That Summer

8 0 0
                                    

Kahit alam mong mahal mo siya, hindi pa rin pwedeng maging kayo.

- Aeschyblue

Weekends ngayon. At alam kong malapit na naman ang pasukan. Hayy, bat ba kasi hindi ako payagan mag Mall? I am now going to be a senior student. Mamimiss ko ang Summer. Paano ba kasi hindi naging mabait sakin ang Summer na ito. Maka group message na nga lang.

Group message:

This Summer is super duper boring. Bat kasi ang tindi ng galit sakin ni Summer?
Good morning.

√SENT

Pati ba naman tong cellphone ko wala ring nagtetext? Alam mo yun pag wala akong load saka sila magtetext. Hayy sinasadya lang ang peg? Para di ako makareply. Pati ba naman tong cellphone ko ang tindi ng galit sakin.

Hoy Gwen! Maligo ka na nga, kanina ka pa parang tangang nakatingin sa phone mo. Sigaw na naman ng napakabait kong kuya. Nakita niyo diba? Ang bait. Parang anghel kaso sa sobrang sama ng ugali itinapon na nila dito sa lupa at dito napadpad sa Mendez residence.

Alam ko na po demonyo kong kuya. Buti naman naligo ka, kasi naman isang linggo ka nang di naliligo. Nangangamoy ka na.

At nakita ko na naman ang napakademonyong mukha na akala mo si Satanas ang kaharap mo na pinagsamang si Kamatayan na kala mo eh kataposan mo na.

Oo na! Maliligo na ito namang demonyo di man lang mabiro. Sabagay nabibiruan ba ang mga demonyong anghel na gaya nito?

Gwwwwweeeeeeeeennnnn!!!

Oh oh! Ayan na si kamatayan at magsisimula na naman kaming mag temple run na kala mo siya yung monster na hinahabol ako kaso ako kasi tong si The Flash kaya agad akong nakapasok sa banyo.

Hay,, phew! Muntikan na yun ah. Loko talagang kuya. Makaligo na nga.

Your Love is like the river that flows down through my veins I feel the chill inside.

Oh diba? Pati ba naman sa pagligo meron akong concert. Paano ba naman audience ko ang sabon, shampoo, toothbrush, at tabo.

Salamat, salamat matagal ko ng alam na maganda ang voice ko. At nagsipalakpak naman ako. Mukha akong tangang naliligo na kala mo eh nakasali sa Tawag ng Tanghalan sa Showtime.

HOY BUBWET! PATI BA NAMAN SA BANYO ANG INGAY MO! Akalain mo nasa labas pala ng banyo ang demonyo na yun. Siguro hinihintay ako matapos dahil sa babatokan ako non.

Sabihin mo inggit ka lang. Paano kasi pag kumanta ka isang napakalakas na bagyo ang tatama sa Pilipinas kaya pinipigilan ka ng PAG-ASA dahil isang disaster pag kumanta ka.
Pagbibiro ko sakanya. Ako si Gwendelyn Mendez ay isang malokong babae na walang ginawa sa mundo kundi mang-asar alam ko wala akong kaseryo-seryoso di tulad ng Kuya ko. Ewan ko ba pinaglihi ata sa kape kaya ang pait.

-

Nang matapos na akong maligo di syempre magdadamit ka obvious naman eh. Buti pala gumana yung pagpapatagal ko sa banyo. Di naman masyadong matagal, mga dalawang oras at kalahati lang naman ako doon. Haha. Si kuya? Napagod ata sa kahihintay kaya umalis. Buti nga sakanya.

Tweet. Tweet.

Ha? May nagtext? Salamat naman isang linggo na akong hindi nakareceive ng text puro na lang ki Smart. Eh di ko naman kailangan si Smart ewan ko ba mahal ata ako kaya laging nagtetext.

09xx xxx xxxx
Hello.

Ha? Unknown number? Sino na naman ba to? ang pinaka ayoko ay ang unknown ano kala nila sakin si Madam Auring na isang text palang ng unknown na ito malalaman ko na kung sino.
Mareplayan nga. Baka naman isa sa mga kaklase kong walang magawa sa mundo kaya pati buhay ko pinapakialaman.

That Summer (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon