Forever & Always <One-Shot>

128 2 2
                                    

Inlove. 

Kadalasan mong maririnig sa kahit na sinong tao ang mga katagang, "Ang sarap mainlove." Na babarahin naman ng mga walking bitter gourds na, "Oh? Talaga? Anong lasa?" O kaya naman, "Ano yun? Nakakain ba yun?" Nakakain man o hindi, may lasa man o wala, ang magmahal at ang mahalin pabalik na yata ang pakiramdam na gustong maranasan ninuman. Pero sa palagay ko, ang pinakamahalaga sa lahat at ang siyang dahilan kung bakit patuloy pa ring tumatakbo ang mundong ito ay ang pagmamahal ng walang hinihinging kapalit. Katangahan o kamartyran mang maituturing ng iba, ito pa rin ang pinakatotoo at pinakadakila. 

Break-Up. 

Maraming pwedeng maging dahilan. Pagkasawa, paghahadlang, problema, pangangaliwa o kaya trip trip lang. Nasa nabanggit man o wala ang dahilang minsan mo ng napagdaanan, sa aminin mo man o sa hindi, isa na yata yan sa mga pinakamasakit na pwedeng mangyari sa dalawang taong nagmahalan. Dalawang salita lang pero ang bigat na sa pakiramdam kung pakikinggan. 

Move On. 

Eto ang mas malupet. Kumbaga sa lindol, aftershock. Dito ka mamomroblema kung pano kakalimutan ang taong alam na alam mo naman sa sarili mong hindi mo kaya. Tipong wasak na wasak ka na minsan natutulala ka na lang o kaya para mas dramatic, biglang tutulo ang luha. Totorturin mo ang sarili mo sa pamamagitan ng pakikinig ng mga sentimental song at magrereminisce ng mga ala-ala niyong dalawa. Pilit mong itatanong sa sarili mo kung saan ka ba nagkulang. Palagi mo pa ring bibisitahin ang facebook account niya at magpapatama sa mga status pag may nakitang di kaaya-aya. Ang saya di ba? Ayaw mong masaktan at gusto mo siyang kalimutan pero ikaw mismo 'tong pilit binabalikan ang nakaraan. 

Acceptance.

Hindi mo naman kasi talaga siya kailangang kalimutan. Ano 'to? Kapag nagbreak instant partial amnesia agad? Kailangan mo lang tanggapin na may mga bagay talaga na hindi mo na maibabalik pa. Na kailangan mong mabuhay araw-araw na wala yung taong nakasanayan mo ng laging nandyan. Na wala ng good morning texts at magpapaalala sa'yong kumaen sa tamang oras. Pero wag kang mag-alala, nasanay ka ngang nandyan siya e. Masasanay ka ding wala siya. 

Pero gaano kaya kasakit ang maghiwalay kayo hindi dahil sa ayaw niyo na kundi dahil habambuhay na siyang mawawala? Paano ka makakapagmove on kung alam mo sa sarili mo na wala naman kayong naging problema? At gaano kahirap tanggaping yung taong minahal mo ng buong puso sa loob ng ilang taon ay hindi mo makikita at makakasama kahit kailan? 

Forever & Always &lt;One-Shot&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon