Mga Payong Panti Sa Buhay

2K 24 5
                                    

1. Wag Problemahin ang mga hindi naman dapat problemahin. 

Ewan ko ba kung bakit madaming sumusulat sa akin at nagsasabi ng kani-kanilang mga problema sa buhay. Mukhang di pa yata kayo naniniwala na palpak talaga ang buhay ko. Walang direksiyon ito. Pero ang importante ay masaya ako. Siguro ay sanay na sanay na talaga ko magbitbit ng aking mga problema kung kaya’t di niyo halata na halos lahat na nang problema sa mundo ay pinapasa ko sa iba heheh.. Bakit ko naman papasanin ang mga problema ko kung meron naman pwedeng ibang magdala nito. 

Para lang nga pag umutang ka sa kaibigan mo ng 100 Pesos. Di naman ikaw ang may problema pag umutang ka. Mas may problema yung kaibigan mong inutangan mo. Siguradong mahihirapan siya at magkakaproblema sa pagsingil sa ‘yo ng utang dahil sa wala ka naman pambayad dito. 

2. Wag maging over confident sa buhay. 

Ok lang naman yung minsan ay medyo bilib tayo sa ating mga sarili pero hindi na ito maganda pag sumobra na ito. Wag maging laging feeling pogi, feeling intelligent, feeling rich at oozing with confidence. Mayabang na ang dating mo nito. Ok lang naman magyabang kung meron ka naman ipagyayabang. Si Manny Pacquiao ay ok lang magyabang na mayaman siya dahil madami naman talaga siyang pera. Si Manny na boyfriend ni Tina ay walang karapatan magyabang na mayaman siya dahil sa pangit naman siya at wala pang money. 

Pagdating naman sa relationships, wag na wag maging over confident pag sinabi sa yo ng partner mo na like na like ka niya.. yung pinagsisigawan niya na love na love ka niya. Ang talagang tanong dun eh.. HANGGANG KAILAN? Tandaan na nagbabago ang lahat, sama mo na ang ugali ng tao. Been there, done that. 

3. There’s no such thing as Happily Ever After. 

Baka akala mo na nakita mo na ang Prince Charming mo eh masaya na ang magiging buhay mo hanggang sa pagtanda mo. Maniwala ka, temporary lang lahat ang nafi-feel mong happiness. Of course laging may exceptions tulad ng lolo at lola ko. 

Huwag kayo agad maniniwala sa mga nabasa niyong mga fairy tales. Ang lahat ng istorya nina Cinderella, Sleeping Beauty at si Snow White ay natapos lahat sa And They Live Happily Ever After. Ang saya. Akala nila ay masaya. After one year na diskubre nila na iisa lang ang Prince Charming na pinakasalan nila. Ayun at sa malamang ay magkamatayan pa sila. Tapos makikiagaw ka pa na nakita mo na ang Prince Charming mo? Kainis di ba? 

4. Be HUMBLE. 

Kahit na alam na alam mo na ikaw ang the best. Ikaw ang pinaka. Ikaw ang kasagad-sagadan eh always learn to be humble. Iba kasi ang tingin sa yo ng mga tao kapag medyo hindi maangas ang mga kilos mo. 

Kapag maaga kang naka-finish ng exams mo at sa tingin mo ay ikaw ang kauna-unahang nakatapos ng exam kesa sa mga kaklase mo, wag mo munang i-submit ang test paper mo. Mag-intay ka muna ng unang magsu-submit na kaklase bago ikaw. Para kung sakaling pumalpak ka sa directions ng exams eh di ka gaanu mapapahiya at sasabihang kang “Ayan ang yabang mo kasi, kauna-unahang kang nag- submit, bumagsak ka tuloy.

5. Don’t Be A Turtle. 

When is the best time to tell someone that you love him/her? 

Answer: Before someone else does. 

Yun na yun.. alam nyo na ibig kong sabihin. 

6. Wag Maging White Crayon. 

Bakit white crayon? Wala naman kasi nga pag bumili ka ng crayons whether ito ay 8 o 16 o 64 packs ay laging may kasamang white crayon. Pero napagmasdan nyo ba na halos wala naman gumagamit nito? Lagi lang siyang naiiwan sa crayon box at kasi naman ay bihi-bihira o halos wala naman paggagamitan nito . 

Pero minsan okay din naman palang maging white crayon kasi ay di ka magagamit ng iba. Minsan kasi ay lagi lamang tayong nagagamit at lagi tayong nalalamangan ng kapwa natin. 

7. TRUST is the key to LOVE. 

Ang TRUST ay parang papel… pag nalukot wala na .. di mo na maibabalik yung dating anyo niya. Kaya ingatan niyo na magkaroon man lang ito ng kahit na isang lukot. 

8. Always Think Positive. 

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa pera.. ang konti na kasi! 

Yang ang pag-iisip ng isang taong napakalakas ng fighting spirit heheh! 

Mga Payong Panti Sa BuhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon