Chapter 2

54 1 0
                                    

Nicole's POV

Almost 12 noon na natapos yung meeting namen with Mr. Salazar. And we make it!! We close the deal!! We are all so happy!!

I was going to the cafeteria to have my lunch when Tanya called me, one of my officemate and friend.

"Nicole! gusto mo sumama samen on friday? mag ba-bar kame.." aya saken ni Tanya.

"hindi na muna siguro..tatapusin ko pa yung mga design for Mr. Salazar para mapresent ko sa kanya next week. Sa susunod nalang siguro.." sabi ko.

"come on Nicole!! magpahinga ka naman kahit minsan,, and besides it's also a celebration for closing the deal with Mr. Salazar.." sabi naman ni Monique isa rin sa mga friends ko dito sa office.

"next time nalang talaga andame ko pa kasing kailangan tapusin eh! promise next time i will come!!" pag assure ko sa kanila.

"sige sabi mo yan huh!!pagbibigyan ka namen ngayon.."sabi ni Tanya.

"salamat!! una na ako huh hindi pa kasi ako kumakain eh." sabi ko at umalis na papuntang cafeteria.

Pag dating sa cafeteria pumuwesto ako sa lamesa sa pinakadulo, may baon naman ako kaya hindi ko na kailangan bumili ng pagkain ko. I really need to finish all my design para mapresent ko kay Mr. Salazar next week. Ako mismo ang pupunta sa resorts nila sa cavite to see kung anong mga design ng furniture ang babagay sa hotel nila. 3 days din akong mawawala kya kailangan matapos ko lahat ng trabaho ko dito.

Actually dapat 1 day lang yun but Mr. Salazar insist that i stay 3 days. Para daw makita kong mabuti ang buong resorts.After kong kumain bumalik na ako sa office namen at nagtrabaho ulit. Hindi ko namalayan na it's 6 pm na pala, kung hindi pa ako inayang umuwi ni Tanya hindi ko pa malalaman na uwian na pala. Inayos ko na ang gamit ko at nagready umuwi.

Sabay na kameng pumunta nila Tanya at Monique sa mrt station.

"oh!! commute ka?" tanong ni Tanya. Kita sa mukha nya ang pagtataka, simula kasi nang magtrabaho ako dito never pa akong nagcommute, hatid-sundo ako lagi ni tatay ayaw nya daw kasi na nagcocommute ako at delikado daw.

"Oo, nasiraan kasi si tatay kahapon kaya hindi nya ako nasusundo ngayon."sabi ko.

"Ahh!, kamusta naman ang feeling ng ngcommute?" tanong ni Monique. Ang alam kasi nila i never ride public vehicle all my life, yun lng ang akala nila.

"Sanay naman po akong magcommute!! nagcocommute din naman ako nung college noh!!akala nyo naman saken hindi marunong sumakay ng public vehicle?" natatawang sabi ko sa kanila.

"Ngayon ka lang po kasi namen makikitang sumakay ng mrt, nakakapanibago lang.." sabi ni Tanya.

"Yeah!! i know!!" sabi ko nalang.

Sumakay na kame ng mrt. Naunang bumaba saken sila Tanya, sa next station pa kasi ako bababa. Pagkadating sa bahay sinalubong ako ni kuya Francis.

"Cole, pwede ka ba makausap?" tanong saken ni kuya. Kuya Francis ang panganay samen.

"Oo naman kuya, tungkol ba saan?" sabi ko at umupo muna sa sala.

"Pwede ba manghiram ulit sayo ng pera? I-eexpand lang namen yung business na tinayo namen ng barkada." sabi nya.

"Pero kuya hindi mo pa nga naibabalik yung capital na pinahiram ko sayo saka hindi ba masyado pa atang maaga para magexpand agad kayo ng business nyo?" sabi ko. He just borrowed 50k to me last month at hindi nya pa nababalik kahit kalahati nung pinahiram ko sa kanya.

"May idadagdag kasi kameng mga equipment para sa talyer, ibabalik ko din agad sayo pag kumikita na yung talyer mahina lang talaga kasi saka kulang pa kame sa mga equipment." sabi nya.

" Magkano ba hihiramin mo?" tanong ko sa kanya.

"20k sana..promise Cole bibigay ko agad sayo pagkumita na yung talyer. Salamat talaga!!" sabi nya at niyakap pa ako.

"Siguraduhin mo lang kuya na this time magsuccess na talaga yang business nyo, nakailang business narin kayo pero wala naman napupuntahan lagi kayong lugi!" sabi ko na naiiling pa.

"For sure hindi na kame malulugi ngayon, may alam naman ako sa pag aayos ng sasakyan saka tapos ng automotive si pareng Melvin" sabi nya.

Hindi lang kasi ito yung unang business na tinayo nila, andame na at lahat laging lugi at ako ang pinakalugi kasi ako lagi nagbibigay sa kanya ng puhunan. Ang laki na ng nainvest ko kay kuya at walang bumabalik saken. At kesa sa iba pa sya manghiram ako nalang ang nabibigay sa kanya, hindi bale ng ako ang maperwisyo wag lang ang ibang tao.

"Bigay ko nalang sayo bukas yung pera wala akong hawak ngayon na ganon kalaki eh" sabi ko at tumayo na.

"Salamat talaga Cole!!" sabi ulit ni kuya. "promise hindi na kita bibiguin ngayon" sabi pa nya.

Pagkatapos namen mag-usap dumeretso na ako sa kwarto namen para makapagpalit ng damit at lumabas ulit para kumain ng dinner.

Pagkatapos kumain bumalik na ako sa kwarto namen at kinuha yung passbook ko. May ipon talaga ako, nagsesave ako ng pera para makabili ng bahay at lupa, alam ko naman kasi na hindi forever dito kame nakatira hindi nama kasi namen pagaari ang lote na kinatitirikan ng bahay namen tulad ng mga kapitbahay namen.

Tinignan ko ang passbook ko, 15k nalang pala ang laman ng passbook ko hindi ko na nadagdagan last paycheck kasi nga ang dameng gastusin dito sa bahay, kulang pa pala ako ng 5k para sa hinihiram ni kuya at may 2 weeks pa bago ang sahod. Nahiga na ako para matulog, bigla din kasi sumakit ang ulo ko dahil narin siguro sa dame ng trabaho ngayong araw plus pa yung nangyari saken kaninang umaga.

Pero infairness huh gwapo talaga sya bastos nga lang!! Natulog na akong nasa isipan ang mukha nung lalaking humipo saken!!heheh!!

-____________-

===========

Xenxa na po sa lame update!! medyo magulo pagiisip ko ngayon!! happy reading!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Suddenly LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon