Chapter 1

42 2 0
                                    

Khase's POV

Ang saya naman isipin na nakaalis na ako sa dati kong school. Magtratransfer na ako sa magandang school,ang school na matagal ko nang hiniling kay mom. I found out kase na makakapag focus ka dun nang mabuti. Sa rules and regulations nila? Ang gaganda lang,mukhang disiplinado na yung students dahils sa mga rules. Mukhang mag eenjoy talaga ako dun.

Bumaba na ako para kumain ng breakfast. Naabutan ko si mom na nagluluto,I thought she already cooked my breakfast? Maghihintay na naman ako. Napansin naman ni mom na nakababa na ko. Paglingon niya sakin bigla niya akong nginitian. Mukhang hindi lang ako ang excited sa bago kong school ah.

"Goodmorning baby boy." Nakangiti niyang sabi. Up until now she still call me 'baby boy'.

Simula nung bata ako yun na yung tawag niya sakin. For Pete's sake,3rd year high school na ako at tinuturing parin niya akong baby niya. Okay lang,baby face naman ako pero mas gwapo parin. Ang dami kayang nagkakagusto sakin sa dati kong school. Halos lahat na nga nang babae dun nililigawan ako eh. Hindi naman ako nagyayabang,I'm just stating the fact.

"Ma pasok na ako ah." Nilapag ko yung spoon and fork saka tumayo.

Lumapit ako kay mom para mag babye. Si mom naman kiniss ako sa cheeks,mukha ba talaga akong baby? Gusto ko sanang punasan yung pisngi ko para asarin si mom kaso baka magalit sakin. Minsan nang nagtampo sakin yan dahil iniwasan ko yung kiss niya. Ikiss ba naman ako sa cheeks in public. Mamaya asarin pa akong Mama's boy ng mga tao kahit hindi naman.

"Dito nalang po ako kuya." Sabi ko sa driver namin,tumango nalang siya.

I already asked my mom if I'm allowed to have my own car kaso ayaw niya. Afford naman namin si mom lang ang may ayaw. Baka daw maaksidente o kaya baka may mabangga ako. Si mom talaga,kung ano ano iniisip. Palibhasa kase ako lang yung kasama niyang anak. Yung iba ko kaseng siblings nasa Belgium. Ako lang pumili sa Philippines, lahat sila gusto sa ibang bansa mag aral.

....

"Bes ayun oh gwapo ata!"

"Talaga!? Tara tingnan natin!"

"Niloloko mo naman kami eh. Ang nerd oh!"

Sabi nung tatlong babae. Alam kong ako yung tinutukoy nila,eh ako lang naman yung lalaki dito,yung iba siguro nasa room na nila. Hindi ba porket nakasalamin nerd na agad? Kaya ayokong isuot tong glasses ko eh,kung hindi lang talaga malabo mata ko.Tinignan ko nalang umalis yung mga babae.

"Avriane,crush mo oh!" Napatingin naman ako sa sumigaw. Bakit ang daming babae dito?

Hindi naman sa nag aassume pero parang ako yung tinuturo nung babae eh. Gwapo naman ako kaya pwedeng ako rin yun. Sa way ko naman sila nakatingin. Yung totoo?

"Ano ba! Hindi ko na crush si Tyler." Sabi nung Avriane sabay hampas sa kaibigan niya.

Tyler? Ay,nag feeling naman ako dun. Akala ko ako yung sinasabi nila hindi pala. Gwapo naman ako eh. Tumingin ako sa likod ko,yung lalaki pala sa likod ko yung tinutukoy nila. Siya pala yung Tyler. Halata namang mas pogi ako eh. Bakit kaya mga ganong itsura yung type nang mga babae?

Hinanap ko nalang yung bulletin board kung saan nakalagay yung rooms and sections nang bawat student. And yun,nahanap ko na yung akin. Room 107,second floor pa. Katamad naman.

....

Pagpasok ko napatingin silang lahat sakin. Ganon ba ako kapogi para tignan? Pero mukhang hindi kagwapuhan ko yung napansin nila. Eh? Alam ko na,katulad nung tatlong babae kanina,napagkakamalan ata nila akong nerd. Pag daan ko papunta sa likod narinig ko yung ibang tao na pinagbubulungan ako. Mukha ba talaga akong nerd? Gwapong nerd pwede pa.

Pumasok na yung teacher namin. The students who are very noisy awhile ago are quiet na. Ang galing naman nila magpretend. Okay na rin,mukha namang natuwa yung teacher sa katahimikan namin.

"Some of you already knew each other but others don't,so let's have our introduce yourself segment. I'm Ma'am Khaye and I'll be your adviser." Sabi nung teacher without greeting us.

Nagsimula nang magpakilala yung iba. Sabi kase ni Ma'am yung mga nakaupo sa harap ang unang mag iintroduce. Remember? Sa likod ako pumwesto, wala kaseng masyadong umuupo dito. Natapos na sila at ako na yung magpapakilala kaya tumayo na ako. Nung tinignan ako ni Ma'am biglang kumunot yung forehead niya.

"Are you okay there? You want me to put you in front?" Tanong niya sakin. Umiling ako in response.

Alam ko naman na meaning nun. Nakasalamin ako diba? Akala niya siguro hindi ko makikita nang maayos dito sa likod kaya niya tinanong kung gusto ko sa harap. Pumunta pa ako sa likod kung gusto ko sa harap,tao nga naman ngayon. Nagiging pilosopo nanaman tuloy ako.

"Khase Vementel. 15 years old." Pakilala ko sa harap tas bumalik na ako sa upuan ko.

Pagkatapos kong magpakilala,tumayo na yung babaeng kanina pa naka poker face. First day na first day mukhang malungkot na agad. Wait,she looks familiar to me. Parang nakita ko na siya kanina lang kaso hindi ko maalala kung saan eh. Hayaan ko na nga lang.

"Avriane Dravidsales." Walang gana niyang sabi. Wala ba siyang pake sa mundo?

Avriane? Ay oo. Siya yung babae kanina na may crush daw dati dun sa Tyler. Kaya pala familiar sakin eh.

"Are you related to Mr.Dravidsales? The owner of this school?" Tanong ni Ma'am sa kanya.

Oo nga no? Dravidsales High nga pala tong school na to. Ngayon ko lang napansin na kaparehas nang surname niya yung school namin. Kaano ano niya kaya yung may ari neto? Tropa niya kaya?

"Yes and I'm his daughter." Sabi niya tas bumalik na siya sa upuan niya.

Aba. Rich kid pala tong si Avriane. Anak nang may ari ng school. She's different from the other daughter of some businessmen out there. It's not obvious that she is very rich. She is just a simple lady but still beautiful. Sabagay every woman has her own beauty nga naman.

.....

Akala ko naman magiging sobrang exciting yung first day ko sa Dravidsales High pero okay na rin. Napagkamalan lang naman akong nerd ng mga students sa school. Okay lang gwapo naman ako. Sobra.

RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon