A/N: Sorry kung natagalan. BTW, Vote,Comment, Share.
1st Sale
THIS. LIFE. IS. BORING.
Sawang na sawa ko dito sa buhay kong toh. I’m always studying at hanggang sa mamatay ata ako, ito ang gagawin ko. Wala akong teen life. Isa kong campus geek na palaging kaharap ang mga libro. Sila yung bestfriend ko sa buong buhay ko. Ayaw nila kong tantanan.
“So what I’m saying Ms. Sydney, is you need to find to need the least common multiple in this problem. In order to got the correct answer, you must show me the correct solution.”
Tiningnan kong maigi ang matandang babae na nasa harapan ko ngayon. Sa totoo lang, tino-torture ko sya sa utak ko. Ikaw ba naman ang mga tanungin ng ganyan? Hindi ka kaya mairita?
Actually, hindi naman talaga ko isang campus geek. Joke lang yung sinabi ko kanina. Isa akong FEELING GEEK. Oo. Feeling lang, bakit? Dahil kailangan kong maimpress ang parents ko para sa’kin nila ibigay yung company namin.
Syempre, pag napasakin yun, kahit hindi na ko magtrabaho habang buhay. Pero sa kasamaang palad, hindi ako madadaliang makuha ang kompanyang yun.
May dalawa pa kasi akong kapatid na babae na mas matanda sa’kin.
Si Ate Kath, 4th year college na sya at running for magna cum laude. Sosyal ang peg nya, hayaan nyo na! Yung isa naman ay si Ate Lorraine, 2nd year college na sya at palaging kasama sa dean’s lister every sem.
SILA NA TALAGA! SILA NA ANG BONGGA!
Eh ako? Eto, nagpipilit na makasama sa DL. 1st year college pa lang ako at nagte-take KAMING tatlo ng BSBM. Bachelor of Science in Business Management.
“Ms. Sydney, double time! If you’re now taking a real exam, do you think that you can finish it within an hour? Faster! Wala ka pa ngang nasusulat dyan sa sheet mo!”
“Eh ano naman ngayon sa’yo?” pabulong kong sabi.
Tss. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari.
Wala talaga kong natirang kabarkada ko dahil sa tutor na toh. TAMA. College na ko, at may TUTOR pa din ako. Take note, pamula kindergarten pa yan. Hindi na nila ko nilubayan.
Tuwing yayayain ako ng klase para mamasyal man lang sa mall, hindi ako makasama kasi may tutor ako pag hapon. Ganun lagi ang routine ng buhay ko. patapon di ba? Ni wala man lang akong naging kaclose.
Pagkatapos kong sagutan yung problem na binigay nya, chineck nya ito at mukhang satisfied naman sya sa sagot ko dahil hindi na uli sya nagbunganga pa. Tsk.
“Good job Ms. Sydney Javier. College Algebra pa lang ang tatahakin mo this first sem kaya wag ka masyadong pakampante at magpasarap sa buhay. Bago matulog magbasa ng notes, palaging makinig sa tea—“
BINABASA MO ANG
BOYFRIEND: For Sale
FantasyIsang hamon ang ibinigay ng ama ni Sydney sa kanilang magkakapatid. Ang laro? Makipagpatagalan ng relasyon sa boyfriend mo at kapag nanalo ka, hihiga ka na sa pera. Ngunit anong gagawin ni Sydney gayung wala naman syang boyfriend? Susuko na lang ba...