LB Part 2

25 0 1
                                    





"Archi nandito natayo." Naramdaman kong inaalog niya ako para magising. Nasa school na pala kami. Eto na, eto na talaga. "Sige kuya salamat a. Ingat." Bumaba na kami ni Tia at umalis na yung kotse. Palapit palang kami ng guardhouse nakita na agad namin yung mga classmates namin.

"Tiabelles!"

"Archiiiiiiiii!"

Sigaw ng mga maiingay kong mga barkada. Nakakamiss. Parang gumaan yung pakiramdam ko. Yung feeling na, makakasama mo naman sila, kahit last year nalang. Tumakbo si Tia papunta sa kanila, excited na excited. Makikita mo talaga na parang ang tagal tagal namin hindi nag kita tsaka miss na miss namin ang isa't isa, nag kwentuhan kami tungkol sa mga bakasyon namin, nang biglang may dalawang kamay na tumabon sa mga mata ko.

Ngumiti ako. Kilalang kilala ko na kasi. Hindi ko pa hinahawakan yung kamay, alam ko na.

Si Poy. Alex Buenavides, ang bestfriend ko since nursery. Close yung parents namin tsaka parang magkapatid na nga kami nun, yung parang mas close ko pa nga to kaysa kay Kuya e. Minsan nga mas madalas pato sa bahay namin kaysa kay Kuya, yun kasi may pinupuntahan na trabaho kaya hindi kami masyado nag bobonding.

"Long time Patch." Ang palayaw ko, Patch. Hindi ko nga alam bat ganun, yun lang kasi tawag ng papa ko nung kasama pa namin siya. Wala naman sakin kung tatawagin ako nun, kasi si Alex lang naman tumatawag sakin nun e.

"Bambam!!!!"

Kinuha niya yung mga kamay niya at humarap sakin. God. Ngumingiti siya. Parang nag slowmo bigla, yung parang nag focus yung mga mata ko sa kanya at naging malabo yung background. Sandali, bat ganto nararamdaman ko?

Hindi ko napansing winawagayway na pala ni Alex yung kamay niya, tulala parin ako. "Archi? Okay kalang? Haha, helloo."

"Hah? Ah- Oo, okay lang ako, k-kamusta naman summer mo?" Nakakahiya! Archi focus! Ano ba!

"Eto, namiss ka. Ang boring kaya dun." N-namiss? Bakit umiiba na pakiramdam ko sakanya?

"Sa Los Angeles? Weh." Dun sa Los Angeles nakatira yung Lola at papa niya. Dun sila nag babakasyon pag summer. Nag start lang siya mag bakasyon dun nung nag second year highschool siya, kaya dahil dun parang hindi na kami madalas magkita.

Napatawa si Alex, grabe, pomogi siya, pumuti pa, tapos tumangkad, iba na yung style niya pag pumorma, noon kasi jeje to e, ngayon parang artista na.

Parang nanghihina ako kapag tumawa siya. Wait, gising Archi! Bestfriend mo siya okay? Si bambam yan! Focus!

"Boring nga dun e, wala akong kasama mangtrip dun e."

"Walang kasama ng trip? O maghanap ng chix?" Natawa nanaman siya. God, patagalin mo pa tawa niya please.

"Hindi no, syempre ikaw lang naman yung chix sa buhay ko." Tumitig siya sakin.

Hindi ako natawa, natulala ako, and again, nag slowmo. Naramdamang kong umiinit yung mga pisngi ko, parang iba na nararamdaman ko. Gosh Archi! Si Alex yan! Snap out of it! Lumingon ako sa iba para hindi ako mahalata ni Alex. Hindi ko maintindihan sarili ko. Jusko po.

Bakit ganito, bakit iba na nararamdaman ko.

Biglang nag ring yung school bell.

"All students, assembly time!"

"Tara Archi." Sabi ni Alex habang nakangiti, hinawakan niya yung kamay, wow biglaan. Dumiretso kami sa school feild, namumula nanaman ako, Archi! Kalma! Stay focus!

Napakaraming tao. Halos mapuno na talaga yung school. Pumuta kami ni Alex sa Faculty room kung saan nakalista yung list of students by sections. Nakita ko pangalan ko nasa first section, kasunod ko si Alex.

"Sabi na nga, hindi talaga tayo maghihiwalay." humarap sakin si Alex. Napansin kong hindi parin niya binibitawan yung kamay ko. Nang maya maya may narinig kaming sumisigaw na mga babae, na parang natitili. Lumapit kami, at hinanap kung ano yung pinaguguluhan. Bigla kong nabitawan yung kamay ni Alex. Nawala na sa isip ko kung ano man or sino yung pinagguguluhan kasi hinahanap ko si Alex na biglang nawala dahil sumikip at dumame yung mga tao sa daan, pinilit ko paring lumusot sa mga tao para mahanap siya ng bigla akong nabangga.

Boogsh.

Napaupo ako.
Grabe ang lakas. Sa sobrang lakas pati yung glasses ko napalipad. Hindi ko na inalam kung sino man or ano nabanggaan ko, hinanap ko yung glasses ko. Ang labo labo ng paningin ko, hindi ko alam kung ano na mga nakikita ko. Kinapkap ko yung sahig para mahanap, ng biglang may nahawakan akong kamay.

"Miss, sorry." Tumayo ako, ang labo. Lalake, konting tangkad saakin, tapos napansin ko sa likod niya yung mga babae nagtitili, at dun ko narealize na siya pala yung pinagguluhan.

"Uhm eto, glasses mo, sorry talaga." Nang binigay niya yung glasses ko, nag hesistate pa ako. Gosh Archi, nakakahiya ka talaga.

Tumayo kami ng sabay.
"S-salamat. Sorry din." Sabi ko. Nang masuot ko na, nagulat ako. Parang lumiwanag bigla yung mga mata ko.

A-anghel. Nahulog na anghel.

Lord, hindi pa ako ready, as in hinding hindi pa Lord.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko.

Parang nahihimatay na lumilipad na kinikilig.

Si Roa,

si John Neil Roa.

Si John Neil Torrente Roa ang kaharap ko ngayon.

"I-i-i-ikaw!" Shocks, bat nasabi ko yun.

Tinapik ko yung bibig ko. Nakakahiya.

Naramdamang kong namula pisngi ko, namumula na ako, nang bigla siyang lumapit.

As in lumapit. Yung parang 2 inches apart.

Hindi ko alam anong gagawin ko, nanginginig ako, namumula, kinakabahan, nagpapanic yung utak. Hindi mapakali.

Hinawakan niya yung ulo ko, nang biglang...

"Apat na nga mata mo hindi mo pa nakita kung sino kung kaharap mo. Tss."

Pagkatapos nun umalis siya.

Ako? Parang tanga, nakatulala, standby sa daan. Nahihiya. Hindi alam kung anong nangyare. Hindi alam kung ano mararamdaman. Nganga sa daan. Habang yung ibang mga babae naman tumakbo para sundin siya. Ako nandun parin, habang utak ko naman ay hindi makapagfocus.

Nang dumating si Alex,
"Archi! Archi!" Inuulog ako ni Alex. "Archi okay kalang? Archi!"

"A-alex." Nagising ako, pero parang gusto kon lumuha, hindi ko alam. Nakakahiya.

"Bakit? Anong nangyari?"

"W-wala bam, nevermind nayun. May nabangga lang ako kaya-"

"Pinahiya kaba? Inaway kaba? Aba mayabang yun a. Porke pinaguguluhan lang ganun na." Pupuntahan na sana ni Alex nang hinarangan ko siya.

"Bam, kalma. Okay lang, tsaka ganun naman talaga. At sanay na ako okay."

"Hindi okay, okay? Kapag nakita ko yun sisirain ko mukha nun." Tinitigan ako ni Alex, concern na concern talaga siya. Wow, bigla akong kinilig. Yung parang sumigla uli yung puso ko, and again, namula nanaman ako.

"Tara na nga, sa susunod, wag mokong binitawan, okay?". Ngumiti ako at hinawakan muli yung kamay niya. Dumiretso na kami ni Alex sa room kung saan yung mga classmates namin. Nang nasa pintuan na ako, napahinto ako.
Siya.

Si Roa..
Nandito..
Sa room..

S-si John N-neil...
"Apat na nga mata mo hindi mo pa makita yung nasa harapan mo."

B-bat nag fl-flahback...

Ibig sabihin...

Mag classmates kami?!

Love BangungotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon