1.2

78 1 1
                                    

Pwedeng sumigaw?

Feeling ko sasabog na yung dibdib ko sa sobrang saya e ♥ parang anytime aamin nako sakanya pero kailangan ko magpigil.

Pagtapos nya akong pupugin ng halik sa pisngi, humiga siya sa balikat ko at pinaglaruan nya ang mga daliri ko.

"Siguro kung hindi kita bestfriend,  naasdfghkllvfgjjgs asdfhj sayo" (0.0) ano daw???

"H-huh?" Sabi ko na may halong pag tataka.

"Wala. Ang sabi ko, umuwi ka na kasi gabi na. Baka abutan ka pa ng ulan oh"  tapos umayos na siya ng upo at binalik na sakin yung headphones.

"Teka teka. Yun ba talaga yung sinabi mo??"

"Oo nga hahaha! Uwe! Dali na tayo na jaaaaan (-3-) " sabi nya habang nakatayo na siya sa harapan ko at hinihila nya ang dalawang kamay ko para tumayo.

Ang ganda nya (*0*)

At natagpuan ko nalang ang sarili ko sa loob ng taxi. Hooooo sa sobrang pag ka starstruck ko sa kagandahan ng bestfriend ko, hindi ko na namalayan ang nangyari. Hindi ko nga alam kung pano ako napadpad dito sa taxi e.

kinamalasmalasan na traffic pa ako At saktong bumuhos pa ang ulan (=_=) lintik naman oh. Wrong timing ka e.

*tok*tok*tok

Nagulat ako sa katok na nanggagaling sa bintana, hindi naman ako nagdalawang isip na silipin iyon. Sa labas ay nakita ko ang dalawang bata. Isang lalaki at yung isa ay babae. Siguro hihingi to ng pera kaya kinakatok ako.

Tsk tsk at dahil mabait ako, binaba ko ang bintana ng taxi.

"Kuya kuya p-pagkain l-lang po" nanginginig na sabi nung batang lalaki. Siguro nilalamig na sila (*.-.*)

"Mag kapatid ba kayo?"

"H-hindi po kuya. Bestfriend ko po s-siya. Kahit h-hindi ko po siya kapatid mahal na mahal ko po y-yan" (z.z) mukang nananadya ang kapalaran ah. At dahil na awa ako sa dalawa eh binigay ko nalang yung payong ko sakanila at binigay ko yung pizza na binili ko kanina. Huhuhu dapat kakainin ko mamaya yun e </3 wala eh. Mabait ako.

"Salamat po kuya! Pagpalain po sana kayo!" Sabi nila

"Sige. Ingat kayo ah! Hahaha ikaw, alagaan mo yang bestfriend mo :)" sabi ko habang ginugulo ang buhok nung batang lalaki.

"OPO! :)" sabi nya at sabay tumakbo sila ng may ngiti sa labi. Iba pala yung pakiramdam pag nakatulong ka sa kapwa mo no ♥ feeling ko ang bait bait ko na :D

"Bihira nalang ang taong tulad mo hijo"

Nagulat naman ako dun sa nag salita. Si manong driver pala (-.-) ano ba yan! Lagi nalang akong nagugulat ah? Siguro kung may sakit ako sa puso kanina pa ako nakahandusay dito (-,-)

"Ay hahahaha ganun po ba manong? Nakarelate lang ho kasi ako sakanila :)"

"Alam ko hijo :)"

Barado ako dun ah! (=___________=)

"Ay haha oo nga po"

"Minsan sa buhay, kailangan nating maging alerto. Minsan akala mo sayo na, pero kung papalampasin no ang pagkakataong ingatan siya eh mamamalayan mo nalang na nasa ibang kamay na siya. Walang permanenteng bagay sa mundo hijo. Yung mga taong inaakala mong hindi na mawawala sayo eh bigla nalang yan mawawala ng parang bula. Ilan taon mo na bang inililihim sa kanya?"

(0_______0) pano nya alam? !

Stalker si manong???

best F.R.I.E.N.DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon