Ipinusod ko na lang basta yung buhok ko dahil maglalaba ako. Hinakot ko lahat ng libagin namin para hindi na ko matambakan.
Binuksan ko yung aparador at napansin kong may nakasingit na attache case sa ilalim ng mga nakatuping damit ni Maru. Out of curiosity, kinuha at binuksan ko ito.
"Ano kaya ito?" Ang daming mga papel.. Puro numbero ang nakasulat.. Nagkibit-balikat na lang ako. "Baka naman inventory nina Maru sa botika.."
Ibinalik ko na lang yung mga papel lalo na't mukha pa man din mahalaga ang mga iyon.
Lumabas ako sa likod-bahay. Pinaagasan ko ng tubig yung palanggana tska ako nagkanaw ng detergent powder at nagsimulang magkusot.
Mahigit isang oras rin bago ako natapos. Nagsasampay ako ng mapatingala ako sa langit. Napapikit ako sa pagkasilaw sa sinag ng araw. Tinakpan ko yung mukha ko. Ang hapdi. Parang sinusugatan ang mga mata ko.
Takbo ako ng takbo habang pinupunasan ang luha sa mga mata ko. Nanginginig ako sa takot.. "Hindi.. Hindi ko gagawin yung gusto ni Maru.."
Napalingon ako sa malakas na busina. Nasilaw ako sa ilaw na nanggagaling sa kotse! Tumilapon ang katawan ko sa kalsada.
--
Malakas ang ulan. Pagbukas ko ng pinto sa may likod-bahay ay nakita ko si Maru na binubuksan yung bodega. Tinatawag ko ang pangalan nya pero tila hindi nya ko marinig. Sinisigawan ko sya na baka magkasakit sya sa ginagawa nya. Pero tuloy-tuloy lang sya at hindi ako pinapansin.
Ilang sandali pa ay nakita kong may buhat-buhat syang kung ano na nakabalot sa kumot. Napanganga ako ng lumaylay dito ang isang braso. Dun ko lang napansin ang mga mantsa nito ng dugo.
Nasindak ako ng tapunan ako ni Maru ng tinging demonyo ng makita nyang pinapanuod ko sya. Walang anu-ano'y sumugod sya sa direksyon ko!
"TULONG!!!" Napabalikwas ako ng bangon sa kama.
"Alyssa?!" Nagulat ako ng makita ko si Maru sa harapan ko. "Binabangungot ka.."
Hinahabol ko yung hininga ko. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Pakiramdam ko ay tumakbo ako ng malayong-malayo.
Niyakap ko yung sarili ko. Hindi na maipinta ang mukha ko. Natatakot ako sa lalaking nasa harapan ko.
"Alys--" Umiwas ako ng ipatong ni Maru ang kamay nya sa ulo at leeg ko. "Alyssa.. Nilalagnat ka ahh.."
Bakas ang pag-aalala sa mukha nya. "Kukuha lang ako ng trapo at bimpo."
Napasapo na lang ako. Labis na kong naguguluhan.
"Umalis ka dito.. Hindi ka dapat nandito.. Nililinlang ka lang ni Maru."
Habang pinupunasan ako ni Maru.. Iniisip ko kung totoo nga ba ang mga pinapakita nya sakin o pagpapanggap lang ang lahat.. Hindi ko alam, kaya aalamin ko.
Binigyan ko sya ng isang ngiti kapalit ng ngiting ibinigay nya.
Isa lang ang sigurado ko.. Ang dating saya at kaligtasang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko sya ay unti-unti ng napapalitan ng takot at pagdududa.
Hinawakan nya ang mga kamay ko. "Bibili lang ako ng gamot at makakain mo."
Pagkaalis ni Maru ay hinawi ko ang kurtina sa bintana. "Aalamin ko ang sikreto ng bodega na yan."
Dali-dali akong lumabas. Wala akong pakielam kahit bumabagyo at malakas ang ulan.
Sinubukan kong buksan yung pinto ng bodega pero naka padlock at kadena. Bumalik ako sa loob ng bahay upang naghanap ng martilyo. Paulit-ulit kong hinampas yung padlock hanggang sa matanggal ito.
Bumigat ang hangin sa paligid. Dahan-dahan kong itinulak yung pinto.
Nakakailang hakbang pa lang ako ay nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Bumaliktad ang sikmura ko halos masuka-suka ako sa nakita ko.
Isang naaagnas na bangkay ang pinagpipyestahan ng mga matatabang uod.
Napatakip ako ng bibig. Ngayon.. Nagpagtatagpi-tagpi ko na ang lahat. Saksi ako sa krimeng ginawa ni Maru. Tumakas ako sa kanya at doon ako naaksidente. Pagkagising ko sa hospital ay wala na kong maalala. Nilinlang nya ko at itinago sa bahay upang mabantayan lahat ng kilos ko at masiguradong hindi ako makakapagsalita. "Para rin.. Para rin maangkin ako ng tuluyan.."
May nakita ako sa sulok na gasolina at lighter.
"Kung walang bangkay, walang patutunguhan ang imbestigasyon."
"Balak nyang.. Balak nyang sunugin yung bangkay para wala ng kahit ano pang ebidensya ang makakapagturo sa kanya.."
Naramdaman kong may kumaluskos sa likod ko. Nagtaasan ang mga balahibo ko.. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.. Tila tumatakas ang hangin sa baga ko..
Napalunok ako. "Maru.."
Kumulog ng malakas. Nakita ko ang mukha nya, ngunit hindi na sya ang Maru na kilala ko. Kulay itim ang aura nito at nanlilisik ang mga mata nya. Mukha syang papatay ng tao.
Napaatras ako.. Nag-uunahan ng lumabas ang luha sa mga mata ko.. Iling ako ng iling.. Hindi na ko makahinga..
"DIBA ANG SABI KO SAYO WAG MO NG BALIKAN ANG MGA ALAALA MO?! BAKIT BA ANG KULIT MO HA?!"
BINABASA MO ANG
White
Mystery / ThrillerAfter waking-up from an accident, Alyssa lost all her memories. Then, she began seeing bloody murders in her dreams. [COMPLETED]