Ako si Catarina Iulia Walterson, 20 years old. Nag-aaral sa umaga, sa gabi naman nagtratrabaho. Kailangan kong tustusan ang pag-aaral ko. Kung mahirap? Oo, pero kung gusto mo talaga hindi ka mahihirapan. Gusto kong maging doctor kagaya ng mga magulang ko. Mamaya na throwback. Hahaha nandito ako ngayon sa cafeteria kasama ng kaibigan ko. Sa tatlong taon ko dito sa university siya lang ang naging ka-close ko, parehas kasi kaming scholar.
"Lia, bilisan na natin. Kanina pa tayo hinihintay ni dean." - Bria
"Ito na, tara na." -Ako
Tinapos ko na ang kinakain ko at agad kaming pumunta sa office ng dean. Kung bakit, ewan ko pa. Sana wag naman bad news, baka di ko kayanin.
"Ikaw na kumatok Bria." Sabi ko sa kanya.
"Ikaw na, natatakot ako e!" Sabi niya sabay tawa.
Patuloy lang kami sa pagtatawanan nung biglang bumukas ang pinto. Hindi namin alam ang gagawin, gusto ko na tumakbo pero baka magalit si dean. Hahahaha sapakin ko kaya 'to.
"Oh, Ms. Walterson and Ms. Mendoza. Buti naman dumating na kayo."
"Dean, pasensya na po. Marami pa po kasi kaming tinapos." Sagot ko."Anyways, it's about your scholarship"
"Dean, bakit po? Ano pong meron?" Sagot ni Bria. Sapakin ko kaya 'to si dean para sabihin agad.
"Magkakaroon ng fund raising. Kayo ang naatasan na mag-organize."
"Dean, kaming dalawa lang po ni Bria?" Tanong ko. Mahirap kung kaming dalawa lang. Sa amin lahat ng gawain.
"Meron namang tutulong sa inyo pero manggagaling sila sa ibang university."
"Saang university naman po dean?" -Bria
"Mangagaling sa DLSU." What?! E kalaban ng university namin yun, nahihibang na ba sila?!
"Pero dean---"
"No more buts Ms. Mendoza, pwede na kayong umalis."
Labag man sa loob namin pero kailangan naming gawin. Kung hindi lang para sa scholarship namin. Hay. Pero mas kailangan naming lumabas dito, baka mapatay ko pa 'tong si dean. Joke hehe
"Lia, paano 'to? Pambubully nga ng mga kaklase natin di natin makayanan, paano pa kaya kung galing sa kalaban ng university natin?"
Totoo yan, lagi kaming nabubully. Kung hindi daw dahil sa scholarship ay wala kami dito. Tama naman, pero hindi naman siguro ibig sabihin nun na pwede na nila kaming lait laitin."Gawin na lang natin Bria, wala naman tayong magagawa."
"Pero paano yung trabaho natin?"
"Kakayanin natin 'to, tiwala lang."
"Wala naman na tayong klase, uwi na tayo."
Magagarang sasakyan, magagandang bahay, marangyang pamumuhay, yan ang mga napag-usapan namin ni Bria nung pauwi kami. Siguro kung hindi ko sinaway ang magulang ko, hindi mangyayari 'to. Kung hindi ko siguro siya nakilala, hindi ako naghihirap ng ganito. Pero lahat ng mga problemang dumadating sa buhay natin ay makakaya natin, basta magtiwala ka lang kay God at sa sarili mo na kakayanin mo lahat.
"Lia, ito na lang natira sa mga binili natin. Bawi na lang siguro tayo bukas, pay day naman." Sabi niya sabay pinakita ang can ng sardines.
"Pagtyagaan na lang natin, Bria. Kailangan nating magtipid para kung sakaling mawalan tayo ng trabaho, may ipon tayo."
"Wag mo namang sabihin yan Lia, para namang kawawang kawawa tayo. Hahaha"
"Baliw, magpokpok na lang kaya tayo?" Sabi ko sa kanya.
"Gaga ka ba?! Kahit na maghirap tayo, hinding hindi ko gagawin yan!"
"Loka loka, kahit ako. HAHAHAHA pinapatawa lang kita."
BINABASA MO ANG
The Man Who Killed The Princess
RomanceMedyo corny siguro sa umpisa pero aayusin ko, swear. Enjoy reading!