Manhid :"> (One shot)

624 13 19
                                    

Ito po ang una kong story. Sana magustuhan nyo Comments Pleeeeeease :)

Here it is. Ang Umpisa :">

First day of school pa lang panay na ang pa-cute ko kay Warren. gustong-gusto ko ang dimples niya sa cheeks na lumalabas kapag tumatawa siya at nagsasalita.

mabuti nalang seatmates kami. kung ano ano ang ang ginagawa kong pagpapa-cute sa kanya.

nariyang pansinin ko na hindi maganda ang ink ng ballpen niya at yung sa akin ang maganda kaya yun ang ipahihiram ko.

sinasabihan ko rin siya na hindi maayos ang pagkaka-shine ng shoes niya kaya binigyan ko siya ng imported na shoe shine na padala ng tito ko. sa mga ginagawa kong yun na-i-irritate tuloy si Warren sa akin.

"Alam mo, may pagkapakialamera ka," Sabi ni Warren na halatang naiinis. Pano kasi sinabihan ko rin siyang kulang pa sa pagkakakula ang white polo shirt niya, na kung ikukula pa nang mas matagal sa araw, mas puputi pa.

Hindi ko naman magawang humingi ng sorry sakanya. para sa akin kasi, tama ang mga napapansin. concerned lang naman ako sa kanya.

Sabi tuloy ni Pinky, "Wag mo na kasing pakialaman si Warren. gusto mo bang magkaroon ng kaaway na lalaki rito sa school natin?"

At sabi ko naman, " pag naman pinatulan niya ako, ibig sabihin nun bakla siya." HAHAHAHA! :)

At sabi ni Pinky, "Ssshhh, wag kang maingay. marinig ka."

Hindi nahahalata ni Pinky na nagpapa-cute ako kay Warren kaya ko ginagawa yun. ang alam lang nya, gusto ko lang mang-asar, o siguro, alam na rin talaga ng kaibigan ko na mapagpuna ako. kahit nga sa kanya, marami akong napupuna.

kaya naman naisip ko: Manhid ka talaga Warren! hindi mo man lang ma-feel na nagpapa-cute ako sayo kaya ko ginagawa yun! i need you attention kung alam mo lang! you cute attention! :">

wala ring alam si Pinky na may gusto ako kay Warren. never kong nasabi kay Pinky na nakukyutan ako kay Warren kasi hindi niya ako titigilan sa katutukso. kaya mabuti pang ako na lang ang nakakaalam.

ilang araw akong hindi pinapansin ni Warren. pero okey lang sa akin. hindi ako nagdaramdam. para kausapin niya ako, tinatanong ko pa nga siya kung maganda ang hairdo ko kapag nagpapatirintas ako.

Sagot niya ay, "Dapat mag-hairnet ka na lang."

Sabi ko, "Parang nagtatrabaho sa jollibee, ganun?" gusto ko sanang magpatawa pero hindi naman siya natatawa.

hindi ko talaga maiwasang hindi siya kibuin. seatmate ko ba naman eh. syempre kung sino ang seatmate mo, yun ang ka-close mo. minsan naman, napansin ko ang haircut niya. halos maubos na ang buhok niya sa gupit na flat top.

"tutubo rin naman to eh!" depensa niya

"matagal pa!" may himig pang-aasar kong sabi.

"Eh ano kung matagal pa?"

"Eh di matagal ka pang pangit!" at humagikhik ako.

Hindi siya kumibo. halatang naaasar na.

"totoo naman ang sinasabi ko eh." sabi ko.

"ikaw talaga Ellery, bakit ba ang kulit mo? wala ka  na ba talagang ibang alam na pansini kundi ako?" sabi niya sa akin.

"Pano, nagpapapansin ka!" sabi ko.

"Excuse me! ako magpapapansin sayo? ikaw yata!" sabi niya.

"Hindi noh!" sabay irap ko sa kanya.

Manhid ka talaga Warren! hindi mo pa rin ma-pick up ang pagpapa-cute ko!

One week akong hindi pinansin ni Warren. medyo masakit yun ha! parang nahiya na rin akong magpa-cute sa sa kanya. dahil sa sama ng loob ko, naisulat ko tuloy sa likuran ng notebook ko : MANHID KA, WARREN SANDOVAL! BUTI NGA CRUSH PA KITA EH!!!

napuno ang back to back na two pages ng notebook na puro ganun ang nakasulat. Dahil sa kaburaraan ko, naiwan ko ang notebook na yun sa armchair ko nung recess time namin. hindi pala siya bumaba at naghahanap ng mapagkokopyahan ng assignment namin. eksaktong nakita niya ang notebook ko at pinakialaman niya. kinopya ang assignment ko, at nung bumalik na ako sa room, naabutan ko siyang binabasa ang likuran ng notebook ko.

Pinamulahan ako ng mukha at inagaw sa kanya ang notebook.

"Pakialamero!" Sigaw ko sa kanya.

inaagaw niya uli ang notebook. tawa siya ng tawa.

"so ngayon alam ko na kung bakit lagi mo akong pinapansin, pinakikialaman, at kinukulit!" at nagtatawa siya.

tumingin ako sa paligid. mabuti nlang at konti pa lang ang classmate namin sa room dahil nasa canteen pa ang iba. hindi nila naririnig  ang sinasabi ni Warren dahil busy sila sa pagkokopyahan ng assignment.

Hindi ko alam ang isasagot ko.

"so manhid pla ako?" tanong niya sa akin, nakatawa pa rin.

"akina yan!" sabi ko.

binasa niya ulitn ang mga nakasulat sa likuran ng notebook ko at tsaka pinilas.

Sabi pa niya, "okey! akin na to! Remembrence! :)"

inagaw ko sa kanya ang notebook, at pilit k ring binabawi ang pinilas niyang two pages ng papel. gusto ko nang magmaktol. buking na ako sa feelings ko sa kanya. umupo akong nagdadabog. ang ginawa naman niya, hinila niya ang cgair niya at itinabi nang husto sa chair ko. pabulong siyang nagsabi.

"ibabalik ko lang sayo to kapag..."

"kapag ano?!" inis kong tanong.

"kapag sinagot mo na ako!" at nakangiti nanaman siya, ngiting may halong kapilyuhan.

"pano kita sasagutin eh hindi ka naman nanliligaw?!" sabi ko.

"paano kita liligawan eh nauna ka pang ligawan ako?!" sabi niya

napahiya ako sa sinabi niya. hindi ko maiwasang mangiti. "hmn, di naman kita nililigawan eh! nagpapa-cute lang ako sayo!" sabi ko.

"ganun narin yun no! kaya para makuha mo to, sagutin mo muna ako!" sabi niya.

"manligaw ka muna" sabi ko.

at niligawan nga ako ni Warren....after two weeks, sinagot ko na siya. :">

"what?! kayo na ni Warren? Paano?!" gulat na gulat si Pinky.

"ah basta kami na, wag ka nang magtanong" sabi ko.

nang mamasyal kami ni Warren sa baywalk, papalubog na ang araw, may ipinagtapat siya sa akin.

"hindi naman talaga ako manhid, Ellery. i know kung anong ibig sabihin ng ginagawa mo sa aking pangungulit, pamamansin, at pagpuna, at kung ano ano pa. alam kong nagpapa-cute ka kasi gusto mo ako. i like you run naman eh."  hinawakan niya nang mahigpit ang dalawang kamay ko.

"Hmn, sabi mo lang yan kasi na trap mo na ako," kunwari pa ay nagtatampo ako.

"Hindi ah. talagang gusto na kitang ligawan kaya lang inunahan mo ng pagpapa-cute eh! okey lang yun, at least nalaman ko na gusto mo rin ako."

"basta wag mo akong sasaktan ah/" seryoso kong sabi.

"of course, hindi. ikaw rin?"

"yes" sabi ko.

Graduating na kami sa high school ngayon at kami pa rin. usapan namin sa college, parehong course ang kukunin namin dahil pareho naman ang interest namin at tsaka para palagi rin kaming magkasama.

.........................

=)) Ayos rin? thank you for reading my first story. sana nag enjoy ka. :">

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Manhid :"> (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon