Hi ... ako po si maw share ko lang story ng buhay ko :P
Akoy bata noon at mahal na mahal ako ni INA dahil nga sa ako ang bunso ay di ako marunong sa kahit anung klaseng gawaing bahay. nung grade 4 na ako ay lumipad si INa sa ibang bansa upang mapag aaral kami sa isang private na paaralan. ng umalis na si INA halos wala na akong malapitan dahil si ama ay bising bisi din sa trabahao niya , si ate ay palati kaming nag-aaway at kahit ang ampon naming bunso ay kakampi din nila. Lahat ng kasalan ko ay nakikita , kagalingan koy binabaliwala kaya simula nun akoy di na pinapahalagahan at ayunnag simula na nga ang mga araw na nasa malayo si INA.
nakapag tapos ako sa elementarya ng wala ang aking pinakamamahal na ina, kahit sa birthday at pasko ay wala nga rin siya doon, kaya di ko nalang namalayan na lumaki akong walang nag mamahal at gabay ng magulang , at naging babae sa puso na di normal para sa iba. Sinasabi sa sarili " aNO KABA MAW BAT NAGING GANITO KA ? LAHIT ALAM MO NA GALIT SI AMA SA MGA BAKLA " wala akong magawa utos ito ni puso at utak. dahil sa takot na mapahiya aking pamilya sa dahilang may anak silang bakla nag tiis ako at nag danas sa "IDENTITY CRISIS " . Kahit ganun di namn ako kagaya ng ibang bakla , akoy di nag susout damit pambabae at di ako umi-inom ng kahit anong bagay na pampabago ng katawan, akoy simple lang makapandamit mananayaw ay ang aking pinaka-gusto ngunit ayaw na ayaw ko ng lampas tohod na short, walang make up at bisyo sa panahaong ito . :D
at ayon first year highschool na ako wala pang masyadong alam at nag simula nang mabuhay sa ibat-ibang pagbabago. at nung naging second year na ay namulat ako na wala pala talagang magulang ang tumayo at nag mahal sa tabi ko lalo na kay ama na siyang nasa malapit .bawat family activity sa school ay wala akong kasama kaya ganun ganun nalng ako sobrang ingit sa aking ibang kaklase,sa eded na 13 ako ay isip bata padin. at isang araw bakasyon pagkatapos second year ay siya ring graduation nila ate at 3day's after graduation nila ate ay nag tanan ito at di bumalik sa bahay. ako na siyang pangalawa anak na sumusunod kay ate ay siyang tumayong nakakatanda sa bunso kong ampon at dahil nga sa wala akong alam sa mga gawaing bahay ay wala akong naitutulong at parang mas matanda pa si bunso dahil sa alam niyang mga gawaing bahay. Isang araw umuwing lasing si ama at habang akoy naliligo nagalit ito bigla at akoy lumapit para humingi ng pera para makapag enternet at makausap si ina, ngunit bigla akong hinawakan sa batok ng mahigpit sabay sabi " ISA KA NG MALAKING MALI SA PAMILYA WALA KA DAPAT DITO SA BAHAY , Lumabas KA MAG HANAP KA NG SARILI MONG PERA , BWESIT KA!" ang mga salitang iyon ang nag sugat sa puso kong kulang at uhaw lang sa pag mamahal ng magulang. dahil mas masakit pa ang salita kaysa physical na pananakit lalo na pag nag mula ito sa iyong sariling magulang,,. akoy lumuluha nakaluhod, lumuluha at nakayuko kaharap ang tubig sa palangana habang tiniting-nan ang sarili, sabi sa isip ako ay walang alam ,isang malaking mali lamang, bakla, di marunong mag trabaho,ikinakahiya at nilalait kahit di naman ako ganun kasamang tao, kahit may taglay akong konting talino, maraming talento, di parin ako mabubuhay ng mag isa ng wala ang gabay ng isang pamilya , kaya pag katapos ng pangyayaring yaon ginawa ko nalng kasiyahan ang pumasok sa paaralan at ginagaw ang lahat kay baliwa itong lahat sa kanila.
" PAIN IS SO POWERFUL THAT IT COULD CHANGE SOMEONE TO A VERY DIFFERENT ONE FROM THE CURRENT ONE > > > "