12: Ouch

20 1 0
                                    

Scarlett's POV

"Finn! Please back to the Earth! " sigaw ni Yuri.

Bigla akong bumalik sa sarili ko. Shems! Nakatulala pala ako, kanina pa.

"Kanina ka pa nakatulala, ano bang nanyari sayo? " tanong nya.

"Nothing. " maikli kong sagot at kumain na lang ako.

Nasa cafeteria na ako ngayon at lunch na. Masyado akong na pre-occupied kakaisip sa pagiging muse ng Music Club!

"Haynako! Ewan ko sayo. Kakain na lang ak-- " hindi na natuloy ni Yuri ang sinabi niya dahil may biglang humampas ng table namin.

Si Alexander!

"Sino ka?! " tanong ni Yuri.

"Don't talk to me. Were not close! Hoy panget, bakit wala ka nung recess ha?! " tanong nya sakin.

"Aba! At ano ka ba ni Finn?! Makapag sabi ka ng pangit jan ha? Hindi mo ba nakikita na maganda na sya ngay-- "

"I said don't talk to me!! Don't you get it, huh? " hala. Galit na si Alexander.

"I am sorry, Alexander! Nasa Music Hall kasi ako, may meeti-- "

"I don't fucking care! Sumama ka sakin! " sabi niya at hinila nya ako palayo kay Yuri. Kinuha ko kaagad ang bag ko .

"Finn! Teka, san ka papunta?! "

"Yuri, mamaya na lang! Hintayin mo ako! " sigaw ko at saktong nakalabas na kami sa cafeteria.

Pinagtinginan pa tuloy kami! Ano bang problema nya?

"What's your problem?! " naiinis kong tanong ng bigla nya akong bitawan.

"You! Ikaw ang problema ko! Hindi ba malinaw sayong alalay kita, ha?! " sabi niya at bigla nyang hinawakan ng madiin ang dalawa kong braso.

Napayuko ako at bigla na lang pumatak ang mga luha ko. Masyado na akong maliitin nitong si Alexander.

"I'm s-sorry. " sabi niya at umalis na sya sa harapan ko. Nakakainis sya.

Nakakainis talaga! Naglakad na lang ako at kung saan ako papunta ay hindi ko alam.

"Scarlett! " hindi ko nilingon yung tumawag sakin pero naramdaman kong hawak na nya ang balikat ko ngayon.

"Scarlett! Uy. " tumingin ako sa kanya.

"Bakit, Gavin? May utos ba ang bestfriend mo? " sarkastiko kong tanong.

"W-wala. Actually, nakita ko ang ginawa niya sayo. Pag pasensyahan mo na lang sya. Malaki lang talaga yung problema niya. " paliwanag ni Gavin.

"What's his problem? Sadya bang napakalaki nun para ako ang pagbuntungan niya ng problema nya?! " napaupo ako sa isang bench malapit dito sa Triangle Garden.

"Namatay na kasi yung kapatid nyang na comatose ng 6months. " ramdam ko ang lungkot sa boses ni Gavin.

"At kaya lang naman na comatose ang kapatid nya ay dahil nag car race silang dalawa ni Alexander. At ang masaklap pa, galit ngayon ang parents ni Alexander sakanya kaya umalis na papuntang L.A ang mga magulang nya.  Siya kasi yung sinisisi kung bakit na'comatose ang kapatid nya. " patuloy pa ni Gavin.

"I feel sorry for Alexander. " mahina kong tugon.

"Hayaan mo na lang muna yun! Mabait naman talaga yun, bully lang talaga siya. Intindihin mo na lang ha! Osya, sige una na ako. " sabi niya at ngumiti sya sakin.

Naiwan akong nakatanga dito. Siguro nga ay dapat ko na lang muna intindihin si Alexander.

Naglakad na ako papunta sa next subject ko. Buti na lang at hindi ako late dahil kung oo, magagalit na talaga sakin 'tong Math Teacher ko! Naku. Naku!

Dumaan sa harapan ko si Alexander na hindi tumitingin. Dumiretso sya sa likod ko at umupo ng tahimik. Hindi ko na inabalang tumingin sa kanya. Maya maya, pumasok na yung teacher ko sa Math.

"Oh. I think, late na naman yung panget nyong kaklase. " sabi ni Maam sa mga kaklase ko.

Ako ba ang tinutukoy nya?

"Sino po, Maam? " tanong ng isa kong kaklase.

"Tinatanong pa ba yan? Si Ms.Carrigan lang naman ang pangit nyong kaklase. Right? " sabi ni Maam kaya nagtawanan silang lahat.

"Maam, your wrong! I am here. I'm not late. " sabi ko na na nakatayo. Nginitian ko sya ng nakakaasar.

Ilang segundo din syang natigilan ng makita nya ako.

"Scarlett?! " sigaw ng isa kong kaklase na lalaki.

"Yes. Ako nga! " sabi ko at ngumiti ako sa kanya. Umupo na ulit ako at hindi pa din nagsasalita si Maam.

Bigla nyang inalis ang tingin nya sakin at nagsimula na sya ng klase. Pinigilan kong hindi pansinin ang mga kaklase kong lalaki na kalbit ng kalbit sakin. Psh! Mga papansin.
Nang matapos ang kaklase, agad kong inayos ang mga gamit ko at naglakad na ulit patungo sa susunod kong subject. May nakasalubong akong couple na talagang sweet isa' isa.

"Magbebreak din kayo. " mahina kong sabi.

"Bitter. " sabi ng isang boses at ng tignan ko sya, Si Alexander.

"You don't care. " sabi ko at nag iba na ako ng way pero sinusundan pa nya din ako.

"Are you still mad at me? " tanong nya.

Napatingin ako sa kanya.

Akala niya ba ay galit ako? Naawa lang naman ako sa sarili ko kanina kaya ako napaluha.

"I am sorry for what happened while ago. Hindi ko gustong gawin yun sayo. S-sorry. " sabi pa niya

"That's nothing. " sabi ko at pumasok na ako sa room ko.

"Pag dismiss na, diretso ka sa tree house ha! " sigaw niya. Tumingin ako sa kanya at nakangiti sya sakin. Yung normal na ngiti. Minsan ko lang 'to makita sa kanya kaya nginitian ko din sya.

"Hi, Scarlett! " bati ni Adrian.

Yung escort ko sa Music Club.

"Hello. " matipid kong sagot.

Kaklase ko pala sya sa time ng Science. Bakit di ko man lang sya napansin last week? Hayy.Pathetic!-.-"

"Boyfriend mo yung naghatid sayo dito? Si Alexander yun. Diba? " tanong niya.

"He's not my boyfriend. " sagot ko sa kanya.

May tatanong pa sana sya pero dumating na ang teacher namin. Buti naman! Wala akong gana magsalita ngayon.

Buti na lang at after nito ay isa na lang subject tapos dismiss na.

Naisipan kong itext si Yuri dahil hindu ako makakasabay mamaya sa kanya pauwi.

"Ouch! " sigaw ko ng may bumangga sakin. Papunta na kasi ako sa last subject ko! -_____-"

"Yuri?! "

"Hahahaha! Sorry. Sinadya lang talaga kita banggain. Sino ba yang katext mo, huh? " tanong nya.

"Duh! Wala no. Ikaw sana ang itetext ko kasi hindi ako makakasabay sayo mamaya pauwi. "

"It's okay, Finn. May family dinner din kami e. " she answered.

"Okay, sige! Uuna na ako ha. See you tomorrow."

ArrangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon