Hindi. Hindi pwede.. Wag ngayon. Wag muna, please?..
Mga salitang paulit-ulit na lumalabas sa bibig ko habang patakbong bumababa sa walang katapusang hagdanan ng school campus ko. Sumasabay ang luha ko sa malamig na hanging sumasalubong sa aking mukha. Kailangan kong makaalis agad dito. Kailangan kong makapunta doon. Wala na akong pakielam sa ibang nangyayari sa mundo. Basta ang alam ko, hindi siya pwedeng mawala sakin. Ayoko. Hindi ngayon o kahit na kailan pa man..
30 minutes ago..
"O, tapos? Anong gusto mong gawin ko? Mag-imbento ng time machine para lang maibalik ang oras at makapagpaalam sa'yo?" Sigaw niya sa mukha ko habang nakataas na naman ang matataray niyang kilay. "My God Justine. Lagi na lang bang ganito? Kulang nalang pati pag-ihi ko sabihin ko sa'yo eh. Dinaig mo pa tatay ko kung magalit pag di ako nakapagpaalam. Tsaka, project naman yung ginawa namin kagabi. Hindi naman ako naglakwatsa. Kaya wag kang umasta na parang meron akong ginawang masama." She folded her arms and looked in the mirror beside her.
Andito na naman kami sa may locker area. Ang lugar kung saan kami unang nagkakilala. And eventually, lugar na naging tagpuan. At ngayon? Lugar kung saan kami laging nagbabangayan.
"Hayy. So, tapos ka na? Pwede na akong magsalita?" Tinignan niya lang ako ng mapupungay niyang mga mata. "Let me clear things out okay? Ikaw ang may kasalanan dito. Kaya wag mong baliktarin ang kwento. Oo, hindi mo na maiibabalik ang oras. Pero instead of saying sorry and admitting you're mistake, here you are, mad as hell."
"Hey-" Nilagay ko ang hintuturo ko sa ibabaw ng labi niya. Hihirit pa eh. Mga babae nga naman ohh.
"Let me finish okay? Okay lang naman kung gabihin ka eh. Ilang beses ng nangyari 'to. At ilang beses ko na ring pinaulit-ulit sa'yo na ang gusto ko lang ay magpaalam ka. Ano bang mahirap dun? Isang text lang ohh. Hahayaan na kita sa gusto mo. Oo, hindi mo ako tatay, pero boyfriend mo ako at concerned ako sa'yo. Ayaw mo ba ng ganun? Sabihin mo lang."
She sighed. Sabi ko na di niya ako matitiis eh. Hihi.
"Fine, fine. I'm sorry. I'm wrong. Pero Justine, nasasakal na ako. I need space." Tinignan niya ako ng malalim.
Natigilan ako sandali. "Space? Edi magastronaut ka na lang." I faked a laugh. Hindi ko alam kung paano ipprocess yung sinabi niya.
She looked down. "Hindi ako nagbibiro. Justine, aminin mo na rin kasi." Tinignan niya rin ako. Iiyak niya siya. Wag baby, wag.
"Wala na yung spark." Tumulo na nga yung luha niya. Damn.
"Saree naman, hindi na tayo bata para maniwala pa diyang sa spark na yan."
"Justine, hindi mo naiintindihan.."
Hinawakan ko ang mga balikat niya and stared at her intently. "Baby, naiintindihan ko. Kaya nga I'm trying to put things back together. I'm trying to make this work."
Yumuko na naman siya. "No Justine, this is not-"
Napabitaw ako sa kanya. "Oh, for God's sake Sareee. Mahal mo pa ba ako?"
Tinignan niya ulit ako. Ganito siya pag nalilito at naiiyak na. "Syempre naman.."
Hinawakan ko ang mga kamay niya at nilapit ko ang mukha ko sa maganda niyang mukha. "Then, this will work. Trust me baby." I kissed her on the forehead.
"Okay, baby." She hugged me. Pero hindi naman ganun katagal.
Nagpaalam din siya dahil babalikan niya daw yung jersey ng team nila sa pagawaan.
Hinatid ko siya sa gate ng school.
Nasa gym na ulit ako ng biglang nagring phone ko. Si Saree. 'To talagang baby ko ohh. 10 minutes pa lang kaming nagkakahiwalay miss agad ako. :">
"Hello?" Ibang boses ang sumagot.
"Hello." Biglang bumilis tibok ng puso ko.
"Sir, kilala niyo ho ba ang may-ari ng number na 'to?.."
My world stopped.
BINABASA MO ANG
Forever & Always <One-Shot>
RomanceThe most painful goodbyes are the ones you never expected.