Magmahal Muli

92 1 0
                                    

Bakit nga ba sadyang merong mga tao na takot magmahal? Yung mga taong natatakot ma-inlove ulit lalo na kapag meron nangyaring hindi maganda sa ating nakaraan na sobra tayong nasaktan.

Sa bawat taong makakausap ko na "Takot magmahal", kadalasan ang sagot nila "Ayoko munang mag lablayp. Focus muna ako sa pag aaral"at minsan naman "Ayoko na magmahal uli, kasi ayoko ng masaktan. ayoko ng umasa. ayoko na ng stress". Ayan ang kadalasang linya ng mga taong takot magmahal.

Sa mga taong takot magmahal at wala pang nagiging bf/gf, CONGRATS!!!

Dahil kahit papaano wala kang stress sa buhay. Yung pakiramdam na wala kang inaalala, yung puro projects at school work lang ang inatupag  mo.

Sa mga sumubok namang manligaw pero nabasted, kapatid isa lang ang dahilan niyan, hindi mo pa natatagpuan yung taong inilaan para sayo.

Para naman sa mga taong na sobrang nasaktan sa kanilang naging past at ayaw ng magmahal muli, WAG MO ISARA YUNG PUSO MO, PARA MAKAPASOK NAMAN YUNG TAONG INILAAN PARA SAYO.

Maaring nasaktan ka noon, pero kung isasara mo na yang puso mo, paano naman kung dumating na pala yung tamang tao para sayo? Yung taong itinadhana para sayo? Yung taong sasamahan ka hanggang sa dulo ng buhay.

Maaring hindi sa ngayon, pero someday darating at darating yan ng hindi mo inaasahan. Sa mga hirap ng mag mahal muli, subukan mong maging better everyday. Tigilan mo muna ang pagiging bitter-bitteran sa love. Marami namang nagmamahal sayo eh. Andyan yung pamilya at mga kaibigan mo. Kaya malamang sa relationship at commitment-to-others mo lang sinasara yang puso mo. Hindi sa love.

Maaaring natatakot o wala pa sa isip mo ang magmahal muli, tandaan na huwag isasara ng permanente ang puso natin sa mga bagay na alam nating mapapasaya tayo balang araw.

Maaaring malungkot at nasasaktan ka ngayon, pero tatandaan mo na kung ang pagkain nga naeexpire, yung sadness at pain mo pa kaya?

Darating din yung tamang oras at panahon na magmamahal tayo, kaya nga sana pag dumating yung panahong iyon, SANA READY NA TAYO.

kahit anong iwas pa ang gawin mo, tatamaan at tatamaan ka parin ng love. Ipagdasal mo na sana kapag tinamaan ka ay panghabang buhay na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magmahal MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon