Chapter 4: Mr. Sungit

51 6 0
                                    

Chapter 4: Mr. Sungit

Tristan POV.

Papunta na ako ng headquarter ng maisipan kung magmall muna para bumili ng makakain. Alam niyo namang subrang takaw nung mga kasamahan ko.

Nang makarating ako sa mall ay agad kong pinark ang kotse ko at lumabas.

Pagkapasok ko sa mall ay agad akong pumunta sa grocery station at kumuha ng cart. Kuha lang ako ng kuya ng mga junk food at soda can.

" Ano pa ba kulang?"- pag-iisip ko. Ay, tama!

" Ang mugo mugo ko." sabi ko at bumalik sa juice and can station. Nang makarating ako ay napangiti ako ng may isa pang mugo mugo ang natira kaya nilapitan ko agad ito. Akmang hahawakan ko na sana ng may humawak din dito pero ako naman yung na una. Napatingin naman ako sa taong kasabay kong kumuha ng mugo mugo.

O_O What the f*ck! Kailan pa nakababa tung babaeng Anghel na to.

Isa lang masasabi ko GODDESS!

Pero biglang naglaho ang mga sinabi ko tungkol sa kanya na Anghel siya ng kumunot ang noo nito.

Victoria POV.

" Bitawan mo yang mugo mugo ko. "-inis na sabi ko sa lalaking nakasabay kong kumuha ng mugo mugo. Nag-iisa nalang kasi ito. Iniwan ko pa nga si Kath para lang dito tas makukuha lang ng iba? No way!

" Anong mugo mugo mo. Eh, ako kaya naka una."-inis din sa sabi nito. Ang sungit naman ng lalaking to. At isa pa ako kaya ang na una .

" Hindi! Ako ang naunang kumuha. Kaya akin to. "-sabi ko sabay hablot sa mugo mugo ko pero di parin niya binibitawan. Nakakainis na tung masungit na lalaking to ah! Masasapak ko na to ng wala sa oras!

" Anong ikaw. Tignan mo nga kung sinong mas naka unang nakahawak sa mugo mugo. "-galit na sabi nito kaya napatingin ako sa kamay namin. Tama nga. Siya nga ang nakaunang nakahawak sa mugo mugo. Pero wala akong paki! Basta akin tung mugo mugo ko.

" Akin na kasi to!"-inis na sabi ko at hinablot ang mugo mugo ko pero hinablot din niya ito at dahil di ko inaasahan ang paghablot niya ng malakas sa mugo mugo ko kaya nahila niya pati ako.

Chup!

What the fudge! Nahalikan ko talaga ang masungit na lalaking to? Nakita ko naman na nakatulala parin ito kaya ginamit ko ang pagkakataon para makuha ang mugo mugo ko. *Smirk*

" Bleeh! Akin nato. "- nangiting sabi ko ng makuha ko na sa kamay niya ang mugo mugo ko. Napabalik naman siya sa ulirat sa sinabi ko. Hahahah! Ano ka ngayon mr. Sungit?

" Aki...."

" V! "- sigaw ni Kath kaya tumingin ako sa direksyon niya.

" Akin na to. Bye! "- masayang sabi ni Mr. sungit sabay wagayway ng mugo mugo ko at tumakbo. Waaaah! Nakuha niya ang mugo mugo ko!

" Arrrghhh! Mr. Sungit! "-inis na sigaw ko kahit na pinagtitinginan na ko ng mga tao. Wala akong pake! Pero ang mugo mugo ko! Wala na!

Inis naman akong tumingin kay Kath na kararating lang.

" Oh? Anong ginawa ko? "- natatakot na tanong nito. Tinanong pa talaga ng gaga. Eh, kung di dahil sa kanya sana na sakin pa ang mugo mugo ko ngayon!

" Nagtanong ka pa. Waaah! Nakakainis na mr sungit yun! Ang mugo mugo ko. "-inis na sabi ko sabay padabog na umalis sa mall.

Katherine POV.

Bang! Bang! Bang!

" Kath, anong nangyari jan kay V? "- bulong na tanong sakin ni Thom. Nandito kasi kami sa headquarter dahil dito gustong pumunta ni V. Dahil di parin nakakamove on sa mugo mugo niya. Iba din ang trip ng babaeng to. Mugo mugo lang pero halos magwala siya sa mall kanina at di pa nakontento ang gaga.

" Oo nga parang binagsakan ng lupa. Halos nagkalasog lasog na ang target niya kakabaril, oh? "- dagdag namang sabi ni Vero habang nakatingin kay V na kanina pa pinagbabaril ang mga target. Halos di na nga maitsyura ang target niya eh. Tadtad ba naman ng bala.

" Naagawan ng mugo mugo mo sa mall eh. Kaya ayan nagwawala yan. "- walang imosyong sabi ko at upo ng nakadikwarto. Mas nakakatakot pa nga siya kanina eh. Halos lumipad na ang kotse ko sa subrang bilis niyang magpatakbo! Buti di nagasgasan ang Kinneth baby ko.

"Yun lang? Nagwala na yan? "- napasigaw sa gulat na tanong ni Thom sakin. Binatukan naman siya agad ni Vero.

" Aray! Bakit ba ah? "-inis na sigaw nito kay Vero habang hinihimas ang ulo nito.

" Sapakin kita jan eh! Ang lakas mung magsalita. Paano kung marinig ka ni V,ah? Tayo pa magpabuntungan ng galit niyan."-inis sabi ni Vero.

" Sorry naman. "-sagot naman ni Thom habang hinihimas parin ang ulo nito. Hahahahah! Yan kasi di nag iingat.

Tinignan namin ulit si V na hanggang ngayon ay tinatadtad ng bala yung target niya. Hay! Malala na din tung babaeng to.

Junu POV.

" Good Morning! "- bungad na sabi ni
Mike na kararating lang yan. Tumingin naman kaming tatlo ng masama sa kanya.

" Oh? Anong ginawa ko. Binati ko lang kayo ah! "- natatakot na sagot nito habang nakataas pa ang dalawang kay na parang sumusuko.

" Wag ka ngang maingay,Mike."-sabi ni kambal kay Mike.

" Bakit ba? At bakit ba nanjan kayo sa labas ng pito ng opisina ni sir. Shin?"- Tanong naman ni Mike samin at sumilip sa loob. Hinila naman namin si Mike.

" Gago! Baka makita niya tayo. "-bulong na sabi ni Megz. Lalo namang nagtataka si Mike. Wala kasi to kanina eh. Kaya huli na sa balita.

" Bakit ba ah? "-naguguluhang tanong ni Mike.

" Tignan mo nga si Sir. "-utos ko at tinignan naman niya si Sir. Shin.

" Oh? Ano naman? Nakaupo lang naman niyan? "-pagtatakang sabi nito.

"Yun na nga eh. Di ba weird ni ngayon? "-sabi ko.

" Oo nga. "-pagsang-ayun naman ni Kambal.

"At tignan mo. Kanina pa yan nakangiti habang nakahawak sa mugo mugo niya at ang isang kamay ay nasa lips niya."-sabi ni Megz kaya na patingin ulit si Mike kay Sir. Shin.

"Oo nga noh? "-pagsang-ayon naman ni Mike. Ewan ko ba anong nangyari sa isang yan. Pamasok lang yan ng nakaganyan na ang kinikilos.

Vectoria POV.

Bang! Bang! Bang!

Baril lang ako ng baril sa target ko. At wala akong pakialam kung masira tung headquarter sa ginagawa ko basta ngayon galit na galit ako. Walang hiyang Mr. Sungit yun! Inagawan ba naman ako ng mugo mugo ko tas na halikan pa ko ng masungit na yun.

"Waaah! Magbabayad ka sakin Mr. Sungit!" inis na sigaw habang tinatadtad ng bala ang target ko.

A/N: Thank you for reading!

The Naked Weapon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon