JHO

348 14 0
                                    


  Ako si Jhoanna Louisse Maraguinot. Pangarap kong maging isang flight stewardess. Bata pa lang ako gusto ko na 'yun. Gusto ko kasing makasakay sa eroplano. At higit sa lahat, gusto kong makapunta sa iba't-ibang lugar. Pursigido ako sa aking pangarap. Inspirasyon ko 'yun kaya nag-aral ako ng mabuti. Kaya sa awa ng Diyos, nag-graduate akong Cum Laude... 'Yun nga lang, hindi International Studies ang kinuha kong kurso kundi Accountancy (at sa awa pa rin ni Lord, CPA na ako ngayon!). Dalawa ang dahilan, una, hindi afford nina Nanay at Tatay na paaralin ako ng kursong gusto ko. Pangalawa, hitsura pa lang daw ay hindi na ako pasado... Hindi ko naman sinasabing pangit ako... siguro kinulang lang talaga ako sa ganda... sige na nga... medyo 'di ako maganda... sa unang tingin! Kasi makapal ang sinusuot kong salamin. Walang magagawa... 300 ang grado ng mata ko eh. Tapos dahil sa sungki-sungki kong ngipin, pina-brace ako ng Ninang kong mayaman. Pa-graduate n'ya raw sa'kin. Sabi ni Stephanie, 'yung ka-batch ko noong College, nerdydaw ang hitsura ko.

Pero alam ninyo, kahit sa tingin ng iba ay pangit ako, pakiramdam ko, may natatago akong ganda... ang problema nga lang, hindi ko alam kung paano ilabas... kasi parang kahit sa akin nagtatago ang ganda ko. Sinusubukan ko namang magpaganda. Nagpopolbo naman ako ng Johnson's Baby Powder at nilalagyan ng petroleum jelly ang labi ko. Nagpa-full bangs nga ako eh. Kaso parang araw-araw bad hair day ako.

Sa totoo lang naman, hindi ako partikular sa hitsura ko. Kaya lang, nitong mga nakaraang araw, sobrang naisip kong sana ay naging maganda ako. Ngayon kasi naghahanap ako ng trabaho. Kung tutuusin dapat madali akong makakita ng trabaho kasi maganda naman ang Transcript of Records ko. Pero kasi, parang nate-turn off ang mga interviewers sa hitsura ko. Hay, unfair kaya 'yun! Discrimination 'yun! Ang mga tao talaga. Hindi lang pala racial ang discrimination. Pati pala sa hitsura.

Nahihiya na nga ako kina Nanay at Tatay. Napaka-supportive naman nila. Hindi naman nila hinihiling sa akin na magtrabaho na ako agad agad! Pero siyempre, gusto kong magkaroon ng magandang trabaho para matulungan ko ang pamilya ko. Isa pa, gusto ko pa ring maabot ang pangarap kong maging flight stewardess. Hindi ko alam eh pero parang may nagsasabi sa aking balang araw, matutupad ko 'yun... kahit pangit ako. Aba malay ko ba kung magkaroon ng batas na pwedeng maging flight stewardess ang pangit?

"Jho 'nak! Halika na sa baba at kakain na tayo!" Tawag sa'kin ni Nanay ."Opo 'nay!" Sagot ko, sabay ligpit ng mga diyaryong puro gupit na ang classified ads. Bumaba na ako para sabayan sina Nanay , Tatay at ang kapatid kong si Janel, Bago kumain ay nagdasal muna kami. "O bunso, mag-a-apply ka ba ulit ngayon?", tanong sa akin ni Ate. "Oo te. Mag-a-apply ulit ako." "Aba, hanga na ako sa fighting spirit mo. Isang buwan mo nang sinusuyod ang Maynila, ah. Sabi naman sa'yo, tulungan mo na lang ako sa souvenir shop natin." Sabi ni Tatay. "'Tay, hindi naman po sa ayaw ko sa souvenir shop. Pero mas malaki po ang kikitain ko kung gagamitin ko ang pagiging accountant ko. Tsaka isa pa po, naniniwala akong hindi nagwawagi ang umaayaw at hindi umaayaw ang nagwawagi!" "Naks! D'yan ako hanga sa anak ko!" Natutuwang sabi ni Nanay.

"Eh, saan mo ba balak mag-apply ngayon?" Tanong ni Tatay pagkatapos sumubo. "Sa De Leon Services po. Nakita ko po sa classified ads na naghahanap sila ng CPA. Immediate hiring daw." "Good luck!" Sigaw ng buong pamilya ko. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. "Salamat! Basta tayong lahat...." Sabay-sabay naming sabi:"Heart-Strong!"

JHO LA FEA.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon