y hinihintay din, ngunit napago’t
Pinilit ang puso na palayain
Napagtanto noon pa ma'y dapat umamin na,
Ngayon ay nagsisisi dahil hinayaan niyang puso nila’y parehong magdusa