Chapter 3

4 0 0
                                    

Helen POV

*Setting sa kwarto*

Habang nakahiga ako sa kama ko (di pa ako bumangon) iniisip ko yung nangyari kahapon sa condo ni Henry. Di ko mapigilang kiligin habang iniisip yun

Habang busy ako sa kakaisip biglang nag vibrate yung phone ko. May nag text. Bigla naman akong napabangon at kinuha ang cellphone ko.

From Henry:
Where are you?

reply

To Henry
bahay. Why?

beep

From Henry
Okay. Pack your things because we are going somewhere. Don't worry i already told your parents that we're going somewhere. :) mawawala muna tayo ng isang linggo.

Biglang gumuhit ang ngiti sa labi ko dahil sa tenext niya. Mag a-outing kami yes.

reply
To Henry:
Okay :)

Beep
From Henry:
i'll pick you later.

Reply to Henry:
Okay

Nag impake na ako. Nag dala ako ng dalawang two piece baka maligo kami sa resort isang black at red. Ang red
Ay makitid at ang black naman ay maliit pero may ruffles kaya matatakpan parin. tapos nag dala rin ako ng limang maliliit na shorts at tatlong sleeveless na damit at tatlong blouse at dalawang t-shirt at tatlong lingerie para pang tulog ko.

Maya-maya pa tapos na ako sa pag eempake. Naligo na ako at naka bihis na rin naka v-neck t-shirt ako na black at nag shorts at naka fiftlops.

Mga 8:30 dumating na si Henry.

"Ready?" Nakangiting sabi niya

"Oo" naka ngiting sabi ko. kinuha ni Henry ang bag ko at linagay ito sa back seat at sumakay na kami sa kotse.

Habang nag bya-byahe kami tinanong ko siya kung saan kami pupunta. Nakalimutan ko kasing tanungin kanina dahil sa excited akong mag outing

tinignan ko siya sabay tanong
"San nga pala tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang nag dra-drive siya

"Sa private island namin" sabi niya pero naka tutok pa rin siya sa daan

"Talaga?" Excited kong sabi

"Yap" sabay tingin sa akin at kinidatan ako at tumingin ulit siya sa daan. Namula naman ang lola niyo kinilig hahahaha

"pano tong sasakyan mo?" Tanong ko

"Iiwan ko muna Ito sa bahay nila tito"

"Ahhh ganun ba."

Maya-maya pa naka-abot na kami sa destinasyon namin at iniwan na ni Henry ang kotse niya sa Tito niya. at saka sumakay na kami ng yati. Oomay yati siya. Akalain mo yun. Char lang.

Maya-maya pa naka abot na kami sa private island mga bandang alas tres na guro kami naka-abot. bumaba na kami sa yati dala ang aming mga bagahe. Pag kababa ko pa lang linibot na agad ng aking mata ang kabuuan ng isla. Syyyeeettttt napakaganda nito. Para itong paraiso. Ang dagat napaka linaw at ang buhangin ay kulay puti. Kaya mas lalo itong gumanda. Meron ding dalawang puno ng niyog malapit sa dagat at meron itong duyan.

"Nagustuhan mo ba dito?" nakangiting sabi Henry sa akin

"Oo. Napakaganda para itong paraiso" nakangiting sabi ko

"Halika na. Pasok na tayo sa loob ng bahay" aya niya.

Sabay kaming nag lakad papunta sa bahay. Nang makapasok kami sa loob ng bahay agad namang inilibot ng aking mata ang kabuuan nito
Napaka ganda ng bahay gawa ito ng kahoy pero hindi ordinaryong kahoy at sa loob nito ay may mga gamit na puro gawa sa kahoy tulad ng lamesa, upuan at iba pa. Pati rin ang sahig. Napakintab  bagong linis siguro ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Not So Called RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon