Raelyn's POVHindi ko alam pero kanina pa masama ang pakiramdam ko. Hindi tuloy ako maka-focus sa klase kanina kaya agad akong pumunta ng clinic ng matapos ang pangalawang subject. Konti na lang din naman ang mga studyante dahil yung iba ay hindi na pumapasok dahil sa kasalukuyang nangyayari kaya hindi na ako nabahala na mag skip ng ilang subject dahil hindi rin naman maayos ang klase kapag ganon.
Nakatulog na din ako dito sa clinic at medyo nabawasan naman ang nararamdaman kong bigat ng katawan kanina. Nawalan na rin ang sakit ng ulo ko buti na lang naagapan ng gamot.
"Are you okay now?"
Tanong sakin ng nurse ng makita niya na akong bumangon. Tumango naman ako at ngumiti ng bahagya. Agad naman itong lumapit sakin at hinawakan ang noo ko. Nakampante naman siya ng makapang hindi ako maiinit.
Bumalik naman ito sa desk niya at may kung anong hinahanap sa drawer.
"It's really hard to be sick these days. You know that right?"
Sabi nito habang isa-isang binubuksan ang mga drawer at may hinahanap. Ilang saglit din ay lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko.
"That's why I'm telling you to take care of yourself." sabi nito at iniabot ang ilang piraso ng gamot.
"You're so gentle today, Miss. Are you sick too?" pagbibiro kong tanong.
Madalas kasi ay kung pagalitan nya ako ay parang siya ang nagluwal sakin. And I love teasing her.
Tiningnan niya naman ako ng masama saka ako inirapan.
"Just take care, please." Buntong hiningang sabi nito.
Nanatili naman akong nakatingin sa kaniya. I can't help but to smile. I'm an orphan but here, I've got few people who makes me feel complete and that's really enough for me.
"I will. Thanks." Nakangiting sagot ko naman.
"Good. I'll be going now. Half day lang kaya umuwi kana."
Tumayo na ito at kinuha ang gamit nya.
"Miss?" tawag ko sakaniya bago pa man ito makalabas.
Lumingon naman siya agad sakin. Bakas sa mukha nito na pagod siya.
"You should take some rest too. Ugliness doesn't really suit you."
Bigla naman itong natawa sa sinabi ko.
"We both know you're the ugly one." nakangiting sabi nito saka na umalis.
Umalis na rin ako ng clinic at naglakad papunta sa room namin. Pasado alas dose na at siguradong nakauwi na ang ibang studyante.
“Raelyn!”
Agad akong napalingon sa tumawag sakin. Si Nicole, ang vice president ng photography club. Huminto naman ako para maabutan niya ako.“Heto nga pala yung picture niyo kahapon,” Sabi niya sabay abot ng maliit na brown envelope. “And please don’t ask me why that picture looks like a mess.”
Agad ko namang binuksan ang envelope at tumambad nga sakin ang magulong litrato naming anim. Hindi na ako nagulat kung bakit ganito ang kinalabasan ng litrato namin dahil aminado akong magulo talaga kami kahapon. Muntik na nga kaming palayasin ng photographer dahil sa gulo namin at siguradong hindi na kami makakaulit doon.Isa-isang linibot ng mata ko ang litratong hawak ko. Nasa gitna si Miguel at Vincent dahil sila lang ang lalaki sa grupo. Pareho silang nakakunot-noo at nakabuka ang bibig sa litrato, ganoon din sina Jade at Mia na kasunod nila, halatang nagtatalo silang apat sa kalagitnaan ng picture taking. Si Marie naman ay awkward na nakangiti sa dulo. Samantalang ako naman ay nakahawak sa braso ni Jade dahil muntik na akong ma-out of balance.
BINABASA MO ANG
Taste Of Flesh (Completed:Zombie Outbreak)
HorrorDo you even have the guts to survive? In a world where you can't do anything but to adopt the sudden changes in your life. Join Raelyn and Janna as they thrive to look for the answer to save humanity.