Chapter 1 - Meeting Mr. Nerd

88 3 1
                                    

Unang chapter para sa kaibigan kong si simplegirl31 (Jeh, lakas mong maka-idol)

Hope you like it :P

---------------------------------------

Chapter 1 - Meeting Mr. Nerd

(Alarm ringing)

"Ughhh... anong oras na ba? hmmm 6:30 palang naman, 5minutes pa..." pagkatapos ko tignan ang oras sa CP ko na nag-aalarm sa ilalim ng unan, nagdesisyon akong matulog uli.

after 1 Hr.

"Oww, shoot!! 7:30 na, ang bagal ko pa naman kumilos" saka ako bumalikwas ng tayo at mabilis na kumilos para pumasok, di bale ng hindi makaligo wag lang mahuli sa unang araw ng pasukan. (toink ^^)

Unang araw ng pasukan, at huling taon ko bilang high school pero ewan ko ba naman kung bakit kasi tamad na tamad ako pumasok, hayyy... pakiramdam ko kasi mabobore lang ako, same classmate, same section, tapos wala pa naman gagawin.

Pagkalabas ko ng kwarto naabutan ko si inang reyna na nagbabantay ng munti nyang tindahan.

"late ka na, ginising na kita kanina hindi ka pa pala tumayo. unang araw ng eskwela late ka" sabi nya ng mahinahon pero may halong inis ang tono.

"eh kasi ma, nakaidlip ulit ako hindi ko na namalayan ung oras, sorry naman" sabay lapat ng palad ko sa harap nya para humingi ng baon.

"ikaw na bata ka, sa lahat ata ng estudyante ikaw lang ang hindi naexcite pumasok sa haba ng bakasyon!" sagot nya

"hindi naman eh,, si Munes at Mado ba nakapasok na?tatakbo na nga ko baka tuluyang malate ako, alis na po ako ma" sabay halik sa pisngi ni inang reyna.

10 minuto ang inaabot sa paglalakad para makarating sa paaralan namin, isang pampublikong paaralan pero pinagmamalaki naman kasi mahuhusay ang mga guro pati na rin ang mga estudyante.

pagdating ko ng school nakaupo na sila Munes at Mado, sa bandang harapan buti nalang wala pa ung teacher namin.

"aga nyo ha? hehe" pabirong sabi ko sa kanila

"anong maaga? Late ka lang kamo. Dinaanan ka pa kaya namin kanina" sabi ni munes habang nakakunot ang dalawang kilay

"ahh late ba? hehe eh late din naman ung teacher natin eh :p" sabi ko kasabay ng nakakaloko kong ngisi

"umupo ka na nga jan at mukang hinihingal ka pa sa pagtakbo papasok" sabi ni mado na inalis ang bag nya sa upuan na nireserba nya sakin

"mukang hindi pa din ata nakaligo hahaha" sabay silang tumawa

nginusuan ko na lang sila

Si Munes at Mado ang dalawang bestfriend ko, simula nung bata pa kami, mga fetus siguro magkakaibigan na kami hehe, naglalaro sa kalsada. simula Piko hanggang Ten Twenty. bahay bahayan hanggng mataya-taya. Para silang mga kapatid ko na ibinigay lang ng Ama sa ibang nanay

Munes: tignan nyo ung nandun sa likod dali, gwaping" kinikilig pa habang sinasabi

Sabay lingon sa tinuturo nya.

Mado: oo nga no? haha transferee siguro, parang love ko na sya :D

Pieta: Landi!!! Love agad? Ngayon lang nakita love na agad? Sus!Hindi naman kagwapuhan, ordinaryo lang ang mukha. Tignan nyo nga may dala pang payong na malaki, ung may tangkay pa hahaha yan ba magiging crush mo nerdy?

Mado: hmmm baka galing province kaya ganyan, ikaw talaga masyado kang bully kahit kelan.

Pieta: haha nagsasabi lang naman ako ng totoo ha? :D

After 5 mins pumasok na ang guro namin na si Ms. Meriam. Isang terror teacher sabi ng mga naunang estudyante nya noon. Palibhasa kasi matandang dalaga kaya ganon :p

Ms. Meriam: Good morning, I bet Everyone knows me already. Or is there any transferee here?

Sabay taas ng kamay ni Prince Cameron

Ms. Meriam: You are from Where? Come forward and introduce yourself

kasabay ng pagtayo ni Prince sa harapan ng classroom ay ang pagsiko din sakin ng dalawa kong katabi. mga kinikilig parang kinikiliti.

"hi, ako nga pala si Prince Cameron, you can call me Prince or Cameron. Galing ako ng Ilocos. Sana maging kaibigan ko kaung lahat. ^_^"

------------------------------

Putulin ko na muna :) till Next Chapter po and please keep reading :) God Bless Guys

First LoveWhere stories live. Discover now