~one shot~

17 2 1
                                    


BWISIT KA TALAGANG NICHOLAS KA!!!
HUMANDA KA TALAGA SA'KIN PAGDATING MO! NAPAKA MO TALAGA! ARRGHH KAINIS!!!

I'm here in a bench sitting and waiting for him nor his reply pero kahit isa wala. Tinawagan ko na rin, hindi naman sinasagot. Hmp! Kainis sya!

Pinagtitinginan na tuloy ako ng mga tao especially mga bata, dahil na rin siguro sa itsura ko. Bukod sa haggard face na nga dahil kanina pa 'ko nakaupo dito sa bench sa EK tapos sinabayan pa ng tirik na tirik na sikat ng araw, magkasalubong na rin ang magkabila kong kilay una dahil sa gutom, and lastly sa inis dahil late sya.

Ok fine, pagbigyan. Ngayon lang naman sya na-late Nicole, kaya chill lang dapat. Kalma ok? Dadating na rin yun, na-traffic lang siguro.

Geez... pati sarili ko kinakausap ko na. Hayyy...

I looked at my phone, it's 12:00 pm (noon) already. In off ko na yung phone ko, 3 hours na pala 'kong naghihintay sa kanya. Pero imbis na mainis ay wala sa sariling napangiti na lang ako.

JS namin non, nakaupo lang ako sa in-assign na table para sa'min. Ang dami kasing pagkain tsaka super duper sarap pa. Hindi ko maiwanan.
Yung mga kasama ko, nasa dance floor. Ganoon rin yung iba pa naming ka-batch na ine-enjoy ang malakas na music at may mga katulad ko na mas piniling i-enjoy ang mga pagkain.

"Nicole..."
Muntik ko nang mabuga yung kinakain ko sa tumawag ng pangalan ko...

"Sorry... ok ka lang?"
Mabuti na lang inabutan kaagad nya 'ko ng isang basong iced tea, na sa tingin ko ay dala nya.

"Anong ok don Nicholas?! Muntik na 'kong atakihin sa'yo! Bwisit ka!"
Tumabi sya sakin at nabigla ako nang ngumiti sya, sheteng dimples yan pamatay. Shete ang gwapo talaga nya as in, bagay na bagay sa kanya yung black nyang tux na tinernuhan ng red neck tie na hindi na masyadong nakaayos. Kyaaa! Ang hot tignan!!!

"Oh bakit ka nakangiti?"
Wag syang ganyan, baka kasi bigla ko na lang syang sagutin. Huhuhu. Kailangan pahirapan ko muna sya. Pero kasi naman eh, lalo lang syang ngumiti. Huhuhu. Ang hirap naman nito.

12:00 (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon