Maggie's POV
Gago talaga yung lalaking yun.
Bakit ba hindi ako patulugin ng matang to.
Pipikit mumulat.
Mumulat pipikit!
Argggh!
Eh bakit kasi hindi ko sya maalis sa isip ko ! Ang manyak naman nya!
Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng takot na may halong kilig.
Ha?
Kinikilig ako ? Teka bakit !
Makatulog na talaga eto na ! Zzzzzzzzz
-kinabukasan.
Hinatid nako ng driver namin sa school. Bakit ba kasi ayaw nilang magsasakyan na ako ng sarili eh ganun din yun !
Mag 18 na din naman ako ! Hay naku.
Malayo pa nga din.. Pero kahit na!
"dito na po tayo mam"
Sabi kuya pasyo.
"cge po.
Pinagbuksan nya lang ako saka ako nagsimulang maglakad papunta ng gate ng BAU.
Papasok na sana ako ng makarinig ako ng malakas na tilian. Napalingon ako sa likod.
Abat!
Sya na naman.
Infairness ang laki kaya ng school. Buset!
Kabababa nya lang sa kotse nya. Ang gara ng kotse bagay sa kanya.
Flaming black and red ang peg.
Wow.
Pero hindi sinasadya nagtama ang mga mata namin.
Napatitig na din ako.
Parang tumigil ang pag inog ng mundo.
Alam ko nakasentro ang tingin ng lahat sa amin.
Hindi ko maintindihan..
Bakit ako kinakabahan..
Hays! Ayoko ng ganitong feeling!
Kaya tumalikod na ko.. At pumasok.
Nagtitilian na naman yung mga haliparot.
Pumasok na ako sa first subject namin.
Tapos. May one hour na break agad after that kaya pumunta ako sa restaurant ng school.
Habang naglalakad tinext ko si Katy.
To : katypie
Andyan kaba sa loob ng resto ? Beep back now. :)
Nagreply naman agad si katy. Malapit na din kasi ako sa loob.
From : katypie
Yes ! Em waitin for u here pretty maggie ! Ü
Table 70. :D
So pumasok ako sa loob . At umakyat sa taas.
Second floor ang table na yun.
Nakita ko sila.
Sila ?
Lumapit ako para makilala ko kung sino yung lalaking nakatalikod.
Pamilyar ha.
Pagkalapit ko.
Putek
Si Race.
"upo ka pretty !"
Sabi ni katy ng makalapit ako sa kanila.
Umupo ako sa tabi nya. At nasa harap namin si Race.
"hey kumusta ka?"
Pasimula ni race.
Parang naumid ang dila ko.
Pero ngumiti pa din ako.
"ok lang ikaw ?"
Sagot ko.
"well everythings fine with me.. And syanga pala about dun sa nang-
"its ok race. Wag na nating pag usapan yun."
Natahimik kaming dalawa . At si katy nag paalam na mag ccr. Siguro ramdam nya ang tensyon.
Eh ganun talaga..
Nung naiwan kami ni race sa table.
Ako ang naglakas ng loob magsalita.
"race ? Kumusta kayo ni mimi ?"
Tanong ko. Parang babara na nga ang laway ko sa lalamunan eh. Ramdam nyo ?
"ok naman kami.. We enjoyed the vacation together.."
Sabi nya na nangingislap pa ang mata.
Oh eh di ikaw na ang magaling manakit!
"mabuti naman kung ganun.. Atleast worth it lahat ng hirap mo diba.. Para mapasagot sya."
"oo nga.. Biruin mo pagdating namin ng singapore , para kaming mga bata! Ang saya maggie walang katulad."
"ah."
Wag kang papatak na luha ka! Mapapatay kita!
"atsaka alam mo ba maggie nagswimming kami .. Akala ko talaga maru-
"ENOUGH ! ! !"
Hala bat ako sumigaw ! Antanga koooo!
Napatingin tuloy lahat sakin.
Pati si katy napatigil sa paglakad palapit samin
Sa sobrang hiya ko.. Tumakbo ako palabas
At may nabangga ako sa may pinto.
BINABASA MO ANG
May Nagmamahal na ba Sayo ? (on going)
Romantikpag ibig na inaakala mong para sayo... akala mo totoo.. pero lahat ng yon , biglang maglalaho.