BEA

186 10 0
                                    

  Si Beatriz De Leon... s'ya ang may-ari ng De Len Services. Bukod sa napaka-galing sa negosyo ay napaka-galing din magpaiyak ng mga babae. "Hindi ko kasalanang hinahabol nila ako." Sabi n'ya sa best friend at business partner n'yang si Maddie Madayag. Nakangiti, ngunit napailing na lamang si Maddie. May punto si Bea. Habulin s'ya ng mga babae — magaganda at mapupusok na mga babae. Ayon pa kay Bea, nagiging mabait pa s'ya dahil "pinagbibigyan" n'ya ang mga ito. Pero matapos ang ilang linggo, iniiwan na lamang ni Maddie ang babaeng luhaan. "Bei, aminin mo na. Palikera ka!" 

"No! I just know how to enjoy. And I'm sure, the ladies also enjoy my company." 

"Eh naisip mo na bang ang gusto ng babae ay commitment?"

 "Hindi ko kasalanan kung gusto nila 'yun. Basta ako, I'm as free as a bird. I haven't found the girl who will make me want to commit."

 "Eh ano nga bang problema mo, Bea De Leon? Sa dinami-dami ng mga magagandang babaeng nakapaligid sa'yo, wala kang sineryoso!" Ngumiti lamang si Bea. Hindi n'ya alam. Pero parang may hinahanap pa s'ya. Isang mas malalim na batayan bukod sa pisikal na kagandahan para tumibok ang puso n'ya.  

  Naputol ang usapan ng magkaibigan nang kumatok si Mich. "Excuse me Maam Bea. Your dad is outside. He wishes to speak with you." 

"Sige, Mich. Tell him to come and see me."

 "Ah, bei, sige na... babalik na ako sa opisina ko. Nararamdaman kong masasabon ka nanaman ni Tito eh." Biro ni Maddie. Pagkalabas ni Maddie ay pumasok naman si Elmer, ang ama ni Bea. 

"Dad... please sit down. What brought you here?" 

Habang umuupo ay tinanong s'ya ni Elmer. "Have you hired an accountant na kapalit ni Josephine?" Napataas ang kilay ni Bea. Alam n'yang galit pa rin ang kanyang ama sa biglang pagre-resign ni Josephine, ang CPA ng De leon Services. "N-not yet. But..." 

"Beatriz, ano ka ba naman?! It's been a while since she left... tapos wala ka pa ring naiipalit? At isa pa, baka nakakalimutan mo kung bakit biglang umalis si Josephine..." 

"Pa..."

 "Oh come on! You flirted with her! 'Di'ba sinabi ko sa'yo na it's not a good idea to mess with your employees?"

 "Pa, I did not flirt with her. She flirted with me!" 

"Pareho na rin 'yun!" Muli, natigil ang bangayan ng dalawa nang kumatok si Mich. "Sir Elmer excuse po. The first applicant for the accountant post is here."

 "Ah, yes Mich. Sabihin mo pumasok na rito." Sabi ni Elmer.  

"What's this Dad?" 

"I'm going to help you interview a new accountant. Ang bagal mo kasi. At isa pa, ayokong magandang babae nanaman ang iha-hire mo at baka maulit ang nangyari kay Josephine!" Napailing na lamang si Bea. Nang pumasok ang aplikante, parehong napatitig sa gulat ang mag-ama. 






 

JHO LA FEA.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon