M.U (One Shot)

47 2 0
                                    

His P.O.V

M.U? Mutual Understanding? Mis-Understanding? Malanding Ugnayan? Malabong Usapan? Ano nga ba ibig sabihin ng M.U? Ang gulo 'no? Bakit kase nauso pa yan.

M.U? Masyadong complicated ang dating. Mutual ang feelings pero walang pinanghahawakan. Pwede ka magselos pero hindi ka pwedeng magalit. Bakit? Eh wala naman kayong pinanghahawakan na titulo eh. Hindi ako naniniwala dyan, dati.

3 months. 3 months na kameng M.U. As usual, walang pagbabago. Eto, lambingan lang, landian, at kung ano-ano pa.

Bryle is the name, remember that. Freshmen of College of Art and Humanities in Psychology department, taking up BS Psych.

Katatapos ko lang magreview for finals. Yep, finals na namin. Ang bilis 'no? Sa bilis ng panahon, wala pa din nangyayari sa relasyon namin ni Alice.

Pano nagsimula ang lahat? Dahil sa lintek na CAH forum na yan. Dahil nga nasa college ko din siya, DevComm palibhasa. Naging ka-group ko siya sa isang activity namin, after that, we kept in touch. Kinuha ko phone number niya. Lagi kame magkatext hanggang maging callmate. After weeks, nagkaaminan na rin kame pero hindi pa ako nanligaw. Uso naman ang M.U, diba?

Lagi kame magkasama sa mga forums. Even sa mga sabbaths nila, kahit Catholic ako, hindi naman bawal eh. Sa small group niya, nakikisama ako pero hindi ako member. Madalas na din kame sabay kumain sa caf.

One day, bigla siyang naging cold. Not totally cold. Parang nawalan lang ng gana? Nalaman ko na lang na may nanliligaw sa kanya at inentertain naman niya. Nagalit ako syempre pero ako rin napahiya sa sinabi niya.

"M.U lang naman tayo, 'diba?"

Paksyet 'diba? Yung mga oras na lagi kame magkasama, lalo lang ako nahulog sa kanya. Akala ko sasaluhin niya ako, yun pala hindi. Natural, dapat lalake ang sasalo pero may mali eh, ako yung nahulog.

Nasa dorm ako ng dean ngayon, kukuha ng gatepass para makalabas.

"Makikipag date?" tanong ni dean. Ngumiti lang ako. Umiling-iling naman si dean. Palibhasa lalake din kaya alam ang mga pangangailangan ng mga lalake. Binigay na niya yung slip at umalis na ako. Natural nagpasalamat ako, hindi naman ako bastos na bata.

Kinbukasan, maaga ako lumabas para masulit ko naman. Pumunta ako sa plaza kahit nag-iisa lang ako. Alam ko muka akong loner dito dahil wala akong kadate samantala mga tao dito, by partner.

Pumasok ako sa isang fast food para bumili pero pinagsisihan ko rin agad. Nakita ko si Alice na may kasamang ibang lalake. Sino 'to? Bago nanaman? Kaya pala hindi siya pumayag nang ayain ko magdate dahil may date na pala siyang iba. Paksyet lang ulit.

Palabas na sana ako ng nang may nakabangga sa akin na babae at natapunan ako. Kung minamalas ka nga naman. Lumingon ako kina Alice na nakatingin na sila sa amin, hindi lang sila, buong tao sa fast food nakatinggin sa amin. Sht happens.

"Paps, sorry hindi kita napansin. Palitan ko nalang damit mo paps, oks lang?" tanong sa akin nung babae. Makatawag ng 'paps' parang close kame ah.

"Ok lang. Matatanggal din 'to. San ba ang rest room dito?" sasagot na sana yung babae pero natigilan siya at tumingin sa likod ko, lumingon din ako. Sina Alice at ang date niya.

"Shan?" tanong nung kadate ni Alice. What a small world, magkakilala pala sila. "Kuya, you know her?" tanong ni Alice sa kadate niya. Kuya? Kapatid niya? Bakit hindi ko alam?

"Yea couz. Ex M.U ng kaibigan ko." pinsan pala.

 "Date mo?" dagdag pa niya sabay tinggin sa akin.

Shio's One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon