Love story in the Library (One Shot)

331 7 3
                                    

Isa akong volunteer librarian dito sa school namin. Medyo hindi naman ganun kalaki yung library namin pero kumpleto naman ito sa mga libro.

Araw-araw lagi akong nandito sa library tuwing break namin o minsan dito din ako nagii-stay saglit bago ako umuwi sa bahay namin.

Kaya naman kapag wala akong klase nandito lang ako lagi sa library napunta at nagduduty kung minsan.

Yung librarian namin dito ay matanda na nasa edad 50's na at yun ay isa sa mga dahilan kung bakit ako nag volunteer. Hindi lang yun... mahilig akong magbasa ng libro.

Sa totoo lang halos lahat ng libro dito nabasa ko na.

Sa lahat na nabasa kong libro ang pinakagusto ko ay yung book ni Shakespeare na Romeo and Juliet. Kahit na medyo malalim ang mga words nito maganda pa din itong basahin.

Halos paulit ulit ko na nga itong binabasa ehh. Paano kasi maganda yung love story nila kahit na maraming challenges silang pinagdaanan nakukuha pa din nilang magpakatatag at higit sa lahat mahal nila ang isa't isa. Ika nga till death do us part.

Ako kaya? Kelan ko kaya mararanasan ang ganung pagmamahal? Kailan ko makikilala ang Romeo ng buhay ko?

At heto ang aking storya na kung saan makikilala ko ang isang lalaki na babago sa buhay ko... Si Romeo...

*RIIIIIIIIIIIIIIING*

Uwian na namin at kailangan kong pumunta ng library...

"Claire! Tara sabay na tayo umuwi!" sabi ng classmate kong si Nica.

"Naku sorry! Di ako makakasabay sayo Nica alam mo naman saan ako pupunta ehh"

"Ayy ganun? Sige na nga!!! Alam kong gaano mo kamahal ang mga libro kesa sa akin. Hmmp!" pagtatampo nito.

"Hay naku wag ka na nga magpout dyan! Alam kong cute ka na. Ohh siya umuwi ka na at pupunta na ako sa library" sabi ko sa kanya. Pacute talaga itong si Nica.

"Okay sige sige! Ohh siya see ya tomorrow and take care! Bumawi ka sa akin sa susunod ahh"

"Opo madam!"

Pagkatapos kong magpaalam kay Nica ay agad akong dumeretso sa library.

Andito na naman siya sa library. Nakatingin sa bintana ng hindi man lang binabasa ang hawak niyang libro.

Simula nung mga nakaraang araw laging nandito ang lalaki na yan. At mukhang iisa lang libro ang hinihiram niya at yun ay ang Romeo and Juliet ni Shakespeare.

Hindi kaya favorite book niya din yun? Kasi napapansin ko sa library card halos pangalan lang niya ang nagpupuno nito.

OO iilang students lang ang nagbabasa nitong book. Paano ang lalalim kasi ng mga words na nakasulat sa book na yan.

Luis Romero. So yun pala ang pangalan niya. 2nd year high school at section F. Last section pala siya samantalang ako ay nasa first section which is section A.

Hmmm bakit kaya siya nandito? Bakit kaya iisang libro lang hinihiram niya araw araw? At ang malala pa lagi lang siya nakatingin sa bintana. Hindi kaya nasa labas yung girl na gusto niya?

Paano kasi napakaseryoso ng mukha niya kung tumingin sa bintana. Alam mo yung tipong parang inlove?

Nakikita ko kasi sa mga mata niya...

Haaay ang daming tanong namumuo sa isipan ko.

Hahanapin ko na nga lang yung ibang book ni Shakespeare.

Habang naghahanap akong libro sa bookshelves... napansin ko siya na mukhang nasisilawan siya sa paglubog ng araw kaya naman pumunta ako sa pwesto niya at inayos ang kurtina para ibaba pero bago ko pa nagawa yun napansin ko na nakatingin siya sa akin at mukhang nagulat...

Love story in the Library (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon