One //

6.8K 163 17
                                    

Author's Note: Dahil nauumay na ko sa romance at namiss ko ang genre na 'to nag-decide akong gumawa ng short mystery/thriller story! ;> 

Votes and comments are highly appreciated! ^^ Hindi ako namimigay ng soft copy. :)))

Meron rin tayong OFFICIAL PAGE sa FB. Search and like nyo lang PigOink Stories. Thank you! ~.*

Personal Instagram: dear.aliza

White

Copyright ©  2013 by PigOink8

___________________________________________________________



"Oh Alyssa? Ano ba yang ginagawa mo?" Kinuha nya yung mga gamit ko. "Ako na ang bahalang magligpit nito. Magpahinga ka na."


Tumango ako sa kanya. "Salamat, Maru."


Umupo ako sa gilid ng sofa. Inilibot ko yung mata ko sa buong bahay. Simple lang ito at sakto ang laki para sa dalawang tao. Dito raw kami nakatira.. At sya raw ang asawa ko..


Napahinga ako ng malalim. Wala akong maalala..


"Uhm.." Iniabot nya sa akin ang isang malinis ng tuwalya. "Mabuti pa mag hot shower ka na lang muna habang nagluluto ako ng hapunan."


Hindi ko maiwasang mapangiti. Simula nung nagising ako sa hospital, wala syang ginawa kundi asikasuhin ako. Napakabait nya. Maswerte ako na sya ang naging asawa ko.



Pumasok ako sa loob ng banyo at isa-isang hinubad ang saplot ko. Binuksan ko yung shower at hinayaan ko lang umagos sa ulo pababa sa katawan ko ang mainit na tubig. Ang sarap sa pakiramdam. Tila sa bawat agos ay dinadala nito ang pagod palabas ng katawan ko.


Nagtapis ako ng tuwalya at nagtungo sa kwarto ko. Sinalat ko yung pader sa likod ko at ipinikit ng madiin ang mga mata ko. Nagbabakasakali akong may maalala kahit papano, pero kadiliman lang ang nakita ko.


Napansin ko yung magandang bistidang nakatupi sa ibabaw ng kama. Kinuha ko ito at ipinatong sa katawan ko habang pasayaw-sayaw na tinitingnan ang sarili sa salamin. Naghanap agad ako ng underwear sa mga drawers. Hala! Baka si Maru pa ang naglaba at nag-ayos ng mga ito para sa akin. Nakakahiya!


Humarap ako sa salamin. Maputi ako at balingkinitan ang katawan. Malalantik ang pilik ng bilugan kong mga mata. Sinuklay ko yung mahaba at mamula-mula kong buhok. Pakiramdam ko isa kong estranghero sa sarili kong katawan.


Huminga ako ng malalim. Kinausap ko yung repleksyon ko. "Ako si Alyssa Velasco."


Bigla na lang kumalabog ng malakas ang puso ko at kumirot ang sentido ko. Napatuon ako sa tukador.


Puro dugo. May patay.  Tumatakbo ko habang humihingi ng saklolo. Nakakasilaw na liwanag.


"Tulungan nyo ko!"


Napahawak ako sa dibdib ko. Mabilis ang paghinga ko. Pinagpapawisan na rin ako.

WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon