Chapter 7: Friendship Test

23 4 0
                                    

(A/N: Mikmik, Henschel and Angel on the MM.)
----------------------------------------------
Nagpaiwan ang magkaibigang Pauline at Kristine sa dorm at nagpasyang huwag pumasok dahil sa traumang natamo.

Ang dalawa kasi ang nasa harapan ng binata nang ito'y pugutan ng ulo, sinalo din nila ang ilang dugo na tumalsik dahil sa pagpupugot ng ulo sa binata.

Natulog nalang sila sa kanilang kwarto at hindi na pumunta kung saan sa takot na sumunod sa mga namatay.
----------------------------------------------
Nalaman naman ng mga studyante na hindi makakapasok ang kanilang guro dahil may sakit ito.

Nag laro laro nalang ang ibang studyante, ang iba nama'y tahimik sa kanilang pagkaka upo at nag aaral mag isa.

Nag uusap naman sila Mikmik, Henschel at Angel tungkol sa kpop biases nila

"Bes, sino nga pala bias mo sa BTS?' Tanong ni Henschel kay Angel.

"Diba, si Jimin nga makakalimutin ka talaga bes" pag sagot naman ni Angel.

"Sino rin nga ba bias mo?" Dagdag pa ni Angel

"Si ilong bes hahaha" Sagot naman ni Henschel.

Nagtatawanan sila nang biglang tumunog ang speaker.

"Bumalik na sa dorm ang Class 6, alam niyo naman sigurong hindi papasok ang adviser niyo at nagpapa galing pa ang MAPEH teacher niyo" Pagpapaliwanag ng tao sa speaker.

Umalis na ang lahat ng studyante maliban sa tatlong magkakaibigan.

Hindi kasi nila namalayang umalis na ang mga kaklase nila sa kaka kwentuhan nila.

Huli na ang lahat ng malaman nilang sila sila na lamang ang nasa classroom.

Na lock na ang pintuan at hindi na sila makaalis.

Gumawa sila ng paraan upang maka alis sa kwarto.

Kumuha sila ng kung ano anong mabibigat na bagay at hinampas ito sa bintana ng kwarto upang makalabas sila.

Hindi nila ito mabuksan dahil napakatigas nito.

Bigla na lamang namatay ang ilaw kaya't lalo silang kinabahan.

Napagpasyahan na lamang nilang sumigaw ng tulong dahil wala silang magawa upang makalabas lalo na't namatay pa ang lahat ng ilaw.

May biglang nag slide na papel sa ibaba may paanan ni Mikmik.

Kahit madilim ay pilit na binasa ito ng dalaga.

"Sinong pipiliin mong mabuhay sa dalawa mong MINAMAHAL na kaibigan" Ito ang nakasulat sa papel.

Nanlaki ang mata ng dalaga at kabang kaba sa kaniyang nabasa.

Hindi niya ito ipinaalam sa mga kaibigan dahil alam niyang may darating na kaibigan upang iligtas sila.

Nang mag iisang oras nang nakakulong sila doon ay muling tumunog ang speaker

"ANO BA MIKMIK PIPILI KA BA O PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT?" Sigaw ng tao sa speaker.

Nagulat ang dalawang kasama ni Mikmik nang marinig ito. Ang dalaga naman ay umiiyak dahil alam niyang may mamatay na malapit na kaibigan dahil sa kaniya.

"Ano 'to?!"Kinakabahang tanong ni Angel kay Mikmik habang may butil butil ng luhang namumuo sa kaniyang mga mata.

"Times Up!" Sigaw ng tao sa speaker.

"AKO NALANG ANG PATAYIN MO" Sigaw ni Mikmik sa speaker.

Bigla na lamang pumasok ang limang tao sa kwarto habang tumatawa.

Takot na takot ang mga dalaga na nag yayakapan.

Ng biglang....

"Its just a prank! Hahahah, you shoud've seen your faces" Tumatawang pagsasalita ni Nadine.

"Walang hiya ka mamamatay na kami sa takot tapos sasabihin mong ganyan!" Pagkatapos ay sinampal ni Henschel si Nadine.

"Woahhhh" Sigaw pa ng ibang kasama ni Nadine.

Pagkatapos nito'y ginantihan naman nang sampal ni Nadine si Henschel ngunit nasalag nito ang kamay ng dalaga at nagsimula na silang magsabunutan.

Inawat ni Mikmik at Angel si Henschel kaya tumigil na ang away.

"How dare you! Mamatay ka!" Pag babanta ni Nadine kay Henschel.

"Oo pagkatapos ko mumultuhin at papatayin din kita" Pagsagot naman ni Henschel.

Natahimik ang dalaga at nilisan na ang kwarto kasama ang lima niyang kaibigan.

Umalis na rin agad tatlo sa takot na maulit ang nangyari sa kanila.
----------------------------------------------
(A/N: Naka chapter 7 din hahaha, sunod sunod ang update ko ahh wag kayong ano de joke lang haha, pa follow naman parang awa niyo na)

DEATH Mate (Wattys2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon