Isa

19 0 0
                                    

Ilang taon na rin ang nakalipas nang grumaduate ako ng kolehiyo. Nagtatrabaho na ako ngayon bilang call agent sa isang telecommunications company. Maayos naman ang pasweldo yun nga lang ang oras ng trabaho paminsan sa madaling araw dahil ang kliente, nakatira sa ibang bansa. Pero hindi naman masyadong problema sa 'kin iyon dahil naiaadjust ko naman ang katawan ko. At saka pagoff naman, nakakabawi ako ng tulog.

Ngayong araw, midshift ang time ko kaya alas sais pa lang, nakaalis na ako ng trabaho. Subalit pagkauwi ko ng bahay, may nakatayong mama sa harapan ng bahay namin. Pumunta ako sa isang gilid at tumawag ako sa bahay. Sumagot ang nakababatang kong kapatid na si Lester.

"Oh, napatawag ka? Nakaalis ka na ng opisina?" Banat kaagad ni Lester.

"Oo, buti nga walang traffic eh. Teka muna, sumilip ka nga sa labas, may lalaking nakatambay eh."

"Ganun ba? Tingnan ko. Nasan ka ba?"

"Nandito lang ako sa may gilid kaso ayoko munang pumunta diyan pano nga may lalaki."

Maya-maya nakita ko yung kapatid ko lumabas ng gate at sumigaw, "HOY! LUMAYAS KA NGA! NAKAKAABALA KA SA MGA TAO!" Yung mga kapitbahay namin biglang nagsilabasan ng bahay at pumunta sa kapatid ko at tinanong kung anong nangyayari. Yung ibang mga manong hinabol naman ung lalaking nakatambay. Tumakbo yung lalaki kung saan ako nakapwesto at nagkatitigan kami. Bigla akong kinabahan at hindi na ako makagalaw sa takot. Hindi ko napansin na nasa tabi ko na kapatid ko at niyakap ako.

"Okey ka lang, ate? Sinaktan ka ba niya?" Tanong ni Lester.

"Hindi. Okey naman ako. Nagkatinginan lang kami nung lalaki."

"Oh? Anong itsura? Di ko nakita eh."

Dumating ang baranggay tanod at tinanong ako kung anong itsura noong nakita kong lalaki. Sinabi ko sa kanya ang nakita ko. Matangkad, maayos ang pangangatawan, makinis ang mukha, maputi, at singkit ang mata. Pero nakakatakot ang tingin sa kin. Ang hindi ko maintindihan, anong ginagawa niya sa harapan ng bahay namin?

Tell me, what is L♥VE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon