That Night

332K 5.6K 185
                                    

Chapter One

L'ALBERGIO  Hotel. Penthouse Suite, eight o'clock.

Mabilis na itinikom ni Carlotta ang nanginginig na kamay. Ilang saglit pa muna siyang nag-atubili sa harapan ng handle bago pikit-matang inabot iyon. Deep inside, she was silently hoping that the door was locked. Ngunit ang ga-hiblang pag-asang kinakapitan niya ay mistulang marupok na sinulid na kaagad naputol nang pagpihit niya ng seradura ay kaagad iyong bumukas.

As soon as you enter the suite, I want you to strip for me.

Mariing naipikit ni Carlotta ang mga mata.

The room will be shrouded in semi-darkness. When you hear the soft background music playing, I want you to dance while taking your clothes off.

Kahit nanliliit at may nadaramang pagrerebelde ay wala siyang ibang mapagpipilian kundi ang sundin ang lahat ng instructions na nakasulat sa natanggap niyang mensahe mula kay Giovanni Galliardi. Ang lalaking nakatakdang umangkin sa kanya sa gabing iyon.

He said he wanted to sample the goods before he sign the actual purchase agreement. 

The feeling was so degrading, demeaning. Ngunit alam niyang wala siyang ibang mapagpipilian kundi ang sumunod. Sa sandaling tumanggi siya ay posibleng mapahamak hindi lang siya kundi ang kanyang buong pamilya.

Gusto niyang umiyak, ang tumakbo at takasan ang lahat ng iyon. Ngunit alam niyang wala siyang ibang masusulingan. Matakasan man niya ang sitwasyon, alam niyang hindi niya matatakasan ang kanyang kunsensya.

Narinig ni Carlotta ang pag-ilanlang ng malamyos na musika. Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan niya bago dumako ang kamay sa likuran ng suot na bestida upang ibaba ang zipper niyon. She was wearing a tight-fitting red dress na ang haba ay abot lamang hanggang sa kalagitnaan ng kanyang hita. May katerno iyong kulay pula ring sapatos na ang takong ay five inches ang taas. Nakalugay ang alun-alon at kulay-mais niyang buhok na lampas-balikat.

Ang lahat ng ayos niya sa gabing iyon ay ayon sa preferences ni Giovanni Galiardi. Maging ang lahat ng suot niya magmula sa itim na pares ng lace underwear hanggang sa suot niyang sapatos at bestida ay pawang galing dito.

"Take off your clothes."

Kamuntik ng mapatalon sa gulat si Carlotta nang may magsalita sa isang panig ng silid. Sinikap niyang aninagin ang bultong nakaupo malapit sa french doors subalit hindi niya mahitsurahan ang ditalye. Halos silhouette lamang nito ang naaaninagan niya.

"Don't make me repeat myself."

Mariing pinagtiim ni Carlotta ang mga labi. Ngali-ngaling bulyawan ang lalaki at sabihing hindi siya bingi. Pero ang anumang pagrerebeldeng nadarama ay pinilit na lamang niyang isantabi. Wala siya sa posisyon upang magreklamo at sumuway sa bawat naisin nito.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang tirante ng suot na bestida. Habang ginagawa iyon ay sinimulan niyang umindayog nang marahan sa saliw ng mabagal na musika. Hindi siya kasinghusay ng bestfriend niyang si Belinda sa pagsayaw. Gayunma'y kaya niyang umindak kahit na papaano nang ayon sa tugtog.

Pinadausdos niyang pababa sa kanyang beywang ang damit. Kung hindi sa nahihiwatigang impatience ng lalaking kasama sa silid ay ibig niya pa sanang patagalin sa katawan ang suot na bestida. Sa sandali kasing mahubad niya iyon ay para na rin siyang hubo't hubad sa suot niyang pares ng underwear. Ang suot niyang bra ay parang kulambo lamang na ipinangsuporta sa kambal na kaumbukan ng kanyang dibdib. Samantalang ang katerno niyong V-string panty ay wala naman halos tinakpan maliban sa makipot na lagusan ng kanyang pagkababae.

"Drop it."

Napilitan si Carlotta na bitiwan ang damit at hayaan iyong dumausdos sa kanyang katawan.

The Mafia's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon