Can we dance? (One Shot Story)

16 1 1
                                    

Thania' POV

"Love is where you felt from the heart. It pounds every single moment, by the time you saw or be with the person you love. Walang taong walang minamahal. Kahit mapa-bitter ka man o sawi. There's always a family to run to, a friend.. our loved ones."

"Oh, ano okay na ba?" tanong ko sa kaibigan ko. Her lips twitch at linagay niya ang papel sa harapan ko. "Bakit? Pangit ba?" tanong ko ulit. Pang-ilang papel na ako, palagi pa ring pangit para kay Charms ang mga isinulat ko. Tsk, Ms. Perfect daw 'kuno' kunwari.

Malapit na kasi ang Valentine's Day, pinapagawa kami ng adviser namin ng paragraph about love. Depende na raw sa amin kung saying ba, quotes, etc. Basta about sa love, dahil ididikit niya sa bulletin board na nasa labas ng room, para raw mabasa ng mga estudyante.

"Okay na 'yan" sabi niya. Tiningnan ko siya ng matagal. Napansin niya naman ito, kaya tinaasan niya ako ng kilay. "Anong tinitingin-tingin mo dyan?" tanong niya.

"Asus, sabihin mo na lang kasi na na-gandahan ka.." sabay smirk ko at kinuha ang papel, kung saan nakasulat ang ginawa ko.

"Oo na, maganda na.." sabi niya. Ngumiti ako ng malawak. Sabi ko na at maga-gandahan siya. Salamat naman at natapos na rin ako. Sumasakit na kasi ang ulo ko sa kakaisip ng mga salita.

Excited na ako sa Valentine's! Whoo-hoo! First time kong dumalo sa isang prom--kung may aaya sa akin (sana). Pero kung wala, hmpf.. bye-bye happiness. But, kung meron man, sana si Ash 'yon.

Matagal ko na siyang gusto, simula first year pa. Maraming nakakakilala sa kanya, bukod sa may itsura, attractive, magaling sa basketball, etc. May iba rin na kinikilala siya bilang playboy. Sabi kasi mga kaklase namin, ang dami na raw niyang pinapaasa na mga babae, nagbibigay siya ng motibo na may gusto siya sa isang tao.. pero nang nagkagusto rin sa kanya pabalik ang tao na 'yon, boom! I-iwan na lang niya sa ere. Walang nakakaalam kung bakit niya 'yon ginagawa. Ang sabi ng chismis, for fun lang raw.

Pero hindi ako naniniwala sa mga sabi-sabi nila. Ang babaw naman ng dahilan 'di ba? Basta, ang alam ko gusto ko siya, matagal na. Umaasa ako na, sana may konting connection man lang ang mabubuo sa amin. Kahit isang araw na nagkausap o nakasama ko man lang siya.. kaming dalawa lang, walang e-epal.

Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang colored paper.

"Charms, may colored paper ka pa dyan?" sabay lingon ko sa kanya.

"Wala na, nanghingi nga lang ako sayo eh" sabi nito. Muli kong hinanap sa bag ang bond paper. Nagbabaka-sakaling meron pang natitira.

Napabuntong-hininga ako. Wala na nga, naubos ko yata sa kaka-ulit. Kinuha ko ang wallet sa bag at tumayo.

"Oh, saan ka pupunta?" tanong niya.

"Sa canteen, bibili lang.." sagot ko at tumalikod na. Napatigil ako sa paghakbang nang tinawag niya ako. Humarap ako sa kanya, at binigyan siya ng 'ano?'- look.

"Pabili na rin ng makakain" sabi niya at nagpuppy eyes. Nagmumukha siyang aso, hahaha! Umirap muna ako bago tumango. Haist, ang hirap kapag may matakaw kang kaibigan, palaging gutom.

I fastened my steps towards the canteen, nagmamadali kasi ako. Malapit ng maubos ang time ng break namin, kaya cramming ako ngayon.

"Ate, pabili ng kulay pink na colored bond paper at biskwet tsaka.. iced tea" sabi ko. Tumango ang babae. Nang binigay niya na sa akin, inabot ko na ang bayad. I turn around and immediately stop my tracks.

Putik, muntikan na akong makabunggo. Puma-kaliwa ako, mukhang gano'n rin patungo ang taong muntik ko ng mabunggo kaya napatigil ako.

"Uh.." sinubukan kong kumanan, at gano'n rin sa kanya. Hay, ano ba 'tong taong 'to. Kopya ng kopya. Inangat ko ang ulo ko para tingnan siya.

Can We Dance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon