LB Part 1

45 1 0
                                    

"Archi!!! Gising bes ano ba!" sigaw ng napakaingay kong bestfriend nasi Tia habang hinahampas niya ako ng unan para magising.

"Ano ba!" sinipa ko siya at hinagisan ng kumot.
"Aray!"
"Ano ba iniingay mo." tumayo nako tsaka tumungo ng cr, ng biglang humarang si Tia. "Earth to Archi? Hoy panget first day of school ngayon!" sabi ni Tia.

First day of class , fi-first day of class?!

Timeout. Namulat mata ko, tulala, hindi ko alam kung ano uunahin ko. Nagpapanic yung utak ko pero standby lang yung katawan ko.

Hindi pa ako nag toothbrush, ni hilamos wala jusko!

Tumakbo ako papuntang dressing room at pinagugulo ang mga damit ko para makahanap ng masuot. Minadali kong kumuha ng white tshirt at black pantalon, wala nakong pake kung hindi maganda yung susuotin ko. Hinagis ko mga damit ko kay Tia at tumakbo sa cr para maligo.

"Yan kasi! Wattpad pa more!" sigaw niya sa kwarto.

I rolled my eyes at ngumiti, hays first day of class nanaman. Day of meeting new people, speaking of new people, may new classmate nga pala kami. As always. Excited nga ako makilala, sabi daw nila sikat, hindi lang sikat kundi anak mayaman pa. Tapos singer.  Nag toothbrush nako at sinirado yung pintuan, habang si Tia naman ay humiga sa kama habang ginagamit yung cellphone niya.

Nang matapos nako mag maligo at magbihis napansin ko si Tia nakatulog na sa higaan. Napagisipan kong tripan. Pumunta ako sa cr tsaka binasa kamay ko at pinunas sa mukha nya. "Gising na! Natulog pa to ano ba." Tawa ako ng tawa, magmamadali tas matutulog ano ba to.

Nagising si Tia at hinagis yung unan sakin, "Pwe! Kadiri mo naman pwe ano ba, aalis naba tayo o kakain kapa?" tanong niya.

Nagpolbos ako tsaka nag ayos ng buhok. "Hindi na ata, tara." kinuha ko na ang bag ko at nagsuot ng sneakers. Lumabas na kami ng kwarto at bumaba papuntang kusina, nakita ko si Mama at Kuya kumakain ng almusal, napagisipang kong uminom nalang ng gatas tsaka aalis. Dumiretso ako kay mama, "Ma goodmorning ho." At nag mano.

"Goodmorning mga ija, Archi  bat ngayon kalang? Kanina pang umaga kaya yang si Tia." Oo nga aga aga pa nga niyan e.

Binuksan ko yung ref at kumuha ng fresh milk, tsaka nilagay sa baso para uminom. "Oo nga e, aga aga ang ingay."

"Haller, first day kaya." sabi niyang pabebe at umupo siya tsaka uminom ng juice. Napakabebe.

"Oh ano naman kung first day? As if, gusto mo lang makita yung bagong classmate!".  Nilagay ko yung baso sa lababo at kinuha bag ko.  Bagong classmate nga pala.

"Luh, ikaw kaya yung excited dun! Sinearch mo pangayun e!" sabi niya. Tinaas niya yung cellphone niya. "Eto siya diba?" Nagulat ako nang makita yung picture sa cellphone niya. Yung bagong classmate.
Oo nga pala, siya, yung hinanap ko kagabe.
Poging nilalang.
Nakakakilig pag nakikita mo yung mga picture niyang nakangiti siya.

"May bago kayong classmate?" tanong ni Kuya nanasa likod namin, hindi nanamin siya napansin dahil nafocus na kami sa topic.

"Oo, si John Roa daw."  sagot ni Tia.
John Neil Torrente Roa, base sa pag stalk ko este research ahah, isa sa mga gwa-gwapong nilalang, poging anghel na pinapunta ni Lord sa earth para maging baliw ang lahat ng mga babae, singer, anak mayaman, sikat, lahat nasa kanya na.

"Wow sikat yun diba?" tanong ni Kuya,

"Oo." sagot ko sakanya.  Sikat nga, pogi pa. Hindi na nga ako nagulat ng malaman dito pa sa school namin nag enroll. Siguro kasi, kilalang kilala school namin kaya ayun, maraming sikat na mga tao na nag aaral dun.

"Oh siyana, umalis na kayo baka ma late pa kayo." Sabi  ni mama habang inaayos niya ang pinagkainan nang biglang nag ring yung phone niya.  "Hello sino to? Ano- Ah sige sandali lang." pumunta siya sa salas, nagtaka kami kung sino kausap niya. Baka mga katrabaho niya lang siguro yun.

Kinuha ko na yung bag ko at tiningnan relo ko, 10 minutes pa naman. "Tia alis na tayo." sabi ko habang nagmamadaling kumuha ng pera sa bag.

"Kuya alis na kami ha?" madali kaming lumabas sa bahay ni Tia para mag hanap ng masasakyan.

"Sandali lang!" Biglan sumigaw si kuya, hindi pa kami nakalabas sa gate. Kinaway niya yung susi niya. "Ako na dadala sainyo dun. Sandali lang."

"Tara." lumabas kami ng gate at hinintay siya. 
Nang makasakay na kami sa kotse binuksan ko kaagad ang phone ko para makita kung sino nag text, pero as always, wala. Buti pa yung SMART, nag tetext, diba hugot? Hindi nag tagal bigla akong inantok.
Haist, parang ayoko ko pang pumasok. Pero yung bagong classmate, bigla akong napangiti at na excite na parang baliw. Kinuha ko yung earphones at tumugtog ng Secret Base, mahilig ako sa Japanese music, pero hindi ko masyado sinasabi sa iba kasi baka
mga boring at nakakalungkot yung mga kantang pinapakinggan ko, siguro, yun lang talaga yung mga nararamdaman ko, ay hugot. Masyadong malayo layo school namin kaya napag-isipang kong magbasa muna sa wattpad, habang si Tia naman ay may ka text, hindi nag tagal, nakatulog na pala ako.

Love BangungotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon